3RD PERSON POV "Oo maganda dito, kung ako nga si Tris ibigsabihin ba ay a-akin talaga ito?" hindi makapaniwalang aniya dito. Nung unang beses siyang nakapasok dito, masama ang loob niya dahil sa may ari ng kwartong ito. Ngayon, parang gusto niyang ibaon sa lupa ang sarili dahil sa pagseselos na nararamdaman sa kanyang sarili kung siya nga talaga ang nawawalang kababata nito. "Oo, hindi lang ang kwartong ito kung hindi ang buong bahay," tumingin ito sa kanya nang deretso at saka lumuhod sa baba ng kama para maging magkapantay silang dalawa. "Oo, ipinangako ko sayo noon na magpapagawa ako ng bahay para sayo, para sa ating dalawa, alam kong huli na at marami nang taon ang lumipas pero hindi mo alam Tris ko kung gaano ako kasaya nang makita kitang muli," ani nito, habang nakahawak sa kanya

