CARMELITA “OH MY GOD!” bulalas ko ng makapasok na ako sa aking opisina. Hindi mapakaling nagpalakad-lakad ako sa loob ng aking opisina habang nakasabunot ang aking mga kamay sa aking buhok. “What the fvck have I done? s**t! Ano bang kagagahan ang ginagawa ko?” kastigo ko sa sarili habang napapapikit pang impit na napasigaw. Nag-dive ako sa malapit na couch at tinakip sa aking mukha ang throw pillow tsaka doon ulit ako sumigaw. Natigil lang ako sa ginagawa ng may marinig akong pumasok sa loob. Nataranta ako at napaayos ng upo kasi hindi ko pala na-lock ang pinto. Ang tanga ko! Ngunit nabunutan ako ng tinik sa dibdib ng makita kung sino ang pumasok. "Ikaw lang pala, beshy. Akala ko kung sino," nakahinga ng maluwag na sabi ko at tuluyan ng nahiga sa couch. "Akala mo si Ando? Ganern?" sita

