"YVONNE!" malakas na sigaw ni Feliza. Nakita niya, na napasilip sa salamin ang Driver kaya hininahon na niya ang sarili.
"Bakit ka sumisigaw?" mukhang nagulat na tanong sa kanya ni Yvonne. Gustong mapaiyak ni Feliza, sa tuwa na buhay pa pala ang kaibigan niya at ngayon tinawagan pa siya nito.
"Akala ko patay ka na," napasigok na sabi niya,"sobra akong natakot, kasi akala ko pinatay ka." Hindi na niya napigilan ang mga luha niya.
"Anong sinasabi mo?" naguguluhang tanong nito.
"Nakita ko Yvonne, binaril ka niya nang ilang beses. Sinundan kasi kita, tapos narinig kong sumigaw ka," paliwanag niya sa kaibigan.
"Bakit mo ako sinundan? May nakakita ba sayo-
"Nakita niya ako. Dinukot ako-
"s**t! Nasaan ka ngayon? Ligtas ka ba?" nag-aalalang tanong na nito sa kanya.
"Oo, natakasan ko si Parker. Ngayon nasa taxi ako patungong Ospital."
"Parker? Hindi ko siya kilala. Ibig sabihin, ibang grupo ang nakakita sayo at hindi-
Sadyang pinutol ni Yvonne, ang sasabihin niya sana.
"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan na niyang tanong sa kaibigan. Narinig niya na lang na bumuntong hininga ito.
"Dumiretso ka na sa probinsiya at 'wag ka nang mag-stay pa rito sa Maynila. Baka mapaano ka pa!" utos nito sa kanya.
"Ikaw, Yvonne? Nasaan ka na ba? Bakit hindi ka nagparamdam sa akin simula nang huli tayong nagkita?" Hindi nagsalita si Yvonne. "Sobra mo akong tinakot, akala ko talaga patay ka na, nagsabi na ako sa mga Pulis at muntikan ko na rin sabihin kila Tita at Tito, na patay ka na," nag-aalala na niyang sabi dito.
"Huwag mong sabihin kila Inay at Itay, ayokong mag-alala sila," bilin nito sa kanya,"Feliz, makinig ka," seryoso na nitong sabi. Napatango siya, kahit hindi naman siya nito nakikita. "May nagawa ako at nasa kapahamakan ang buhay ko, kaya nagtatago ako."
"A-ano-
"Kaya hindi na ako nagpapakita sayo dahil ayokong madamay ka at pati ikaw mapahamak. Pero mukhang nadamay ka na nga, kaso hindi ko kilala si Parker. Ngayon ko lang narinig ang pangalan na iyan."
"Kung ganoon, hindi pa kayo nagkikita ni Parker?" tanong na niya rito.
"Hindi pa. Hindi ko siya kilala, iba ang tumutugis sa akin," tugon nito.
"Kung ganoon hindi ka niya papatayin?" Biglang kumabog ang puso niya sa isiping mukhang nagkamali siya ng bintang kay Parker.
"Paano niya ako papatayin? Hindi naman kami magkakilala," sabi nito.
"Buhay ka, ibig sabihin mali ang inakala ko sa kanya na pinatay ka niya! Nagkamali ako!" wala sa sariling bulalas niya.
"Pero mag-ingat ka pa rin. Baka konektado siya sa tumutugis sa akin," babala pa rin nito.
"Anong gagawin ko?" naguguluhang tanong niya kay Yvonne.
"Umalis ka na. Umuwi ka na sa probinsya at 'pag maayos na ang problema ko, saka na ako uuwi. Basta wala kang sasabihin kila Inay at Itay, sekreto lang natin ito," bilin sa kanya ni Yvonne.
"Sino ba ang tumutugis sayo? Bakit ka nila tinutugis?" nag-aalalang tanong niya ulit kay Yvonne.
"Hindi ko pa masasabi sayo ngayon Feliz, delikado lalo na sa cellphone tayo nag-uusap. Ang mahalaga sa ngayon, ay ligtas pa rin ako at ligtas ka rin. Sundin mo na lang ako, sa sinabi ko na umuwi ka na sa probinsya at pag may pagkakataon, tatawagan kita ulit."
"Pero mangako ka. Na uuwi ka ng ligtas, Yvonne," bilin niya na rin sa kaibigan.
"Oo, mag iingat ka Feliz at isa pa, huwag kang basta magtiwala sa ibang tao, kilala mo man sila o hindi. Dahil baka sila ang magpahamak sayo," babala nito sa kanya.
"Oo, Yvonne. Mag-iingat ka rin," tugon niya dito.
"Sige na, bye na," paalam nito at hindi pa siya nakakatugon nang mamatay ang linya ng tawag.
"Miss, nandito na po tayo sa Ospital," untag sa kanya ng Driver. Binayaran na niya kaagad ang Driver saka lumabas ng taxi.
Kaagad siyang pumasok sa Ospital at nagpa-check up. Mabuti naman at wala naman siyang malalang dinanas sa pangbubugbog sa kanya ng tauhan ni Parker at gamot lang sa sugat at pangpawala ng sakit sa katawan ang ibinigay na reseta sa kanya.
Naguguluhan pa rin talaga siya. Hindi patay si Yvonne, na ipinagpasalamat niya pero delikado ang buhay nito at may tumutugis sa kaibigan niya. Hindi niya pa rin maintindihan ang nangyayari sa kaibigan at kahit sa nangyari rin sa buhay niya. At sino ba talaga si Parker? Kung hindi talaga nito pinatay si Yvonne, bakit siya nito pinadukot? Tapos pinatay nito rin ang dumukot sa kanya at dinala siya sa bahay nito, para sabihin pakakasalan siya kung siya talaga ang hinahanap nito.
Pero bakit naman siya nito ipapahanap? At bakit siya nito pakakasalan?
Ang daming gumugulo sa utak niya pero hindi niya alam kung paano ito masasagot.
"Kung hindi pinatay ni Parker si Yvonne, dapat pala bawiin ko ang sinabi ko kay SPO1 Gonzalo na pinatay ni Parker si Yvonne. Pero hindi ko babawiin na nasaksihan ko na pumatay siya. Ibang tao nga lang," sabi niya sa sarili.
Kinuha niya ang cell phone niya sa shoulder bag at pati na rin ang calling card nito. Dalawang number ang nandoon, isang Telephone at cellphone number. Ang cellphone number ni SPO1 Gonzalo ang tinawagan niya.
"Hello," baritonong boses ni SPO1 Gonzalo ang sumalubong sa kanya.
"SPO1, si Feliza po ito iyong nag-report sayo na pinatay ang kaibigan ko," umpisa niya dito.
"Oh, I remember you," bulalas nito na may sigla sa boses.
"SPO1, nagkamali po ako," amin na kaagad niya dito,"hindi pinatay ni Parker ang kaibigan ko."
"Ibig sabihin may ibang pumatay sa kaibigan mo?" tanong na nito.
"Hindi. Buhay pa si Yvonne at nakausap ko siya," paliwanag na niya dito,"tinawagan niya ako at buhay na buhay pa talaga siya."
"So, babae ang kaibigan mo at Yvonne pala ang pangalan niya," sabi nito. May himig kaseryosohan na ang boses nito na ipinagtaka niya, dahil kanina lang ang sigla ng boses nito.
"O-oo, may problema po ba?" nagtatakang tanong na niya dito.
"Wala naman," masigla na namang tugon nito. "Napaisip din kasi ako, dahil ang katawan na nakita namin sa pinangyarihan ng krimen na tinutukoy mo ay lalaki, akala ko siya talaga ang tinutukoy mong kaibigan. Bale napagkamalan mo lang ang biktima nang gabing iyon dahil mahaba ang buhok nito."
"Oo at isa pa, pareho rin sila ng kulay ng damit," paliwanag na niya dito,"pero si Parker pa rin ang pumatay sa taong iyon at 'di ba dapat makulong pa rin siya?
