"HI! Pinatawag mo raw ako?" tanong ni Fernando ng makapasok sa opisina ni Carmelita. "Hey... Upo ka muna. Tapusin ko lang 'to saglit," seryosong sabi ni Carmelita pero hindi nakatingin sa lalaki. Nakaconcentrate kasi ito sa pagtatype ng kung ano sa laptop nya. Medyo busy din sila Ando resto bar pero tinawagan ito ni Carmelita na pumunta saglit sa opisina nito. "Okay... Wala ba munang kiss?" biro ni Ando sa babae. "Later... Wait lang..." seryoso pa ring wika ng babae. Nagtataka man sa inaasal ng babae ay umupo na rin si Fernando sa bakanteng couch. Ilang minuto pang naghintay si Fernando habang nakatingin lang sa nagtatrabahong si Carmelita. He was just looking and admiring her beauty while sitting comfortable in the couch. "Wag mo akong tignan ng ganyan. Matutunaw ako," ani Carmeli

