3RD PERSON POV Sa isang madilim at lumang warehouse na matatagpuan sa malayo at tagong parte ng maynila, ito ay pinagkukutaan ng isang grupo ng sindikato. Habang walang tigil na bumubuhos ang ulan sa labas at rinig na rinig ang malakas na kulog. Tanging ang liwanag lamang mula sa kidlat ang nagbibigay ilaw para maaninag ang kahindikhindik na pangyayari sa loob. Matapos marinig ang isang malakas na putok ng b***l, kasunod noon ang nakakapangilabot at makatindig balahibong sigaw ng isang lalaki. "Ano, hindi ka pa rin ba aamin?" gigil at may halong inis na bulong pa sa kanya ng isang tauhan ni Baron habang nakahawak ito sa kanyang buhok at balak na atang tanggalin ang kanyang anit sa sobrang higpit nito. Habang nakaluhod siya sa sahig ay nakapanuod lang naman sa kanya ang lahat ng mga m

