FERNANDO "ANG galing talaga! Pasok kayo sa Top 7!" masayang bulalas ni Dylan. It was the 7th day na ng contest and the finale. Tapos na ang final practice today at pinauwi na muna kami para makapaghanda. "Malakas ang kutob kong mananalo kayo, Kuya, Ate!" "Thank you, Dylan. Did you like our performance?" tanong ni Nana sa binatilyo. Nandito kami sa resto bar ngayon. Kasama namin ang binatilyong kambal, si Arman, at hair and make up team na hinire ni Carmelita pero wala ito ngayon or I mean hindi namin sya kasama. Dalawa sila ni Agatha. Ang sabi nya ay may gagawin rin daw silang importante. I haven't seen her since this morning. Naging abala rin naman ako kaya patas lang kami. "Waah! Ang galing nyo po, Ate Nana! Lodi!" wika ni Dylan. "Superb! Galing po, Kuya, Ate!" sabad naman ni Cole.

