Kabanata 55 HINDI matawarang tuwa ang naramdaman ni Althea habang nakasakay sila sa kabayo. Nawala ang kabang namumungay sa kanyang dibdib nang tumakbo na ito kanina. Ngunit siniguro naman ni Homer na handa itong protektahan siya kung ano man ang mangyayari sa kanila habang sumasakay. May tiwala naman siya sa lalaki at talagang pinapanindigan ni Homer ang sinabi nito sa kanya. Sobrang dami nilang dinaanang mga puno ng kahoy at marami roon ay mga puno ng prutas. Hitik na hitik sa bunga ang mga ito lalo na ang puno ng manga at rambutan. Mga ibon lang ang nakikita niyang malayang kumakain roon. Kung hindi lang sana siya kumain kanina ay hihilingin niya sa lalaking kumuha sila roon ng maraming bunga. “Nasa gitna pa tayo nitong hascienda, kumapit kang mabuti at huwag kang kabahan dahil med

