Third person's P.O.V. Sa isang malaki at madilim na palasyo nakatira ang mga nilalang na pambihira.. Pumapatay, umiinom ng dugo, at pakikipaglaban ang kanilang ikinabubuhay. Mga bampira.. Mga bampirang uhaw sa dugo.. Mga bampirang nais Ay ang pumatay.. Sa palasyong iyon nakatira ang anak ng pinakamasamang bampira. Siya na ang namuno sa kanilang angkan Simula nang patayin ng hari ng mga bampira ang kanyang ama. Paghihiganti lang ang nasa isip niya. Ipinangako niya sa kanyang sarili na sa pagsapit ng gabi ng pagsilaw ng asul na buwan ay dadanak ang dugo. Di lang sa mundo ng mga bampira kundi pati na rin sa mundo ng mga tao. Ninanais nyang pamunuan ang dalawang mundo. Sapagkat sa paraang iyon niya makakamtan ang kaligyahan na walang humpay... Kasama ang babaeng ninanais niyang maging

