Chapter One

2033 Words
Katrina's P.O.V   NAGLALAKAD ako sa hallway ng bago kong school. Pinagmamasdan ko din ang nadadaanan ko. Puti ang kulay ng mga rooms na may pintuan na apple green, sa taas naman ng kisame ay may mga flat screen na TV, may distansya sila sa isa't isa bago sundan ng isa pa. Meron din mga halaman na nasa vase sa bawat gilid. Masasabi talagang prestisyosong paaralan ang trinansferan ko ngayong fourth year, ang Infinity High. Ang Infinity High ay isang elite school na tanging mayayaman, matalino at may mukha ang nakakapagaral.   Tiningnan ko ang room number at section ko sa papel. 'Rm 101 Section Z'. Panghuli atang section ang nakuha ko, siguro dahil late na ako nakapagenroll.   Umakyat ako ng hagdanan papuntang 3rd floor dahil sabi kanina ng Principal na nasa ikatlong palapag daw ang room ko. Tinitingnan ko ang bawat room number na makikita ko hanggang sa makita ko din ang hinahanap ko.   "Room 101." Basa ko sa itaas ng pintuan at binaba ang tingin dito. "Section Z."   Hinawakan ko ang seradura at pinihit pakaliwa saka tinulak ng paunti-unti ang pintuan, may lalaking palabas ng room ang nasa tapat ko. Nagtitigan kami pero iniwas n'ya naman agad ang tingin n'ya. Dumaan siya sa gilid ko at lumabas. Tinitigan ko lang siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Ang gwapo pa naman n'ya tapos ang sungit.   Sinarado ko na ang pinto. Pinagmasdan ko ang classroom. Tahimik. Walang ingay na maririnig. Tiningnan ko ang mga classmate kong may kanya kanyang ginagawa. Yung iba nag-uusap kaso hindi kalakasan at ang iba naman ay nag ce-cellphone at kung ano pang bagay na ginagawa nila ng walang ingay. Tama bang classroom ang napasukan ko? Ito ba talaga ang room na nakalagay sa papel? Ang ineexpect ko kasi ay mga maingay at bastos na classmates dahil nasa huling section ako o ganyan lang talaga sila at kakaiba sa ibang panghuli na mga section?   Naghanap ako ng vacant seat na pwede kong upuan at may nakita naman akong isa sa last row na upuan. Naglakad ako papunta doon at umupo. Tinanggal ko ang bag ko at inayos ito. Inikot ko muli ang paningin ko at nakita ang mga kaklase ko sa harapan na pinapaligiran ang teachers table na may bagay na natatakpan ng tela.   "Ano 'to?" Sabi ng isa sa kaklase ko habang tinuturo ang bagay na hindi malaman.   "Hindi ko alam. Tingnan natin?" Tugon ng kausap n'ya.   "Sige!" Sagot nito na parang gustong-gusto malaman ang bagay na natatakpan.    Hinawakan nila ang tela tsaka hinila. Sa paghila nila ay nakita namin ang bagay na natatakpan kanina na isa lamang fish bowl na may lamang mga papel na nakatupi. Mayroong nakalagay na may sulat na papel sa labas nito na tinape.   "Lucky Numbers?" Basa ng mga kaklase ko.   Nagsilapitan sa unahan ang lahat ng kaklase ko dahil sa kuryosidad.   "Ano yan? Bakit may papel sa loob? Makabunot nga." Sabi ng kaklase ko at bumunot. "Wow! 8, birth number ko to at favorite ko!" Masaya niyang sinabi.   Nagbulungan ang lahat. Pinaguusapan ang bagay na nakalapag sa lamesa.   "Bunot tayo?"   "Para saan kaya yan?"   "Baka magsilbing lucky number kaya natin yan sa school year na'to?"   "Guys wala naman mawawala eh, bumunot narin kayo!" Pa anunsyong sabi ng isa sa kaklase ko.   Nagsimulang magsibunutan sa fish bowl ang mga kaklase ko, pagkatapos nilang bumunot lahat ay nagtaka ako bakit isa nalang ang natira. Parang kakaiba dahil parang bilang na bilang ata lahat kami dito at sa akin ang natitira pang papel kasi hindi pa ako nakakabubunot. Hindi ko naman gusto bumunot kaso nacurious talaga ko kaya tumayo ako at lumapit sa table.   'Wala naman mawawala'.   'Yan ang nasa isip ko at binunot ko na ang pang huling papel at ang number na nakasulat ay 30. Kakaiba, bakit 30? Hindi dahil sa hindi ko siya favorite or ineexpect ko, dahil bigla nalang ako nakaramdam ng kaba na may parating na panganib.   Bumalik na ako sa upuan ko habang ang lahat ng kaklase ko ay pinaguusapan parin ang kanilang mga nabunot na numero. Tiningnan ko muli ang papel at tiningnan ng mabuti ang nakasulat. Bakit 30? Bakit ito ang nakuha ko?   "Uy! Tulala ka diyan?" Sabi ng isang tinig na gumising sa aking pagiisip at diwa.   Nilingon ko ito at nakita ang isang classmate kong babae. Maganda siya. Curly ang dulo ng buhok n'ya na itim na hanggang braso, brown ang mata n'ya, matangos ang ilong at mapula ang labi. Ngumiti ito sa akin.   "Bakit ka nakatulala?" Tanong nito sa akin.   "Wala, may iniisip lang." Sagot ko at ngumiti pabalik.   "Anong number nakuha mo?"   "30, sayo?"   "15, Anong pangalan mo?"   "Katrina, Kat nalang ikaw?"   "Angelica, call me Angel." Inilahad n'ya ang kamay n'ya para makipag shakehands na kinuha ko naman agad.   "Nice to meet you." Nakangiti niyang sabi "Bago ka dito?"   "Ahh, oo. Transfer."   "Welcome sa school at section namin. Sana mag enjoy ka."   "Ahh, oo. Salamat." Tugon ko at ngumiti ng maliit.   "Comfort room muna ko Kat." Sabi n'ya para magpaalam na tinanguan ko naman bilang tugon at lumakad na siya palabas.   Huminga ako ng malalim at hinawakan kung nasaan ang puso ko. Hindi ako komportable at mapalagay ngayon. Tiningnan ko muli ang table kung nasaan ang fish bowl pero wala na doon ang fish bowl nang tingnan ko.   Nasaan na yun? Sino nagtanggal?   Bigla ulit akong kinabahan, para talagang may mangyayaring kakaiba. Argh. Nevermind. wag ko na lang isipin 'to, kung ano-ano kasi pinagiisip ko e. Huminga nalang ulit ako ng malalim at pinakawalan.   Biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang Teacher. Sa pagpasok ng aming Teacher ay dumating nadin si Angelika at umupo sa tabi ko.   "Good morning Class!" Bati ng Teacher na nasa harapan namin.   "Good morning po." Tugon na bati namin sa aming Teacher.   "Wow, mali ba ako ng pinasukan? Section Z ba talaga ito?" Hindi makapaniwalang tanong nito.   "Opo."   "Bakit ganun? Ambabait n'yo naman ata at nangongopo pa kayo? Haha." Sabi nito at tumingin sa amin isa isa at ngumiti. "So to introduce myself to all of you, im Teacher Tara your Teacher in english and also your advicer in this class. Bago lang akong Teacher dito kaya nice meeting you all. Ang gawin muna natin ngayon ay introduce your self. Name and your age only para mabilis tayong makatapos, start tayo sa unahan."   Maganda si Teacher Tara, mga nasa 20 to 25 yung edad na tantya ko sa kanya, curly yung buong buhok niyang itim na hanggang shoulder n'ya, yung mata n'ya ay black at may matangos na ilong siya, yung labi n'ya ay pula at laging nakangiti kaya makikita ko sa kanya na jolly siyang tao.   Tumayo na ang unang magpapakilala sa aming row. Siya yung kanina sa pintuan na nakita ko. Ang seryoso ng aura n'ya na parang ang cold niyang tao. Parang nakakaintimidate siyang kausap pag kaharap mo. Ang gwapo pa naman n'ya.   "Louie Montez, 15." Sabi nito at umupo din agad.   Cold nga siya. Pati pagpapakilala n'ya ay parang walang kagana gana.   Sumunod na ang iba at nagpakilalala, unti-unti ay malapit na ako at nang ako na ay tumayo ako.   "Katrina Ruiz, 15." Sabi ko at ngumiti sa kanilang lahat at umupo.   Nagpatuloy ang pagpapakilala hanggang sa matapos ito. Magkakaklase sila dati at tatlo kaming bago dito. Yung dalawa sa ibang section at ako na transfer. Nagbotohan naman kami pagkatapos ng pagpapakilala.   President namin si Ann, vice president si Louie, secretary si Rica , treasurer si Angel, auditor si Arian at ang muse naman namin ay si Jen at ang escort ay si Jerick.   Natapos ang lahat ng gawain at mga subject ay nagbell na, dinismiss na kami ng Teacher namin para mag lunch. Inaayos ko na ang mga gamit kong nakakalat sa armchair nang biglang tumayo si Angel at lumapit sa akin.   "Sabay na tayo Kat mag lunch, nauna na sila Ann at Arian e." Paganyaya ni Angel.   "Sige." Sagot ko at ngumiti pagkatapos ko malikpit ang gamit ko at tumayo.   ---   "Magkakaklase pala kayo lahat dati Angel?" Tanong ko.   "Oo, tatlo lang kayong bago. Ikaw at yung dalawa na galing sa ibang section."  Tugon ni Angel.   "Hmm. Pansin ko lang bakit parang ang ba-bait ninyo. Para kasing may hindi tama? Kakaiba kasi diba last section tayo? Parang hindi naman ata?" Ani ko.   "Haha Ganun lang talaga siguro? pumili ka na ng upuan natin at ako na o-order. Anong gusto mo Kat?" Tugon at sabi ni Angel.   "Ahh katulad nalang ng sayo. Ito oh." Sabi ko at inabot ang pera pero hindi n'ya ito tinaggap.   "Wag na, ako na. My treat." Sabi ni Angel at ngumiti.   "Ahh, salamat." Sagot ko at umalis na siya.   Humanap na ako ng upuan namin at umupo. Nasa cafeteria kami ngayon. Kanina ay nag-usap kami ni angel tungkol sa mga kaklase n'ya dati habang papunta kami dito. Hindi ko mapigilan tanungin kung bakit sila ganoon, may hindi tama talaga, kakaiba. Pero sabi ni Angel ay ganun daw talaga sila.   Palapit na si Angel dala ang pagkain namin. Inihanda n'ya ito at kumain na kami. Nang matapos kami kumain ay tumayo na kami at umalis ng cafeteria para bumalik sa room.   Naglakad kami pabalik at nang nasa tapat na kami ng pinto ay binuksan ito ni Angel at pumasok kami sa loob.   Naglalakad kami ni Angel papunta sa upuan habang naguusap nang may bigla kaming may naaninag sa labas ng gilid ng bintana na isang sapatos na gumagalaw at may bakas ng dugo at paunti-unting bumaba.   Napukaw lahat ng atensyon namin sa nakikita namin sa labas ng bintana. Pagtataka at pagiisip kung ano iyon.   Pinagmamasdan lang namin lahat ito nang bigla itong nawala. Naghintay kami kung ano ang sunod na mangyayari nang bigla nalang may nahulog at bumulugta sa amin ang kaklase namin na si Lloyd na may nakataling lubid sa leeg at parang humihingi ng tulong at naghihikaos. May mga dugo at sugat ang ibang parte ang katawan n'ya. May papel na may nakasulat ang nakalagay sa dibdib at may nakaukit na kung ano sa noo n'ya.   Nagtilian at nagkagulo sa room, pati ako ay naguguluhan kung ano ang gagawin. Lumapit kami sa bintana para tulungan si Lloyd. Pinapanood ko sila kung ano ang gagawin nila. Nanginginig ang mga kamay ko at ambilis ng t***k ng puso ko.   Binuksan nila ang bintana para abutin si Lloyd kaso parang kinakapos na ito ng hininga. Nag Vi-violet na ang ulo nito at hindi na makagalaw, unti-unti ay hindi na ito kumikilos.   Nanigas ako sa kinatatayuan ko at lahat ay natahimik.   "Pa-patay na siya?" Sabi ng isang kong kaklase na bumasag sa katahimikan.   "f**k! Anong nangyari at bakit nakabigti si Lloyd sa labas?"   "Kadiri naman! Walang awa kay Lloyd!"   "Nakakatakot naman."   Tiningnan ko ang papel na may sulat sa dibdib nito.   'IT'S PAYBACK TIME'   Inakyat ko ang paningin ko pataas. Nakita ko ang mukha ni Lloyd na bakas ang gulat at takot. Nakita ko din ang nakaukit sa noo n'ya.   'Uno'   Ngayon lang ako nakakita ng ganitong pangyayari, at ganito pala ang pakiramdam ng makakita ng isang taong nakabigti. Nagkagulo ang mga kaklase ko lalo, yung iba lumabas para magsumbong yung iba naman nadiri kaya lumabas na muna. Nagbubulungan ang mga kaklase ko.   "Bakit 'to nangyari kay Lloyd?"   "Ano yung mga nakasulat at sa noo n'ya? It's payback time at uno?"   "Unang pasukan tapos ganito? Grabe naman kung sino ang gumawa nito kay Lloyd."   "Sa rooftop ata tinali ang lubid at ginawa na sa gilid mahulog para makita natin?"   "Sino ang gumawa nito?"   Anong nangyayari bakit pinatay si Lloyd? Bakit may papel na may sulat na 'IT'S PAYBACK TIME' at ano ang 'Uno'? Kinakabahan na naman ako, bakit ganito?   "Guys sino ang nakabunot ng two kanina?" Seryosong tanong ni Ann.   "A-ako, bakit?" Naguguluhan na tanong ni Kristine na parang kinakabahan.   "Ikaw ang susunod, mag ingat ka."   "A-ako? Paano mo nasabi?"   "Basta."   "Ano bang nangyayari Ann?" Tanong ni Renze na nakisali na sa upuan nila Ann at Kristine.   "Hindi ko alam, wala akong alam."   "Eh bakit mo sinasabihan ng mag ingat si Kristine huh!? May kinalaman kaba dito?!" Nanginginig sa galit si Renze, girlfriend n'ya ata si Kristine. Ang kamay nito ay nakakuyom at parang handa ng manapak.   "Wala, basta mag-ingat lang siya."   Inawat na ng iba naming kaklase si Renze, at si Ann naman ay lumabas ng room. Dumating na ang mga Pulis at Principal namin. Pinalabas muna kami sa room at pinapunta kami sa field.   Anong nangyayari?   Bakit ganito?   May kinalaman ba ang numero kanina sa fish bowl?   Natatakot na ako.   Nakakapanglambot ang pangyayari.   Nakakasuka.   Sino ba ang pumatay?   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD