Chapter 16

1953 Words
NAGUGULUHAN na si Feliza, sa kakaibang kinikilos ni Damien. Parang ang ilap kasi nito sa kanya at sa tuwing mapapalapit ang katawan niya sa binata, ay bigla na lang itong lalayo na akala mo may sakit siya at aalis sa lugar kung nasaan siya. Dalawang-araw na itong ganoon sa kanya at naiirita na siya. Akala nga niya noong unang lumayo ito, nang magkadikit sila ay nabahuan ito sa kanya. Paano iba kasi ang nakita niyang emosyon sa mukha nito at kaagad lumayo sa kanya. Maaga pa kasi no'n at naghilamos lang muna siya saka nagluto kaya talagang naisip niya na nangangamoy na siya pero nang inamoy naman niya sarili niya wala namang hindi kaaya-aya ang amoy niya. Naligo tuloy siya kaagad at kinuskos niya ng sabon ang katawan niya na halos madurog pa dahil sa sobrang hiya niya. Pero kahit nakaligo na siya at nag-toothbrush ay ganoon pa rin ito sa kanya at madalang din siyang kausapin nito at malayo pa ito pag kinakausap siya. Naguguluhan at naiinis na rin siya dahil sa kinikilos ng binata. Nasa kusina si Feliza, nang umagang iyon at inihahanda na niya ang agahan sa lamesa. Nakaligo na siya at nakalugay ang mahabang basang buhok niya. Iyon ang naabutan ni Damien, na nagpupunas ng buhok. Napalunok siya dahil kitang-kita niya ang magandang katawan nito sa suot nitong sandong itim at naka-short lang ito na hanggang tuhod. Kita sa sando ang dibdib na may mumunting balahibo at ang braso nito na naninigas ang muscles. Napatingin ito sa kanya matapos punasan ang buhok at hindi niya maiwasan mapahanga sa gwapo nitong mukha na kahit magulo pa ang basang buhok nito. "Ang gwapo naman nito sa umaga. Kahit 'ata magsuot ito ng basahan eh, gwapo pa rin ito." Tinignan siya ni Damien, mula ulo hanggang paa at kumunot ang noo nito saka umiwas ng tingin. Kumuha ito ng plato at nilagyan ng kanin at sunny side up na itlog saka umalis. Sinundan niya ito ng tingin at sa sala ito dumiretso, umupo ito sa single sofa na nakatalikod sa kinaroroonan niya. Napasimangot siya. Ano na naman kaya ang nakita nito sa kanya, bakit iniiwasan na naman siya nito. Akala mo naman may sakit siya na nakakahawa! Umupo siya sa upuan at mag-isang kumain sa dinning area. Itinaas pa niya ang paa niya sa upuan at walang tigil ang pagsubo ng pagkain. "Bwesit! Ang aga aga iniinis ako! Sumubo siya ng ulam at kanin na naging dahilan kung bakit siya nabulunan kaya mabilis siyang uminom ng tubig. "Bwesit talaga! Kasalanan ng lalaking iyon pag namatay ako sa bulunan! Kainis! Napalingon siya nang maramdaman niyang may dumaan sa likod niya at  nakita niya si Damien, na nilagay sa lababo ang pinagkainan. Kinuha nito ang baso sa lamesa na ginamit niya kanina at lalagyan sana ng tubig. "Huwag mong gamitin iyan! Ginamit ko iyan, eh!" sita niya dito. Salubong ang kilay na tinignan siya nito. "Baka mahawa ka sa sakit ko, pag ininuman mo iyan!" Tumayo siya at padabog na inilagay sa lababo ang pinagkainan niya. "Are you sick?" gulat na tanong sa kanya ni Damien. "Oo! May sakit ako at baka mahawaan ka!" inis na tugon niya dito. "Dapat magpa-check-up ka. Ano ba ang sakit mo?" Biglang may bumahid na pag-aalala sa mukha nito pero ayaw niyang paniwalaan iyon. Kung makaiwas nga ito sa kanya parang may sakit siya tapos nag-aalala ito sa kanya. "Tanungin mo sarili mo, kung anong sakit ko!" Nagkaroon ng kalituhan ang emosyon sa mukha ni Damien. "I don't understand you. What are- "Hindi ba iniiwasan mo ako, na parang may nakakadiring sakit ako at nakakahawa. Akala ko noong una nababahuan ka sa akin eh, kaso naligo na ako lahat lahat at nagpabango pa ako pero ganoon ka pa rin. Tapos pag nakikipag-usap ka na, napakadalang na at ang layo layo mo pa! Prangkahin mo nga ako! Anong problema mo sa akin? Bakit parang pinandidirihan mo ako kung makaiwas ka? Umiwas ng tingin si Damien sa kanya at narinig niyang bumuga ito ng hangin. Mukhang wala itong planong magsalita kaya napabuntong hininga na rin siya. Hinawakan niya ang