"Pag malakas ang ebedensiya. Makukulong pa rin siya pero pag hindi. Malabo na iyon," tugon nito.
"Pero kawawa pa rin naman ang taong pinatay niya-
"Kami na ang bahala doon Miss Bernardino," putol nito sa sasabihin niya sana at napansin niya na parang may iritasyon na ito sa boses.
"S-sorry kung nagkamali ako ng akala," nagsisisi niyang sabi dito.
"Kung ligtas ang kaibigan mo. Nasaan siya ngayon?" interesado na nitong tanong. Biglang nakadama siya ng kaba at naalala niya ang paalala sa kanya ni Yvonne.
Bakit biglang nagkaroon ng interes si SPO1 Gonzalo, sa kaibigan niya. Wala naman itong nalalaman sa nangyayari ngayon sa kaibigan niya.
"SPO1 Gonzalo, malo-lowbat na ako. Bye na," agad niyang paalam sa Pulis at ibinaba ito saka pinatay ang Cellphone niya para hindi siya nito kontakin.
Kaagad niyang tinago ang cellphone sa bag at nagpara ng taxi, para makauwi na. Hindi mawala sa isip niya si SPO1 Gonzalo at kung bakit ito interesado kung nasaan ngayon si Yvonne. Nakadama tuloy siya ng takot, paano kung isa ito sa tumutugis kay Yvonne at dahil nasabi niya iyon sa Pulis, ay nalaman na nito na buhay at ligtas pa ang kaibigan niya.
Naglakad-lakad siya sa kabuoan ng maliit niyang apartment. "Dapat mabalaan ko si Yvonne. Pero paano?
Kinuha niya ang cellphone niya at binuksan ito. Wala naman text mula kay SPO1 Gonzalo. Hinanap niya ang number na ginamit ni Yvonne, nang tawagan siya nito at agad niya itong tinawagan.
Tumunog ang kabilang linya pero hindi sinasagot. "Yvonne, sagutin mo na!
Ilang beses pa niya ito tinawagan pero hindi pa rin ito sinasagot ng kaibigan, kaya dumagsa na ang pag-aalala niya dito. Napaupo na siya sa kama niya at nabitawan na rin niya ang cellphone sa kama.
"Ano na bang nangyayari sayo, Yvonne? Bakit ka ba kasi napasok sa ganyang kapahamakan."
Nagulat siya sa pagtunog ng cellphone niya at si Yvonne, ang inaasahan niyang tumawag kaya agad niya itong sinagot.
"Yvonne!
"Miss Bernardino," tugon ng nasa kabilang linya, na ikinabilis ng pagtibok ng puso niya at puputulin na sana ang tawag,"kung gusto mong maligtas ang kaibigan mo 'wag na 'wag mong ibababa ang phone mo," seryoso ng sabi nito na ikina-estatwa niya.
"'Wag mong sasaktan si Yvonne," pumiyok pa ang boses niya nang sabihin niya iyon.
Narinig niyang bumuntong hininga ito. "Hindi ko siya sasaktan. Yvonne is my assignment, isa siya sa magaling na tauhan ng isang organisasyon na may ilegal na ginagawa." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ni SPO1 Gonzalo. Hindi papasok ang kaibigan niya sa ganoong trabaho. Alam niyang napakabuting tao ni Yvonne.
"Nagsisinungaling ka. Hindi magagawa-
"Pero nagawa niya at ngayon nasa kapahamakan na siya," putol nito sa sasabihin niya sana kaya napinid ang labi niya. "Look Miss Bernardino, all I want is your help to know where is Yvonne. Matutulungan ko siya lalo pa't nalaman ko na ang pinasok niyang organisasyon ay hina-hunting na siya para patayin."
"Diyos ko!" bulalas niya at nanlaki ang mga mata niya. Ang pinasukan din pala ni Yvonne, ang gustong pumatay sa kanya.
"If you want to save her, help me to find her."
"Pero hindi ko alam kung nasaan siya."
"Where are you? We need to talk personally."
"Nasa- nasa bahay ako."
"'Wag kang umalis diyan. Safe ka pa ngayon, dahil wala pa naman nakakaalam na kaibigan mo si Yvonne, ako pa lang naman."
"Pero aalis na ako."
"'Wag na muna, antayin mo ako. I-text mo ngayon sa akin ang address mo," utos nito.
"O-okay."
"Wait for me, until tomorrow."
"S-sige." Pinutol na ni SPO1 Gonzalo ang tawag. Sinubukan niya ulit tawagan si Yvonne, pero unattended na ito, kaya mas lalong dumagsa ang kaba niya para sa kaibigan.
Dahil sinabi ni SPO1 Gonzalo, na huwag muna umalis minabuti ni Feliza na doon na muna sa bahay niya maglagi at antayin ang pulis. Pero inabot na nang hating-gabi wala pa ito, kaya minabuti na muna niyang ipahinga ang katawan dahil sa naramdaman niyang pagod.
Himbing na himbing na siya sa pagtulog nang maalimpungatan siya sa malakas na paglagabog ng isang bagay. Kaya agad siyang bumangon at sinilip ito, naisip niya kasi na baka ang Pulis na iyon na inaantay niya. Tinignan niya ang orasan sa pader ng bahay niya at alas-dos na nang umaga.
"Madaling araw naman ang punta niya."
Lumakad siya papunta sa nag-iingay na kung ano at nanlaki ang mga mata niya dahil may limang taong armado ang pumasok sa bahay niya. "S-sino kayo? Kayo ba ang pinapunta ni SPO1 Gonzalo?" agad niyang tanong dito. Pero mabilis na nilapitan siya ng mga ito at tinakpan ang bibig niya.
"Hindi ikaw ang kailangan namin Miss. Pero ikaw ang magtuturo kung nasaan ang kailangan namin," sabi ng lalaki na nasa harap niya na may tattoo na dragon sa kalahati ng mukha. May inilabas itong baril mula sa likuran na ikinanindig ng balahibo niya.
Isa lang ang nakahawak sa kanya pero dahil malaking lalaki ito at ang lakas nito ay hindi siya nagkaroon ng pagkakataon para pumalag at takasan ito. Ang tatlo pa na armadong lalaki ay lumabas at pagpasok may mga gallon gallon na dala ang mga ito. Ibinuhos ng tatlong lalaking kapapasok lang sa buong bahay ang laman nito at nanlaki na naman ang mga mata niya nang maamoy ang laman ng gallon na dala ng mga ito.
"Gas!
"Sabihin mo sa amin kung nasaan ang kaibigan mong si Yvonne, nang hindi na kita pahirapan pa," untag sa kanya ng lalaking nasa harap niya.
Tinanggal ng lalaking humahawak sa kanya ang kamay nito para makapag-salita siya. "H-hindi ko alam," nanginginig ang boses na tugon niya. Itinutok na ng lalaking nasa harap niya ang baril sa ulo niya na ikinapikit ng mata niya.
"Sabihin mo na! Nasaan ang kaibigan mo!" gigil na tanong nito.
"H-hindi ko talaga alam," naiiyak na tugon niya.
"Wala naman pala kaming mapapala sayo," sabi nito, "sunugin na ang bahay!" utos nito sa mga kasama at mayamaya naamoy na lang niya ang usok ng nasusunog.
"Malas mo dahil ikaw ang una naming natagpuan. Sa susunod ang magulang naman ng kaibigan mo," sabi nito. Dama na niya na ipuputok na nito ang baril at tutuluyan na siya nito.
Sunod-sunod na putok ng baril ang narinig niya at nabitawan siya ng lalaking nakahawak sa kanya, kaya nagmulat siya ng mata. Patay na ang limang lalaking armado na nandoon at lahat sa ulo ang tama na ikinataka niya.
Napaubo siya sa usok na nagmumula sa nasusunog niyang bahay at malaki na ang apoy doon. Nagmamadali na siyang naglakad ng bahay nang mapahinto siya sa taong pumasok sa pinto ng bahay niya, na may hawak na mahabang baril.
"Surprise b***h," nakangising sabi nito
"Parker!"