Pumasok kami sa isang malaking bahay na mula sa kahoy at nakita namin ang dami ng halaman sa paligid, parang reyna ng kalikasan ang nandito at hindi reyna ng mga duwende. "Maiwan kona kayo dito" sabi ni Grog at sinara ang pinto.
"Maligayang 'pag dating sa aking kaharian" isang malalim na boses ang aming narinig mula sa harapan namin, hindi ko man lang napansin nag reyna, jusko halos atakihin ako doon ha.
"Ikaw pala ang sinasabi nilang mortal" sabi niya habang nakatitig sa akin at kinabahan ako dito, "At ito pala si Roswald hmm" sabi niya na parang nakikipag-kaibigan sa amin.
"Kilala mo sya?" tanong ko kay Roswald, "H-hindi kaya, tsaka paano ko nalaman iyon?"
"Matagal-tagal kanang naglilibot sa loob ng Far Shore at halos nakabisado kona ang iyong mukha at pangalan" matagal na? Oo nga pala, di kopa natatanong sakanya kung kelan siya namatay.
"B-bakit niyo po kami pinatawag dito?" tanong ko ng may lakas ng loob.
"Dahil sa iyo, mortal na babae. Hindi mo ba alam ang nangyayari sa loob ng boundary ngayon?" nanlaki naman ang aking mga mata, may nangyayari sa loob ng boundary ngayon?
"May nakakita sa iyong isa sa mga tauhan ko kaya inutusan ko silang imbitahan ka" hindi pagiimbita ang tawag mo sa paghuhuli sa akin at pagsabit sa akin sa taas ng puno! ani ko saking isipan.
"Alam mo ba!" sigaw niya at nanginig ako sa gulat dahil doon, "Na unti-unting nawawala ang katawan mo kapag-"
"TEKA LANG-"
"-nagtagal ka dito sa border?" biglang tumahimik ang kapaligiran. Napatingin ako kay Roswald na parang gulat sa sinabi ng reyna.
"Ah lalaking multo, alam mo na rin pala ang dahil dito, pero bakit mukhang gulat na gulat ang mortal mong kaibigan...?" saad niya at napatingin lamang ako kay Roswald.
"A...alam mo ito?" tanong ko at hindi man lang makatingin sa akin si Roswald.
"Pasensya na....sasabihin ko naman sana sa iyo pero mukhang naunahan ako eh..." ani niya habang nakatingin sa baba.
"Mortal na babae!" tumingin naman ako sa reyna nung tinawag niya ako, "Hindi mo ba ito alam...?" tanong niya sa akin at umiling lang ako, "A-" nakuha ko naman ang atensyon ng reyna dahil dito.
"Anong mangyayari sa akin kapag nawala ako sa mundong ito?!" malakas kong tanong, napapikit naman ang reyna sa akin.
"Dahil ang boundary ay nasa gitna ng mga nabubuhay at hindi nabubuhay, kapag nawala ka dito ay parang hindi ka nabuhay sa iyong mundo at hindi ka mabubuhay sa kabilang mundo" just the thought of it, kinabahan ako ng totoo parang ayoko naman nung pakiramdam na iyon kahit na wala akong pakeelam sa mundo ko, may pakeelam parin ako sa mga bagay na iiwan ko.
"Pero, kapag umalis kana ng boundary hindi mona dapat problemahin iyon." saad niya na para bang binibigyan ako ng impormasyon.
"Pero mahirap lumabas at pumasok ng border ngayon, dahil papalapit na ang Eclipse"
Eclipse? Narinig kona yun ha...Oo! May napakinggan ako sa ibang kaklase ko na magkakaroon pala ng Eclipse ngayon. So, anong mangyayari sa akin kapag hindi ako nakaabot....
"Wag kang magaalala, marami kapang oras bago mag-eclipse, kaya habang andito kana, umalis kana sa kaharian ko at-"
"Mahal na reyna! May mensahe akong dala mula sa mga bruha" naputol ang sasabihin ng reyna ng biglang may pumasok na duwende at may binigay na liham sa reyna.
"Paano nalaman to ng mga bruha?!" inis niyang saad at pinunit ang liham.
"A-alam niyo naman po kung gaano kalawak ang impormasyon ng mga bruha, diba?" sabi ng duwende sa reyna.
"Mortal na babae-" napatayo ako ng deretso, "Multong lalaki-" at napatayo rin si Roswald ng tuwid.
"Pinapupunta kayo ng isang bruha sa kaharian nila" mga bruha? this time? ano kayang next mga taong lobo?!
"Grog! ilabas sila sa harap ko" sabi ng reyna at tinutulak kami paalabas ni Grog, "T-teka kamahalan! Hindi namin alam kung nasaan ang kaharian ng mga bruha!"
"Ah ayun ba, Grog sabihin mo kila Jug and Roq na sila ang gumabay sa dalawang iyan para sa paglakbay tungo sa kaharian ng mga bruha" at sumara ang pinto na nasa harap lang namin.
............
"Bakit po mukha kayong problemado, mahal na reyna?" tanong ng isang duwende.
"May kakaiba sa babaeng mortal na iyon, at base sa mga bruha napagtargetan na sya ng mga bampira sa boundary, pero bakit pinapatawag pa nila ang mortal at ayaw na lamang papuntahin sa labas na mundo ng matiwasay.....Yung mga bruha talagang iyon" ani ng reyna at nasira sa kamao niya ang hawakan ng kanyang upuan.
...........
Pinakilala sa amin ni Grog si Roq at Jug na kapwa duwende. "Sabi ng reyna ay gabayan niyo itong dalawang ito patungong kaharian ng bruha"
"Basta ang reyna ang nagsabi, kami'y tutulong sa inyo!" masiglang sabi ni Jug sa amin.
"Sige na't magimpake na kayong dalawa, at aalis na tayo pagkatapos niyo" binigyan naman nila kaming dalawa ng maliit na bag para paglagyan ng aking kakailanganin.
Binigyan nila ako ng makakain dahil mortal lang ako at nilagay ko nalang ang maduming dress ko sa bag ni Roswald dahil wala naman syang halos dadalhin.
Nasa loob ako ng opisina ni Grog at chinecheck kung may naiwan pa ako, "Mortal na babae! bilisan mo aalis na tayo!"
"Sige po! Sandali na lang!" sabi ko at nahanap ang aking takong sa ilalim ng maliit na kama pero may aksidenteng nasagi itong lulumaing libro na may hindi ko maintindihang title pero nababasa ko ang nasa loob nito, paano nangyari yun?
"Iiwan kana namen Al!" tawag ni Roswald kaya nilagay ko nalang ang libro sa loob ng aking bag pati na ang aking heels.
.
.
"Maraming salamat po sa lahat Mr. Grog!" kaway ko habang palabas na kami sa kaharian ng mga duwende. Huminga ako ng malalim dahil alam ko na magkakaroon nanaman ng pagsubok ang paglalakbay na ito....