braso nito at nagulat siya nang umiwas ito. "Don't touch me!" sikmat nito. Napaatras siya sa nakitang galit sa mukha nito. "P-pinandidirihan mo nga ako," sigurado niyang sabi. Tinalikuran na niya ito at mabilis na iniwan ang binata sa dinning area. Sa kwarto siya dumiretso at napaupo siya sa kama. Parang may pumipiga sa puso niya sa ipinakita at ipinaramdam sa kanya ni Damien at naiinis siya dahil masyado siyang naaapektuhan. Tumayo siya at tinignan ang sarili sa mahabang salamin. Binili nila ito ni Damien, nang pumunta sila sa bayan. Nakasuot siya ng blouse at short na hapit sa katawan at nakalugay ang basa pa rin niyang buhok. Sexy naman siya kahit hindi kalakihan ang kanyang dibdib pero hindi rin naman siya flat chested, tama lang sa katawan niya. Wala siyang bilbil at slim ang katawan niya at maganda ang hugis ng legs niya, makinis ang balat niya at maputi rin siya.  Tinignan din niyang maigi ang mukha niya at wala rin naman siyang nakikitang mali sa mukha niya. Hindi siya sobrang ganda katulad ng mga artista o modelo pero hindi rin naman siya pangit. Maraming nagsasabi maganda siya at kahit paano nagkaroon din siya ng mga manliligaw. Maliit lang ang bilog niyang mukha na bumagay sa singkit niyang mata, may lahi kasi silang Chinese dahil ang Nanay niya ay half Chinese. Namana niya sa ina ang singkit niyang mata, ang lips naman niya ay mapula at ang ilong naman niya ay matangos kaya bakit pinandidirihan siya ng ganoon ni Damien. Siguro walang-wala siya sa mga babaeng nakakasalamuha ni Damien. Sigurado ang gaganda talaga ng mga nakikilala nito, lalo pa't sa estado ng buhay nito. Pero wala pa rin itong karapatan iparamdam sa kanya iyon! Hindi ba niya alam na nakakainsulto iyon sa p********e niya? Saka ito naman dahilan kung bakit sila magkasama sa iisang lugar at nagpanggap sila na mag-asawa kung hindi siya nito kinidnap noon at ipinasok sa magulong buhay na iyon. "Tandaan mo, kung wala siya patay ka na rin dahil sa naghahanap kay Yvonne," paalala ng sarili niya. "Kahit na! Sana naman 'wag niya akong ganunin! Sabi niya pakakasalan niya ako pag na-confirm na ako iyong hinahanap niya? Paano na pag mag-asawa na kami? Iiwasan niya ako at magpapa-don't touch me siya sa akin pag hinawakan ko siya? Nakakainis! "So, umaasa ka na ikakasal nga kayo ni Damien?" Nanlaki ang mata ni Feliza at nag-init ang mukha niya sa isipin na parang umaasa siya na ikakasal sila ni Damien. "Nababaliw na ako!" bulalas niya. Tinignan niya ang mukha sa salamin at kitang-kita ang pamumula niya kaya hininahon niya ang sarili. "Siguro nagkakaganito lang ako kasi ginugulo niya ang isip ko dahil sa pag-iwas niya. Oo iyon nga!" kombinse niya sa sarili. "Hindi ako umaasa na ikakasal kami, kasi wala naman akong gusto sa kanya. Ni crush- Napahinto siya at naalala kung gaano kagandang lalaki ni Damien. Isang temptasyon sa lahat ng mga babae ang gandang lalaki nito. "Oo, gwapo siya. Kahit sino maa-atract sa kanya. Natural na babae lang ako kaya baka meron konti. Tama natural lang iyon. He's really a temptation. But I know I can endure that temptation. Kasi hindi naman ako marupok. Kaya endure mo girl. Endure the temptation! Hindi na lumabas pa ng kwarto si Feliza, saka lang siya lumabas nang nakaramdam siya ng gutom at kumuha ng pagkain. Sa kwarto na siya kumain para iwasan na rin si Damien at pagkahapon lumabas siya dala na rin ng inip. Naabutan niya si Damien, sa labas ng bahay at nagsisibak ng kahoy. Nakahubad baro ang pang itaas nito at lantad na lantad ang maganda nitong katawan. "What a temptation! God! Ganda ng katawan!" nagsusumigaw ang malanding isip niya. "Hoy! Hindi ka marupok, hindi ba? Iniwas niya ang tingin sa binata at lumabas na ng bakuran. "Where are you going?" Napalingon siya kay Damien. Nakatayo na ito at malamig ang mga tingin sa kanya. "Basta!" masungit na tugon niya dito. Inirapan niya ito at naglakad na paalis. Sa bahay nila Nanay Martha siya dumiretso. Wala naman siyang ibang malapit na kakilala sa lugar na ito kundi si Nanay Martha lang at pamilya nito. Nakasalubong niya si Babylyn, na palabas ng bahay. "Oh, ate Feliza!" nakangiting salubong nito. "Saan ka pupunta?" takang tanong nito dahil mukhang may lakad ito. "Naimbitahan ako sa birthday ng isa sa kaklase ko. Gusto mo sumama, ate? Mag-e-enjoy ka doon," aya nito sa kanya. "Eh, hindi naman ako invited." "Okay lang iyon, ate. Sabi naman niya magsama ako sa mga pamangkin ko, kaso wala sila kaya ikaw na lang." "Hindi ako prepare. Tignan mo suot ko, naka-short pa ako." "Okay na iyang blouse mo. Pahihiramin naman kita para hindi ka naka-short. Magkasing-sexy naman tayo," pamimilit pa rin nito. Hindi na siya nagsalita, nag-iisip pa siya kung sasama ba siya. "Iniisip mo ba si kuya Damien? Gusto mo ipag-paalam kita?" untag sa kanya ni Babylyn. Napasimangot siya dahil naalala niya lang ang pag-iwas nito sa kanya. "Huwag na! Wala namang pakialam sa mundo iyon. Sige, sasama na ako." Nagtatakang tinignan siya ni Babylyn, kaya natauhan siya sa nasabi niya. "Ah, okay lang naman kay Damien, na umalis-alis ako. Napangiti si Babylyn. "Mahal na mahal ka talaga ni kuya, ano? Laging tiwalang-tiwala siya sayo." "Mahal? Duh! Baka nandidiri kamo! Maraming tao nang makarating sila sa bahay ng kaibigan ni Babylyn. Malaki ang bahay ng kaklase ni Babylyn, hindi tulad ng ibang mga nakatira doon na maliit lang at gawa sa kahoy. Ang bahay ng kaklase nitong si Michael, ay sementado na. Nagpa-cater ang magulang ni Michael, para sa kaarawan ng binata at sa naglagay lang ng mga lamesa at upuan sa harap ng bahay upang doon na magsalu-salo ang mga bisita. Sila ni Babylyn, ay pinapasok sa bahay ni Michael, kaya nakita niya ang kabuuan ng bahay ng binata.  Kulay puti ang pader ng buog bahay na masarap sa paningin, may mga frame ng family picture, mga awards at may malaking wallclock. Bumagay ang kulay ng pader sa sofa nilang kulay peach at sa sala, at may center table na bilog sa gitna ng dalawang sofa na magkaharap. Sa Dinning area sila dumiretso at malaki at mahabang lamesa ang sumalubong sa kanila at pati ang upuan na gawa sa acacia. Doon sila pinaupo ni Michael, kasama ng magulang at ilang pamilya nito na talaga naman pa lang malaki kaya malaki at mahaba ang kanilang lamesa. Nakadama ng gutom si Feliza, dahil sa masasarap na pagkain na nakahain sa mesa at sumusuot din sa pang-amoy niya ang na amoy ng pagkain. Ang mga katulong at ilang kamag-anak ang nag-aasikaso sa mga bisita sa labas at ang pamilya ay sama-sama sa dinning area. "Tara kain na tayo," aya sa kanila ni Michael at pinaghila pa sila ng upuan. "Mike," tawag ng isang lalaki na lumapit kay Michael,"may mga magandang bisita ka pala. Pakilala mo naman," nakangiting sabi ng lumapit at matiim na tumingin sa kanya. "Kuya, kaklase ko si Babylyn at si Feliza kaibigan ni Babylyn. Bagong salta lang siya rito galing daw Maynila," pakilala ni Michael sa kanila,"pinsan ko nga pala siya Babylyn, Feliza. Siya si- "I'm s***h, s***h Valdemondo," putol na ni s***h sa pagpapakilala pa sana ni Michael. Inilahad pa ni s***h ang kamay na tinanggap naman kaagad ni Babylyn at matapos ni Babylyn, siya naman ang nilaharan ng kamay nito na tinanggap naman niya, naramdaman niya na pinisil nito ang kamay niya at kinindatan pa siya nito. Mukhang play boy si s***h, sa mga kilos pa lang nito at sa pagngiti, makikita mo na talaga at hindi rin mahihirapan ang lalaking ito na makahanap ng paglalaruang babae dahil gwapo naman talaga ito at may malakas ding dating na mapapalingon lahat ng babae sa kagwapuhan nito. May maipagmamalaki ring katawan na bumagay sa suot nitong black leader jacket at tenernuhan ng maong na pantalon. Kung tutuusin ang kagwapuhan nito ay hindi nalalayo kay Damien, pero para sa kanya higit na mas gwapo si Damien at malakas ang dating kesa sa lalaking kaharap niya ngayon.  A/N Itutuloy....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD