KABANATA FIFTY-SEVEN

2350 Words

Kabanata 57 DAHIL sa kagustuhan ni Homer na ito na ang maghahatid sa kanila ay pumayag si Althea. Sa kotse sila nito sumakay kasama si Savier habang sila Lucas at Renier ay nandoon sa dala nitong kotse. Mas nauna sila kaysa sa mga kapatid at nakasunod lang naman ang mga ito. “Ang babait ng mga kapatid mo, ano?” “Mababait din naman sila Veronica at Shasmael,” aniya. “Wala naman akong sinabing masama ang dalawa kong kapatid,” napangiti si Homer. “Masaya lang ako dahil tinanggap ka nila na parang isang buong kapatid. Iyong hindi nila iniisip na magkapatid lang kayo sa ama.” “Iyon nga ang ipinagpasalamat ko, e. Nagpapasalamat rin ako kay papa dahil noon paman ay naging bukas na siya sa mga kapatid ko. Sinabi niya noon pa sa mga ito ang tungkol sa akin. Kaya siguro hindi mahirap sa kanila

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD