Kabanata 80 HALOS lumuwa ang mga mata ni Althea nang kanyang makita kung gaano kaganda ang Boracay. Ito ang isa sa pinakasikat na beach destination sa bansa na parati niyang naririnig noon paman. At ito rin ang gusto niyang mapuntahan. Salamat kay Raven dahil dinala sila ng lalaki sa beach. Sobrang linis at ang pino ng mga buhangin. Marami ding tao na katulad ng kanyang nakikita sa mga social media noon. "Grabe, ang ganda nga talaga dito ano? Mas maganda pa kaysa sa mga larawan na nakikita ko lang kahit saan. Tila nasa paraisa ako," hindi mapigilang wika ni Cindy dahil maging ito ay manghang-mangha rin. "Matagal mo na ring gusto rito?" tanong niya sa babae habang nakatingin sa sobrang linaw na tubig. Mabuti nalang talaga ay may gjnagawa ngayon si Raven sa room nito kaya iniwan niya muna

