KABANATA FORTY-SIX

2694 Words

Kabanata 46 INABOT sila ng hating gabi bago matapos ang kanilang salu-salo. Doon sinabi ng ama na isa iyong salu-salo sa pagdating niya at para na rin sa magiging anak ni Althea. Nag-uumapaw ang saya na kanyang nararamdaman dahil ang buong akala ni Althea ay puro kamalasan nalang ang kanyang natatamasa. Ngunit sadyang tunay nga ang kasabihan, kapag mayroong kalungkutan ay may saya ring darating. At patunay nga itong natatamasa ngayon. Dahil sa gabing-gabi na ay hindi na sila pinayagang umuwi pa sa bahay na tinitirhan. Doon si Kelvin natulog sa kwarto nito habang si Althea naman ay sa silid na natulugan na niya noon. Hindi na siya kinulit pa ng mga kapatid kahit gusto pa ng mga itong makipagkwentuhan. Kailangan niya raw magpahinga para sa baby. Sinabihan niya naman ang mga ito na bukas a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD