Chapter 14

1909 Words
"KAILANGAN natin mamili ng mga damit natin. Konti lang ang damit natin na nadala at kulang iyon sa pamamalagi natin dito. Isa pa, mamili na rin tayo ng makakain natin," untag ni Feliza kay Damien. Nasa hapagkainan sila ng binata at nag-aagahan. Silang dalawa na lang ni Damien, ang nasa bahay dahil umalis kahapon si Luna at ang mga bata kasama si Stephan. May tumawag kasi kay Luna at Papa raw ito ng mga bata, hinahanap sila kaya nagmamadaling umuwi si Luna. Dalawang araw pa lang silang naninirahan doon umalis kaagad sila Luna. "Sige, pumunta tayo ngayn sa bayan para mamili," payag kaagad ni Damien. "Siguro kahit ako na lang Damien, ang pupunta sa bayan. Magpapasama na lang ako kay Nanay Martha," sabi niya dito. Matiim itong tumingin sa kanya na ikinataka niya. "Sasama ako," sabi nito. "S-sige." Matapos nilang kumain ni Damien, magkasama silang pumunta sa bahay nila Nanay Martha at Tatay Berto para magpasama papuntang bayan. Hindi naman kalayuan ang bahay ng dalawang matanda fifteen minutes lang ang lalakarin papunta sa mga ito. May iilan na kapit-bahay sila Namay Martha, hindi tulad ng bahay na tinitirhan nila na malayo pa ang ilang kapit-bahay. Bago umalis si Luna ay naipasyal siya nito sa bahay ni Nanay Martha at nakilala niya ang tatlong anak ng matanda. Sila Myrna na panganay ni Nanay Martha, na may asawa at dalawang anak na. Si Fredo na pangalawang anak, may asawa na rin ito at isang anak at si Babylyn na pangatlo. Twenty years old pa lang si Babylyn at nag-aaral ng kolehiyo at dahil bakasyon naman ngayon kaya lagi itong nasa bahay. Lahat ng mga anak ni Nanay Martha at Tatay Berto ay kasama nilang naninirahan sa bahay ng mga ito. Malaki naman kahit paano ang bahay nila at may taas pa kahit gawa ito sa kahoy. Simple pero maganda at matibay ang pagkakagawa. Ganito naman talaga ang pamumuhay sa probinsiya at masasabing kahit simple, masaya naman at dama ang kakontentuhan sa buhay. Naaalala niya tuloy noong nasa Pampanga siya, kung gaano kasimple at kasaya ang buhay nila ni Yvonne noon. Ang laki kasi ngayon ng pagbabago at nasa kapahamakan pa sila ni Yvonne. Si Yvonne, wala pa rin siyang balita pero pinahahanap na rin ito ni Damien kay Luna at nangako naman si Luna, na hahanapin ito at kung buhay pa si Yvonne, ay sisiguraduhin daw ni Luna na magiging ligtas ito. "Oh, mabuti naman at napadalaw kayong mag-asawa rito," salubong ni Nanay Martha sa kanila. Napangiwi siya sa sinabi nito. Hindi pa rin talaga siya nasasanay na tawaging mag-asawa sila ni Damien, kaya naiilang siya pag naririnig niyang tinatawag sila n'on. "Magpapasama lang po sana kaming mamili sa bayan ng damit at makapamalengke na rin," tugon niya dito. "Ako na lang ang sasama sa kanila, Nay! Hindi ba bibili rin ako ng mga bago kong damit. Isasabay ko na sila," sabat ni Babylyn. Nginitian siya nito na ginantihan naman niya. "Oo nga. Tamang-tama at mamimili rin itong si Baby." "Sige Nay Martha, si Babylyn na lang po," ani niya. Pinapasok sila ng ginang at pinaupo muna sa sofa ng mga itong gawa sa kawayan na nilagyan ng foam. Aantayin pa kasi nilang makapag-bihis si Babylyn, bago sila makaalis. "Si Tay Berto po pala nasaan?" untag na tanong niya sa ginang na kaharap lang ng upuan nila ni Damien. "Namasada kasama si Fredo," tugon nito. Nakuha ang paningin nila sa pagpasok ni Myrna at kasama ang asawa nito na may hawak hawak na bote ng alak. "Ano ba iyan Waldo, kaaga-aga alak ang inaatupag? Kung nagtrabaho ka sana ngayon may ipapakain ka sana sa mga anak mo!" mahinahong sita ni Nanay Martha sa asawa ni Myrna. Tinignan lang siya nito saka sinamaan ng tingin at dire-diretsong umakyat sa hagdan. "Sorry Inay. Kanina ko pa kasi sinasabihang mamamasada iyon kaya lang naunahan ng alak kaya tinamad na," pangangatwiran ni Myrna. "Sabihan mo iyang asawa mo! Ang tamad tamad! Paano na lang kayo mabubuhay kung wala na kami!" inis ng sabi ni Nanay Martha sa anak. "Nay," saway na ni Myrna. "Kumikilos naman iyan si Waldo, napagod lang kahapon kaya nagpapahinga," tugon nito. "Ewan ko sa inyong mag-asawa! Bahala na nga kayo!" inis pa ring sabi ni Nanay Martha. Tumingin sa kanya si Myrna at naiilang na ngumiti kaya nginitian niya na lang ito at tumingin naman ito kay Damien para ngitian. Napatingin siya kay Damien at hindi man lang ito gumanti ng ngiti, malamig ang tingin nito kay Myrna, kaya mukhang lalong nailang si Myrna. Siniko niya si Damien, kaya napatingin ito sa kanya. "Ngumiti ka naman diyan," bulong niya dito. Kumunot noo nito. "But why?" nagtatakang tanong nito sa kanya. "Basta ngumiti ka pag nginingitian ka ng isang tao, gumanti ka ng ngiti. Pakitang-tao tawag dun," bulong pa rin niya dito. "No, I don't want. Hindi ako magpapakitang-tao sa hindi ko naman kilala," tugon nito at hindi man lang nito binulong ang sasabihin. Kunwari tumawa siya. "Napaka-joker talaga ng asawa ko," sabi niya at hinawakan niya ang pisngi nito at pinanggilan. "Tara na!" untag sa kanila ni Babylyn, na nandiyan na pala at bihis na bihis na kaya napatayo na silang dalawa ni Damien. "Aalis na po kami Nay Martha, Myrna," paalam niya. "Sige, mag-ingat kayo," bilin ni Nanay Martha. Nginitian lang siya ulit ni Myrna saka na sila umalis. Sa shopping Mall sila pumunta para doon mamili ng mga damit nilang dalawa ni Damien at ng grocery na rin. "Ate Feliza, tikman mo ito. Masarap ito," untag sa kanya ni Babylyn, may pa-free taste kasi sa grocery store na pinuntahan nila. "Ah, oo alam ko ito. 'Di ba rice ball tawag dito?" "Oo te, paborito ko ito kasi paborito ito ng bias ko na kpop," nakangiting sabi nito. Napangiti na rin siya at kinain ang rice ball na inabot ni Babylyn. "Ang sarap," sabi niya. "Damien, tikman mo," untag niya kay Damien, na sunod lang nang sunod sa kanya at tahimik lang. Malamig lang siyang tinignan nito at hindi pinansin. "Suplado! "Ate Feliza, bakit Damien lang tawag mo kay kuya Damien?" tanong ni Babylyn sa kanya na ikinakunot ng noo niya. "'Di ba kasi pag couple may mga endearment kayo? Like baby, sweetheart, honey, babe, kasi 'di ba ang sweet tignan n'on?" Napanganga siya at biglang napaiisip. Pero nagpapanggap lang naman sila bakit kailangan pa ng endearment? "Dapat meron kayo. Kasi 'di ba mahal niyo isa't-isa? May nabasa ako sa internet dati na pag binigyan mo raw ng nickname ang isang tao, sabi nila may gusto ka sa taong iyon kaya kayo dapat meron." Hilaw siyang natawa. "Nagpapaniwala ka do'n. Alam mo hindi batayan ng nickname o endearment sa pagmamahalan ng isang tao," paliwanag niya dito. "Ibig sabihin wala talaga kayong endearment?" nanlalaki ang mga matang turan ni Babylyn. "M-meron. Kahit naman mukhang malamig iyan si Damien, sweet naman kami," napipilitang pagsisinungaling niya. Naglakad-lakad siya at tumingin-tingin sa mga bilihin. "Ano ate?" curious na tanong nito. "Ano nga ba?" tanong niya na sa sarili at nag-isip. "Babe? My god! Honey? No! Ayoko! Baby?" Napatingin siya kay Damien, na seryoso lang na nakasunod. "Hindi bagay sa kanya." Napailing siya. "Eh, ano? "Ate?" untag sa kanya ni Babylyn.  Napatingin siya sa pagkain na naka-display. "Monchi!" bulalas niya. "Mochi? As in iyon ang tawagan niyo?" nagulat na tanong ni Babylyn sa kanya. "H-hindi. Ako lang kasi mahilig ako dito." Ipinakita ang hawak na rice ball at inilagay sa basket na dala niya. Mochi kasi ang nakalagay na pangalan ng rice ball. "Wow! Ang sweet!" kinikilig na sabi ni Babylyn, hilaw naman na napangiti siya. "Ate, tawagin mo nga siya. Gusto ko makita kung gaano kayo ka-sweet," utos pa nito sa kanya. "Ano ka ba! Huwag na, nakakahiya tapos dito pa!" tanggi niya. "Sige na, ate. Ang pogi kasi ni kuya at pa-mysterious pa siya kung umasta tapos tatawagin mong monchi, 'di ba ang sweet at ang cute!" kinikilig na pamimilit pa nito. "Napasubo pa ako!" "Ate sige na," pamimilit pa rin nito. Napabuntong hininga na siya at hinarap si Damien. "Mochi, mahal ko, halika nga rito," tawag niya kay Damien. Nakita niya