CHAPTER 1

1627 Words
XYRAH'S POV "Ma! Mama!" Rinig kung sigaw ni ate Xiamara kay Mama. " Oh na pano ka Mara, bat sumisigaw ka diyan." Nag aalalang tanong ni Mama kay ate.  Pano ko na sabeng nag aalala kase kung makatakbo si Mama papuntang sala makita lang kung anong nangyare kay ate wagas.  " Ma! Yung damit kung bagong bili ko tingan mo kung anong kulay na." Humihikbing sabe ni ate kay Mama. Ang arte ampp, pero ano daw? Yung damit niya nag ibang kulay? Paktay ka Xyrah lagot ka nanaman nito. Haytss kasalanan ko bang di ko alam na hinde pala yun pwedeng ibabad sa chlorine yung damit niya. " Ano? Asan si Xyrah, napaka walang kwenta niya kung mag trabaho." Sigaw ni Mama na naglalakad papalapit pa punta sakin na nasa likod si ate bitbit yung damit na binago ko nanaman yung kulay. " Hoy! Xyrah anong ginawa mo sa damit ni Mara ha?" Sigaw agad ni Mama sakin nong makalapit siya.Hay bat ba kanina pa to sigaw ng sigaw buti hinde siya napapagod kakasigaw niya diyan. "Ma, ey kase po diko naman alam na bawal pala yun ibabad sa chlorine" nanginginig kung sagot kay Mama. Sino ba naman hinde manginginig ey parang kakatayin na ata niya ako ng buhay. "Hinde mo nga ba alam? Ha! Xyrah, o baka naman kase naiingit ka kaya mo yun ginawa." Sagot agad ni ate Xiamara maldita. "Hinde naman sa gan-" " Hinde sa ganon? Hinde mo ako maloloko Xyrah kase ganyan ka naman talaga diba, palaging tinatangi yung totoo kahit alam mo naman na tama ako." Putol agad sa niya sa sinabe ko. "Nag sasabe lang naman kase ako ate sayo ng totoo, na hinde ko talaga alam na bawal yun ibabad sa chlorine yang damit mo." Naka yuko kung sagot sa kanya. "MANAHIMIK KA XYRAH" Sigaw sakin ni Mama na nag pa hakbang sakin ng hinde sa oras. "May lakas na loob ka na ngayon sumagot sa ate mo, ano! ano may ipinag mamalaki kana ha? Kaya mo na kame ha?" "Sorry Mama"  "Sorry? Yan ka naman palagi Xyrah sorry ka ng sorry, iyang sorry mo ba may naigawang tama na ba yan? Umalis ka sa harapan ko Xyrah baka hinde ako makapag timpi sayo masaktan pa kita." Ang huli kung narinig bago mawala ako sa paningin nila. Sob.. Sob.. hanggang ngayon parin ba hinde nila ako mapatawad apat na taon na nangyare yun pero bakit ang laki ng galit nila sakin. Hinde ko maintindihan kung bakit nangyayare to saakin. Hanggang kailan niyo ako kayang tiisin Mama tao lang ako nag sasawa rin, sana balang araw mapatawad niyo pa ako, sana bumalik yung pag mamahal niyo saakin nong Bata pa ako. Hay makapag igib na nga ng tubig hinde yung nag dradrama pa ako dito.  Kabo dito kabo doon, hay nakakapagod matatapos pa ba ako dito, kanina pa ako kabo ng kabo para sa ipang liligo ni ate at nila Mama't Papa, pero hanggang ngayon hinde ko pa matapos-tapos. Pano ba naman ako matatapos agad kung katatapos ko palang lagyan yung isang planggana ng tubig eyy nauubos agad ni ate iwan ko ba anong pinag gagawa niya sa tubig, pasalamat lang talaga siya hinde malayo yung gripong pinag kukuhaan ng tubig dahil kung hinde baka kanina pa ako sumuko. "Xyrah, ano ba, asan na yung tubig na pinapa igib ko sayo alam mo naman na maliligo na ako, kanina ko pa yun pinag utos sayo pero hanggang ngayon wala parin, p*sting buhay to." Sigaw sakin ni papa sa labas ng bahay. Diko naman kasalanan kung bakit wala pa yung tubig para panligo niya, kasalanan to ng isa niyang anak kung hinde sana niya itinapon yung tubig na iniigib ko kanina ede sana may tubig si Papa ngayon. " Sandali lang po Papa, pupunuin ko lang yung planggana ni ate Xiamara para maka ligo na siya." Sagot ko kay Papa na naka ngiti.  "Tsk, Hala sige, sige bilisan mo lang sa pag iigib, dapat kapag bumalik ako may tubig na akong ipapanligo."  "Opo Papa, tawagin nalang kita kapag natapos na ako." Naka ngiti paring wika ko kay Papa. Napaka plastic ko talaga may pa ngiti ngiti pa akong nalalaman para lang maitago yung mga luha kung nag babadyang tumulo na HAHAHA ang galing mo talagang umarte Xyrah pwede kana maging artista HAHAHA... XYRAH'S POV Hay sa wakas na tapos din ako mag igib. Asan na nga ba si Papa at ng masabihan ko na siyang pwede na siyang maligo. Para naman makapag linis na ako sa kwarto ni ate.  " Pa! Yahoo asan kana, andon na yung tubig na panliligo mo." Sigaw ko habang nag lalakad pa puntang kusina dahil alam kung sa mga oras ngayon kumakain nila yun sila.  Buti nalang talaga inuna ko yung pag luluto kanina bago mag igib dahil kung hinde baka hinde lang sermon ang narinig ko sa mga bibig nila. Tsk!!  Grrr.... Huminahon ka diyan Xyrah kundi kukurotin kita diyan. Pag kausap ko sa sarili ko pano ba naman kase ayon nga kumakain na sila hindi man lang nila ako niyaya. Wala pa akong kain kaninang umaga tas sila pa ngayon ang unang kumain para sa tanghalian. " Ahm, Papa andon na po yung tubig na panligo niyo." Putol ko sa tawanan nila. Naka selos kase sila tawa ng tawa di man lang nila naiisip kung kamusta pinag gagawa nila sakin masaya pa silang nakikita akong nahihirapan.  " Sige ilagay mo nalang don, at pag katapos balik ka dito at kumain, wag mong kakalimutan na ligpitin yung mga pinag kainan." Sagot ni Papa sakin. "Sandali, sandali Xyrah bago ka kumain, yung kwarto ko ba nalinis mo na?" Sabat ni ate, epal talaga to kahit kailan ampp.. " Ano ate hindi ko pa nalilinisan kase katatapos ko lang mag igib ng tubig panligo ni Papa." "What? Hindi bat sinabe ko sayo kanina na linisan mo yung kwarto ko bakit hindi mo inona yun, ang kupad kupad mong kumilos."  " Sorry ate linisan ko nalang mamaya kapag natapos na ako kumain, kanina pa kase ako nagugutom." Malumanay kung sagot sa kanya. " Hindi, Hindi ka kakain hanggat hindi mo yun nilisan kaya unahin mong linasan yung kwarto ko bago ka kumain dahil dadating yung mga kaibigan ko dito, naiintindihan mo ba?" " Ate parang awa mo na talaga kanina pa ako nagugutom, pakainin mo muna ako bago ko linisan yung kwarto mo diko na kase kayang tiisin yung gutom ko." Paki usap ko kay ate. Sa lahat ng ginawa kung trabaho kanina ngayon lang ako nakaramdam ng pang hihina. Siguro dahil hindi talaga ako ng umagahan kanina kaya nanghihina ako ngayon. " Ma! Narinig mo yun sinusuway na niya yung pinapagawa ko sa kanya" sumbong ni ate kay Mama na kanina pa nakikinig sa pag papalitan namin ng salita ni ate. " Go Xyrah, gawin mo na yung pinag uutos sayo ng ate mo, huwag kang mag alala di ka naman mauubosan ng pag kain, kaya sige na gawin mo na." Sabe ni Mama habang di nakatingin saakin. Nag dahil sa narinig ko kay Mama hindi ko na pigilan ang sumigaw habang umiiyak. Di ba nila nakikita, pagod na pagod pa ako tapos di man lang nila ako pakainin mo na.  " Mama! Sumusobra na kayo, ano bang na gawa kung kasalanan sa inyo bat niyo ba to ginagawa sakin, pagod na pagod na ako Mama. Ilang taon niyo na akong pinapahirapan ng ganito, kailan niyo ba uli ako mamahalin tulad ng pag mamahal niyo saakin dati." Umiiyak kung sigaw kay Mama.  At nang dahilan kung bat napatingin silang lahat saakin. Lagot ka nanaman Xyrah bakit hindi mo pinigilan yung bibig mo.  "Ah so ngayon nag rereklamo kana, ha? Ang kapal ng mukha mong mag reklamo, baka nakakalimutan mo Xyrah ginusto mo to, ikaw ang may gawa lahat ng pag hihirap mo ngayon kaya wag kang magrereklamo saamin." Sagot ni Mama ng maka bawi siya sa pagka gulat. " Ma! M-may (sob) karapatan ako mag reklamo dahil sa anak (sob) niyo ako hindi katulong (sob)." " Wala akong anak na kriminal Xyrah tandaan mo yan." Sigaw ni Mama sakin. So hanggang ngayon pala parin ba di nila yun makalimutan kaya ba ito yung ginagawa nila saakin.  " Ma, Pa, Ate, bakit? Bakit hanggang ngayon yun palagi ang sinusumbat niyo saakin na kriminal ako, hindi ko rin yun naman ginusto . Pero kung maka pang sisi kayo sakin ma, pa sobra na." Umiiyak kung tanong sakanila. " Bakit? Bakit namin to ginagawa sayo? Gusto mo malaman ha! Kung bakit? Dahil ng dahil sayo nam-." Sigaw saakin ni Papa na nag pa tigil sa pag iyak ko. Dahil ngayon lang naging ganito saakin si papa oo nga sinisigawan inuutusan niya ako pero ngayon parang nasasaktan siya habang ibinabalik niya ang mga katanungan ko kanina sa kanila. Pero ano daw? Anong nang dahil sakin? Anong sasabihin ni Papa saakin na pinutol nila Mama at ate. May hindi ba ako nalalaman?  Bakit parang natatakot sila Mama at ate na may malaman ako. " Hon" "Papa" Sabay na sigaw nila kay Papa na nag patigil din sakanya para mag salita. Bakit pa bago-bago ang expression na nakikita ko sa mukha niya, may pagka galit na galit na napapalitan ng sakit tas parang kinakabahan siya. May tinatago ba sila saakin? Pero kung meron man ano yun? Naguguluhan na ako. Napa kurap na lamang ako ng mag salita uli si Papa saakin, siguro marami lang katanungan sa isip ko kaya hindi ko namalayan na naka bawi na si Papa sa pagka gulat niya sa sigaw nila Mama sa kanya.  "Umalis ka na dito Xyrah, sige na linisin mo na yung kwarto ni Mara, baka padating na yung mga kaibigan niya." Ang huling sabe saakin ni papa bago nila akong ipinag tulakan sa hapag kainan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD