FERNANDO "BABALIK na ba tayo sa resort, ma'am?" tanong ko sa babaeng nakaupo na ulit sa likod ng sasakyan. Sitting pretty na ulit ito roon na nakatingin sa labas ng bintana. "Huwag muna. Dumaan muna tayo sa bayan. May bibilhin ako roon," sabi nito na hindi man lang tumingin sa akin. Sus, bibilhin daw. If I know, gusto nya lang akong makasama pa ng matagal. Naks, lakas ng apog, Fernando, ah. Naman! Ang lakas makabuska ng alter ego ko, ah. Anyway, hindi na rin ako nagreact at sumunod na lamang sa utos nya. Pero nakalimutan ko pa lang itanong ang direksyon. "Ah, ma'am..." "Ano na naman?" "Yung direksyon po pala papuntang bayan. Eh, hindi ko pa po kabisado," ang sabi ko dito. "May GPS, Ando. Nakalimutan mo na ba? Hindi ka ba marunong magbasa?" Ouch. Oo nga pala. "Ay, oo nga po pal

