Gunitang Lungtian (Pangatlong Bahagi): Isa sa Maraming Kuwentong Naalala ng Haring Dagat tungkol sa Bathalon * Naghalo ang pambihirang pagkamangha at pagkalito sa tila perlas na mga mata ng alon. Ang nais lamang niyang tuklasin na salita sana ay iyong m*****r; ngunit parang mayroon pang higit na mas nakapangyayaring salita kaysa sa m*****r. Sa madaling salita, lutang ang diwa ng ating bida’t parang unti-unting may lumalason sa sariling huwisyo. Maraming umaahon na katanungan sa kaniyang dibdib ngayon – sino o ano’ng nilalang ang tila nakapangyayaring m*****r? Napailing nang bahagya ang alon. Sana pala ay si m*****r ang nilapitan ng mga nakatatandang agos sa kanila. Lalo na noong unang panahon na tinambakan at winasak na ang mga laman at yamang-dagat na minana pa nila sa kanunununuan

