FERNANDO "WHOA! Sobrang ganda rito!" excited na sabi ng kambal. Sabay pa silang nagtakbuhan at nagtampisaw sa tubig. "Ang ganda nga dito! The best talaga itong mga rock formation. Picture tayo, nak. Dali," sabi naman ni Agatha. At nag-selfie nga sila ni Tali. "Nasaan nga po ulit tayo?" narinig kong tanong ni Carmelita sa kasama naming bangkero. "Ito po ay ang Barracuda Lake. Umikot lang po tayo galing sa Kayangan Lake. Fun fact: Kaya tinawag itong Barracuda Lake kasi kapag nag-dive kayo, makikita nyo ang mga fish eskeletons ng mga barracuda sa ilalim," sabi ng bangkero s***h tour guide namin, na nakilala namin sa pangalang Mang Junior. "Ohh..." maririnig na sabi ng ilan sa amin. "Guys! Dive in! Ang ganda sa ilalim!" sigaw ni Cole na lumitaw muna para kami ay imbitahin. Walang su