na nangunot ang noo nito at hindi ito lumapit sa kanya kaya siya na mismo ang lumapit at niyakap ang braso nito. "Ang suplado talaga ng Monchi ko. Halika tulungan mo akong mamili ng bibilhin natin na grocery," paglalambing niya dito. Nag-iinit na ang mukha niya kaya hindi na siya tumingin pa kay Babylyn. Narinig niya itong impit na tumili, halatang kilig na kilig ito. Si Damien naman ay nakatitig at nakakunot ang noo. "Why did you call me? Mochi?" tanong sa kanya ni Damien, nang nakalayo sa kanila si Babylyn at namimili ito ng damit na bibilhin nito. "Nagtatanong kasi si Babylyn, kung ano endearment natin wala akong choice kundi mag-imbento," tugon niya at napakagat siya ng labi. "Where did you get that kind of endearment. It's annoying!" may iritasyon na sabi nito. Tinignan niya ito at kita sa mukha nito na ayaw nito ang naisip niyang endearment. "Nasabi ko na, eh. Hayaan mo, hindi ko naman parating babanggitin iyon," sabi niya.  Nakadama tuloy siya ng hiya. Bakit kasi sa dinami-dami ng endearment monchi pa nasabi niya? Narinig niyang bumuntong hininga ito. "Okay fine. Call me mochi, if you want." "Pero ayaw mo 'di ba?" nagtatakang tanong niya. "Okay na iyon. Ako rin ba dapat, ganoon ang tawag sayo?" "H-hindi na. Sabi ko naman iyon tawag ko sayo pero ikaw hindi." "Pero dapat meron din ako. Baka isipin nila nagpapanggap lang tayo- "Okay na, siguro kahit pangalan ko lang- "My Angel." Nanlaki ang mga matang napatingin siya dito at may ngisi ito sa labi. "That's my endearment to you. My Angel." Hindi niya alam kung bakit bumilis ang t***k ng puso niya nang tawagin siya nito sa endearment nito at parang ang laki ng epekto nito sa buong pagkatao niya. "Kinikilig ba ako? My god! "Ate, may mga damit dito, oh. Tingin ka rito baka gusto mo," untag tawag sa kanya ni Babylyn. "S-sige," tugon niya kay Babylyn at naglakad papunta dito. "Dito muna ako, my angel. Mamili lang ako ng damit," sabi ni Damien, na nagpahinto sa paglalakad niya. "S-sige," tugon niya na hindi ito nililingunan. "My angel? Iyon ang endearment ni kuya sayo?" kinikilig na tanong ni Babylyn. "O-oo," nauutal na tugon niya dahil wala pa ring hupa ang pagkabog nang mabilis ng puso niya. "Ang sweet!" impit na tili nito. Napipilitan na lang siyang ngumiti para hindi mahalata ni Babylyn, ang epekto sa kanya ni Damien. Ala-una na nang matapos ang pamimili nila. Sa bahay nila Babylyn, muna sila didiretso at niyaya pa sila ng dalaga na magmeryenda raw doon mamaya. Sumakay sila ng tricycle pauwi sa bahay nila Babylyn, matapos ang jeep na sinakyan nila. Pagdating nila nagulat sila sa tagpong naabutan nila doon. "Nanay!" sigaw ni Babylyn, dahil naaktuhan nilang tinulak ni Waldo si Nanay Martha sa labas ng bahay at gumulong ito sa sahig. Lasing na lasing na talaga si Waldo. Agad tumakbo si Babylyn para saklolohan ang ina. Si Myrna naman awat awat si Waldo. "Wala kang pakialam kung uminom ako! Pakialamero!" sigaw ni Waldo. "Walang-hiya ka Waldo! Bakit mo sinaktan Nanay ko!" galit na sigaw ni Babylyn. "Matapang ka rin!" sigaw ni Waldo at tangkang lalapitan si Babylyn pero inawat ni Myrna. "Huwag Waldo! Tama na!" saway nito. Hinarap ito ni Waldo at sinampal na ikinatumba nito. "Isa ka pa! Wala ka naman silbi!" gigil na sigaw ni Waldo. "Damien! Tulungan mo sila!" natatakot na sabi niya kay Damien. Nakatingin lang kasi ito kila Myrna. Hindi ito nagsalita. "Damien!" Tinapik niya ito sa balikat. "Bakit ko sila tutulungan? Kasalanan naman nila kung bakit ginaganyan sila ng lalaking iyan. Dapat umpisa pa lang, hindi na nila kinonsinte ang kalokohan ng lalaking iyan," malamig na tugon ni Damien. Hindi makapaniwalang napatingin siya dito. Wala sa mukha nito ang pag-aalala at mukhang wala talagang plano itong tumulong. Bakit ba nagugulat pa siya? Wala naman talagang pakialam ito sa iba. Napabuntong hininga siya at iniwan si Damien, para siya na ang tumulong kila Babylyn. Itutuloy....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD