Kabanata 12 GUMAPANG ang kaba sa sistema ni Althea nang lumapit sa kanila si Homer. Iwan ba niya kung bakit. Hindi naman ganito ang kanyang nararamdaman kapag may mga lalaking lumalapit sa kanya. Humalik ang lalaki sa ginang at yumakap ito asa Tito nitong si Alvin. Sobrang napansin ni Althea na ang close ng mga Montecilio sa isa’t-isa. Kahit magpipinsan lang ang mga ito ay sobrang solid at firm ang samahan ng mga ito. “Hindi mo kami binisita sa amin Homer like sa usual mong ginagawa kapag umuuwi ka galing sa America,” ani ng Tito nito. “Oo nga, alam mo bang maghahanda sana ako ng cake para saiyo. Miss ko na ang baking iyon nalang ang libangan ko sa tuwing wala itong Tito mo at mga pinsan,” dagdag na wika ng ginang at tila nagtatampo ang mga ito sa lalaki. “I am sorry Tito, Tita... hind

