Kabanata 1: Mistaken

1526 Words
Dalarie’s POV Napasarap at napahaba yata ang aking tulog dala ng napakapresko at nakahahalinang simoy ng hangin galing sa dalampasigan ng islang pinagpasiyahan kong bisitahin sa tatlong buwang bakasiyong hiningi ko sa modeling company na pinagtatrabahuhan ko- ang Manila Times. Masyadong marami na ang mga pangyayari noong mga nakaraang buwan simula sa pagkawala ng posisiyong aking minahal at pinangalagaan (ang pagiging main model ng kumpanya); pagkikipagtulungan upang gantihan si Megan; at pagbablackmail kay Morghana upang ibalik ang mga bagay na inagaw nito sa akin (posisiyon ng pagiging main model at ang CEO na lihim kong iniirog). Mga bagay na kung iisipin ko ngayon ay walang katuturuan at walang saysay. Bakit ko nga ba hinahayang lamunin ako ng self-pride at unrequited love upang makapanakit ng ibang tao? Bakit ko nga ba hinayaang maging kontrabida ako sa istorya ng mga taong nagmamahalan? Unti-unti akong napabalik sa diwa mula sa malalim na pagkakatulog nang makarinig ako ng malakas na ugong ng sirena ng bapor. Marahil ay may paparating na bapor malapit sa hotel na tinitirhan ko ngayon. Ang nakapagtataka nga lang, bakit tila ba napalakas ang ugong mula sa mga usual kong naririnig sa loob ng isang linggo kong pamamalagi rito. Tila ba ang ugong na narinig ko ay galing lang mismo sa sa kabilang kwarto ng hotel. Maging ang malambot na kamang kinahihigaan ko ay animo’y gumagalaw at bahagyang napapagewang-gewang. Mas lalo ring lumakas ang amoy ng tubig dagat. Pagkaraan ng ilang segundo ng pakikiramdam ko sa paligid ay dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata. Isang linggo na ako rito sa isla ngunit tila ba hindi pa rin ako nasasanay sa tanawing palaging bumubungad sa akin. Inilibot ko ang aking mga mata upang i-familiarize muli ang lugar na aking nagsisilbing tahanan sa aking bakasiyon. Napatuop ako ng bibig at literal na nalaglag ang aking mga eyeballs nang mapagtanto kong nasa hindi pamilyar akong kwarto. Oo nga’t kasinlambot ng kama rito ang tinutulugan ko noon sa hotel…ngunit halatang-halatang kakaiba ang interior design ng kwarto kinahihigaan ko ngayon. Mabilis akong napasilip sa kabuuan ng aking katawan mula sa ilalim ng makapal na puting kumot na nakapatong sa aking balat. Thank goodness! Kumpleto pa ang aking mga saplot…kahit kung tutuusin ay nakatwo piece lang ako…panty at bra… Bahagya akong napasinghap at awtomatikong naalarma nang maalala ko ang mga naging pangyayari kanina bago ko pa man matagpuang ang aking sariling nakahiga sa kwarto ng hindi ko kilala kung kanino. ***Flashback*** Naglalakad ako sa dalampasigan ng isla upang ienjoy ang mainit-init na buhangin nito habang tinutungo ang kinalalagyan ng mga nakahilerang outdoor wooden bed na dinesenyo upang pag-sun-bathing-an ng mga turista. May mga naggagandahang dilag na ang naroon na malayang ninanamnam ang sinag ng araw habang inaamoy ang nakakarelax na tubig dagat. May iilan ding mga babae ang may kasamang mga kalalakihan na hula ko ay mga siyota o jowa ng mga ito. Masayang nagpapahiran ng sunblock lotion bilang proteksiyon sa araw. Pinaalalahanan tuloy ng mga ito ang nag-iisa kong puso na walang matawag-tawag na kasintahan. Bakit ba kasi ang hilig makapag-public display of affection (PDA) ang mga tao. ‘Malamang dahil nasa ibang bansa ka kung saan liberated ang mga tao…at neng nasa beach ng Hawaii ka kung saan talagang lantad ang mga kalandian everywhere.’ Mabilis rin namang naging sagot ng aking utak sa sarili kong tanong. Naparoll eyes na lang ako sa aking sarili at nagpatuloy sa paglalakad. Kailangan ko na ring magmadali sapagkat isang outdoor wooden bed na lamang ang natitirang bakante. Lahat ay okupado na liban na lang sa isa… Medyo napabilis pa ang aking paglalakad nang makakita ako ng isa ring babaeng nakatuon ang atensiyon sa nag-iisang natitirang wooden bed. Napabagal na lamang ang aking paglalakad nang makita ko ang isang babaeng nakanude color na two piece na umalis sa kinahihigaan nito dahilan ng pagiging dalawang bilang ng mga available na wooden bed. Biglang itong napabangon at napatayo mula sa pagkakahiga at mabilis na naglakad na para bang nagmamadali. Patungo ito sa direksiyon ng pinaggagalingan ko. Ipinagpatuloy ko na ang paglalakad nang makaramdam ako ng medyo malakas-lakas na pagbunggo sa king katawan. “Ouch!” Mahina kong daing nang mapagtantong ang babae nagmamadali bumangon sa hinihigaan nito kanina ang nakabunggo sa akin. “Sorry,” pagpapaumanhin nito na nananatili pa ring nakayuko at bahagyang hinihila ang extension ng kanyang pang-summer na sumbrero upang ikubli ang kanyang mukha. Hindi ko naman maiwasang mapabalik sa bitchy mode ko. Sino ba kasing matinong tao ang maglalakad ng deretsiyong nakayuko at hindi man lang tumitingin sa makakasalubong? At may patagu-tago pa ito kapag nagkaroon na ng kapalpakan. Hinawakan ko ang isa nitong braso upang pigilan ang tangka nitong basta na lamang pagpapatuloy sa paglalakad. “Face me if you’re going to say sorry b***h,” pagtataas kilay kong pag-utos. Let me teach this fella a lesson on how to properly apologize for one's fault. Medyo nabigla naman ako sa malakas nitong pagtabig sa kamay ko at malamig nitong pahayag. “Don’t mess with me,” matigas nitong sabi at tsaka nagpatuloy sa papalayo. What a b***h?! Susundan ko pa sana ito kung hindi lamang nahagip ng isa kong mata ang isang babae mula sa di-kalayuang naglalakad patungo sa outdoor wooden bed. Kung hindi pa ako magpapatuloy sa paglalakad ngayon ay paniguradong mauunahan ako ng babae. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang bitchy side ko. Inikot ko ang aking mga paa patungo sa orihinal kong destinasiyon- ang outdoor wooden bed. Hinayaan ko ng maglakad paalis ang babaeng nakabunggo sa akin. Maybe I can satisfy my bitchy self with this one. ‘Sorry sis! Mas malapit ako.’ Tahimik kong pangangatwiran sa aking isipan bago ko mabilis na tahakin ang kunting distansiya papunta sa nagtitirang wooden bed. Hindi ko mapigilang mapairap sa babaeng nagtangkang unahan ako nang maihiga ko na ang aking seksing katawan sa yari sa kahoy na kama. Inabot ko na rin ang aking sunglasses na nakaipit sa gitna ng akong pang-itaas at sinuot sa aking mata bilang proteksiyon. Para hindi ako masyadong masilaw sa sinag ng araw. Dahil wala akong jowa na maaaring maglagay ng sunblock lotion sa aking katawan ay minabuti ko na lamang kumaway sa isa sa mga service staffs ng hotel and resort na kinaroroonan ko ngayon. Tinawag ko ito upang bigyan ako ng ‘palagay-ng-lotion-service.’ Malamang gusto ko ring alagaan ang aking balat habang nagsasaya rito sa isla. Ngunit hindi ko yata kayang abutin ang likuran ko upang pahiran ng lotion. Tatlong buwan lang ang bakasiyon ko rito ngunit ilang taon akong magtatrabaho bilang modelo. Kailangan kong pangalagaan ang aking sarili lalung-lalo na ang aking kutis. Marahil itong kaputiang namana ko sa tatay kong Amerikano ang mas nakakaangat sa akin sa purong Pilipinong balat ni Morghana. Mahina naman akong napabatok sa aking sarili. Ayan ka nanaman Dalarie…nagkukumpara ka ulit kaya naman hindi natatahimik ang ego mo. Bumaliktad na ako ng higa upang bigyan ng access ang service boy sa aking likuran nang makalapit na ang service boy sa kinahihigaan ko. Pinagilid ko lang ang aking ulo at tsaka pumikit habang ninanamnam ang malambot na palad na dumadampi sa aking likuran. Nakakarelax talaga ang ganitong feeling… … Hindi ko namalayan ay nakatulog na pala ako… Medyo napabalikwas lamang ako ng makaramdam ako ng kakaibang kirot sa aking likuran. Tila ba may kung anong syringe (injection) ang binaon sa aking kanang braso. “Ouch!” ungol na pinakawalan ko sa kunting hapdi. Iikot pa sana ako paharap ngunit hindi ko magawa. Biglang humina ang aking katawan at hindi ko ito maigalaw. Naramdaman ko na lamang ang paglutang ng aking katawan sa balikat ng isang estrangherong nakasuot ng itim na damit. Sa kabila ng nabibigatang talukap ng aking mga mata ay hindi ko nakaligtaang makita ang dalawa pang nakaitim na estranghero sa aking harapan. Mga kasamahan ata ito ng lalaking bumuhat sa akin sa kanyang balikat. “No hay problema. Adios!” rinig ko pang sabi ng isa sa dalawang nakaitim na lalaki sa mga taong hindi naiwasang mapatingin sa pangyayari bago ako tuluyang lamunin ng tila ba magpawalang hanggang kadilim. Bumigay na ang aking mga mata at nawalan ako ng malay. Gulung-gulo ang aking diwa sa mga halu-halong katanungang naglalaro sa aking isipin. Aminado akong naging isa akong kontrabida sa buhay ng iba noon ngunit hindi ko lubos maisip na sa ganitong paraan ako babalikan ng karma. Bakit nila ako kinukuha? Anong bang maaaring naging kasalanan o atraso ko sa kanila? At bakit walang ginagawa ang mga taong nakakakita sa pangyayaring ito? At ang pinakanakakagambalang katanungan sa akin ay… Saan nila ako dadalhin? Batid kong isa akong matatag na tao ngunit hindi ko maiwasang mag-isip ng kung anu-ano kagaya ng kidnap for ransom, auction bidding, at ang pinakamalala sa lahat ay ang posibilidad na baka tatanggalan ako ng organs at ibebente sa mga mayayamang nangangailangan ng mga ito dahil sa health complications. ***End of Flashback*** Awtomatikong napabilis ang t***k ng aking puso nang maalala ko ang nangyaring illegal na pagkuha/ pagkidnapped sa akin sa beach bago ko matagpuan ang aking sarili sa unfamiliar na kwartong ito. Medyo napahigpit ang hawak ko sa bedsheet ng kamang kinapapatungan ko nang makaramdam ako ng kunting paggalaw. Doon ko nalamang napagtantong posible kayang nasa loob ko ng isang yate o bapor?! Napagpasiyahan ko ng tumayo upang kumpirmahin ang aking hinala. Tinungo ko ang pinakamalapit na bintana… Napasinghap na lamang ako sa naging resulta ng aking pagkumpirma. Hindi nga ako nagkamali. Posibleng nasa isa akong yate sapagkat tanging katawan ng tubig ang nakikita ng aking mata. Nasa gitna kami ng dagat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD