"GUMAGAMIT siya ng ganoong drugs?" tanong ni Feliza kay Ion. Umiling si Ion."Si Clarity, inilalagay niya sa inumin ni Damien, kaya naging mas agresibo si Damien sa kilos niya. Inamin mismo iyon ni Clarity, nang kausapin ko siya. Kinailangan kasing mapatignan si Clarity, sa psychiatrist dahil nitong mga nakaraang-araw nakikita sa CCTV na ilang araw na siyang hindi nakakatulog sa tirahan niya at kapag binibigyan ng panpatulog si Clarity, binabangungot palagi at nagsisigaw." Nakadama siya ng pag-alala para sa kapatid. "Kumusta na siya? Ayos na ba siya?" puno ng pag-alalang tanong niya. "May ibang psychiatrist na kinuha galing sa ibang bansa para ipalit sa akin. Kailangan niya kasing mag-undergo ng treatment dahil sa trauma na pinagdaanan niya," tugon ni Ion. "Mabuti naman," tugon niya. Tu

