Kabanata 14 NANATILI na muna sina Althea at Homer sa beach ng ilang sandali bago pa nila maisipang bumalik sa convention hall na kung saan doon ginanap ang reception.Medyo halos isang oras din silang wala roon kaya nang dumating sila ay malapit ng matapos ang event. Nagtatanong pa ang mata ng mga Montecilio kung saan sila galing at bakit magkasabay silang bumalik. Ang lahat ng iyon ay binasag ni Shasmael ng magtanong na ito. “Kayo ha, bago palang kayo magkakilala ay nagkamabutihang loob na,” biro nitong wika na ikinatuwa ng iba. Talagang best punterya sila ngayon ng mga ito. Hindi niya inakala na sobrang kulit pala ng mga ito. Palibhasa ay unang beses pa niyang na-meet ang mga ito. Nawa’y magiging first impression last ang ganito. Sobrang babait at sayang kasama ng mga Montecilio. “Nada

