KABANATA SIX

2121 Words
Kabanata 6 MATAPOS makilala ang isang Montecilio ay tila mas lalo pang naging curious si Althea sa mga ito. Sadyang magaganda ang mga lahi ng pamilya at pawang mayayaman pa. Wala na sigurong pulubing Montecilio kung tutuusin. Gayunpaman dahil nandito na sila mall para ilibang ang kapatid ay sinulit na iyon ni Althea at Brandon. Una ay dinala niya ang kapatid sa restaurant. Grabe ang kain ng kapatid at isa iyong kasiyahan para kay Althea na makitang masaya din ang kapatid. “Masarap ba?” tanong niya kay Brandon kahit panay ang subo nitong ulam nilang manok at baboy. Mabuti nalang talaga at nag-iipon siya ng pera. Wala naman na siyang pagagamitan ng pera kung kaya’t iwawaldas na lamang niya ang ilan sa mga ito. “Masarap ate, sobrang sarap,” napangiti ang kapatid. Habang pinagmamasdan ang kapatid ay bigla na naman siyang naging curious sa mga Montecilio ngunit pumasok talaga sa kanyang isipan ay kung bakit pati pamilya ni Homer ay kilala nito. Alam niyang sa scoial media iyon  ngunit sa tingin ko ay hindi magandang ugali ang ipinakita ng kapatid kanina. “May sasabihin sana ako saiyo. Pwede ka bang makinig kahit kumakain ka?” mahina niyang wika rito. Sapat na iyon para si Brandon lang ang makakarinig. “Ano po iyon ate?” “Alam mo, walang problema sa akin kung kilala mo ang mga pamilya ng iyong idolo kasi minsan hindi iyon maiiwasan lalo pa’t idol na idol mo ang isang artista o modelo. Ngunit ang pagtawag mo kanina kay Peter ay hindi iyon kaaya-aya. Nakakahiya ang ginawa mo kanina Brandon. Mabuti na lamang at approachable ang Peter na iyon,” pangaral niya sa kapatid. Ayaw niyang gawin ulit iyon ng kanyang kapatid baka may sinong makarinig rito ay sabihing weird o bastos. “Masama po ba ang ginawa ko kanina ate?” malumanay na tanong kapatid. “Hindi,” aniya. “I mean possibleng mali at possibleng mali.” “Ang gulo ate,” sumimangot ang kapatid. “Hindi siya tama kasi... baka hindi komportable ang taong tinawag mo. Paano nalang kung hindi mabait ang mga taong tinatawag mo bigla tapos hindi ka pa kilala. Hindi ba weird iyon? Like kanina, nagtatanong si Peter kung saan mo siya nakilala.” “So paano po iyong possibleng tama na sinabi mo?” “Iyong possibleng tama naman , ay joke lang iyon. Hindi tama ang ginawa mo. Ay iwan,” pati si Althea ay naguguluhan sa kanyang mga sinasabi.  “Ganito nalang, huwag mo nalang ulitin iyon okay? Baka hindi kasi komportable ang mga taong tinatawag mo bigla.” “Kung iyan ang gusto mo ate ay susundin ko basta huwag ka nang magalit sa akin, ha? Masaya lang kasi ako kasi nakita ko ang cousin ni Kuya Homer at ang bait pa ni Kuya Peter. Alam mo ate, gusto kong magkaroon ng Kuya na Montecilio.” “Tinawag mo na ngang kuya sila, e. Ano pa ba ang gusto mo?” pinapatulan na lamang ni Althea kung anong pinagsasabi ng kapatid para hindi ito ma-stress bigla. Minsan kasi ay hindi pwedeng nagiging againts ka always sa kanilang mga sinabi dahil nakaka-stress iyon para sa mga batang may Down sysndrome. Baka siya pa ang mahihirapan kapag nagwala ito. “I mean ate, gusto ko magkajowa ka ng isang Montecilio.” Biglang nabilaukan si Althea sa kanyang kinakaing gulay. Hindi siya makapaniwala na sinabi iyon ng kapatid. “Maghunas-dili ka sa mga sinasabi mo Brandon. Wala ngang nanliligaw sa akin tapos may nalalaman ka pang ganyan.” Iyon din ang ipinagtataka ni Althea. Kahit ni isang manliligaw ay wala siya no’n. Hindi naman siya pangit para iwasan ng mga kalalakihan. “Kung may darating man tao sa aking puso ay hindi na importante kung ano ang estado nila sa buhay o kung pangit ba ito o pogi. Ang importante sa akin ay mabait at siyempre, presentableng tingnan,” aniya kay Brandon na nagpa-isip rito. “Bakit? May mali ba sa aking sinabi?” Umiling ang kapatid. “Gusto ko kasi ate na maging Kuya ng buo si Kuya Homer, e. Kung manliligaw ba siya saiyo ay sasagutin mo?” Napalunok ng laway si Althea. “Hay naku Brandon. Huwag na tayong mangarap ng gising dahil isa lang akong hampaslupa at si Homer naman ay hampas-langit.” “Po? Hindi ko maintindihan ang sinasabi ninyo ate.” “Isipin mo nalang na hindi kami bagay ni Homer. Ang yaman nga niyon at higit sa lahat. Baka kilala ito ng mga tao dahil sa uri ng trabaho. International model ang tawag ng lalaki rito sa Pilipinas.” “Walang impossible ate, hindi po ba? Kung si Cinderalla nga ay nakita niya ang kanyang french charmaing, e.” “Ha? Anong french ba iyong pinagsasabi mo.” Gustong matawa ng malakas ni Althea ngunit pinipigilan niya lang ang napipintong masayang emosyon na nararamdaman. “Bakit ka natatawa ate? Masama ba ang aking sinabi saiyo? Bakit parang malungkot ang nararamdaman ko dahil pinagtatawanan mo ako.” Napatigl si Althea sa kanyang ginagawa at seryosong tiningnan ang kapatid. “Hindi naman kasi kita pinagtatawanan. Natuwa lang ako sa sinabi mo. Ang hilig-hilig mong gumamit ng social media tapos prince na salita sinabutahe mo. Hindi kasi french ‘yon Brandon. It’s prince charming.” “Ahh, okay po ate kung ganoon ang tama.” Mabuti nalang talaga minsan ay hindi mahirap kausapin si Brandon kahit supposed to be ay pagod na pagod na ito dahil sa kanilang pinagagawa. Natapos sila sa pagkain at dahil malaki ang mall hindi pa nila ito tuluyang nalilibot. Dinala ni Althea ang kapatid sa pinakamataas na bahagi ng mall. May maraming food court sa itaas dahilan para makaramdam siya ng gutom muli. Ngunit nilabanan nalang iyon ni Althea. Tapos na silang kumain ng kapatid kaya mamaya na lamang sila kakain ulit ng hapunan. Ang kaninang saya ni Brandon sa mga mata nito at mga ngiti ay mas nadagdagan pa iyon. Doon nasabi ni Althea na mukhang kulang lang ng social life at interaction ng society ang kapatid. Mas magiging masaya pa pala kung palagi niya nalang itong iimbitahan na lumabas. Para naman ganito lang ang mood ng kapatid always. Halos buong araw ang ginugol nila Althea sa pamamasyal at pamimili ng mga gusto nitong bilhin. Nang matapos ay kaagad na rin silang sumakay ng kotse at doon lang magbabayad sa pagbalik sa hotel na kanilang tinitirhan. “Ate maraming thank you para rito, ha. Nag-enjoy ako sobra,” wika ni Brandon habang nasa taxi sila. “Masaya ako at masaya ka Brandon. Iyon lang ang gusto ko sa buhay ay makita kang masaya sa buhay mo habang lumalaki ka.” Pinangako ni Althea sa mga magulang na kahit anong mangyari ay hindi niya pababayaan ang kapatid na si Brandon. Sila na lamang dalawa magkasama at magkakampi ngayon. Yumakap si Brandon  sa kanya at ganoon din si Althea. Hinalikan niya sa buhok ang kapatid. Ganoon lang ang kanilang ayos nang makarating sila sa bukana ng mall. Nagbigay na ng pamasahe si Althea at lumabas na sila upang makapasok sa hotel. May mga bumati sa kanila at panay lang ang ngiti ni Althea. Nang makarating sila sa room ay parehong bagsak ang kanilang mga katawan. Doon lang naramdaman sina Althea kung gaano kapagod ang kanilang pinagagawa kanina. Nangalay bigla ang buo niyang mga paa at sumakit din ang kanyang likod. “Ate matulog na tayo. Ang sakit ng buo kong katawan,” reklamo ni Brandon. “Magpalit ka na muna ng damit mo bago matulog. Kunin mo sa cabinet dahil doon ko iyon inilagay,” aniya. Mabilis na tumayo ang kapatid at nagtungo sa cabinet na kanyang sinabi. Nagkuha ng pampatulog si Brandon at pumasok ito sa banyo upang magbihis. Lihim na natuwa si Althea, mukhang alam na talaga nitong mahiya. Noon ay sa harapan niya lang nagpapalit ng damit si Brandon. Ngayon ay tila mas natuto pa si Brandon at nagiging senstive sa lahat ng bagay tulad ng ginawa nito kanina. Malamang alam ng kapatid na babae siya kaya ganoon nalang itong umakto sa na magbihis sa loob na ng banyo. Habang hinihintay ang kapatid na lumabas sa banyo na pinagamitan nito ay naisip niyang magpalit na din. Mabilis lang ang ginawa ni Althea at natapos siya kaagad. Natapos si Brandon at humiga ito bigla sa kama. As usual, kinuha nito ang remote at binuksan na naman ang paboritong palabas nito. Mabuti nalang talaga at maganda ang accomodation ng hotel na ito. Sobrang komportable nila sa pamamlagi. Pumasok na muna si Althea sa banyo upang maghugas ng kanyang mga ngipin at nang matapos siya ay bumalik na rin siya sa kama. Napatingin si Althea sa kapatid at tutok na tutok ito. Habang ginagawa niya iyon ay napapaisip siya kung sasabihin na ba sa kapatid na lilipat na sila ng tirahan.  Hindi pwedeng sa pag-alis na nila sasabihin sa bata ang totoo. Mas lalo siyang mahihirapan nito. “Brandon, pwede ba tayong mag-usap ngayon?” seryoso niyang wika. Mabilis na tumingin sa kanya ang kapatid at pinatay nito ang telebisyon. “Ano po iyon ate?” “Hindi ba nagpunta ako rito para sa isang meeting?” Tumango lang ang kapatid bilang reponsde. Tutok na tutok ito sa kanyang kasunod na sasabihin. “Kasi, doon na tayo titira sa Bohol, Brandon. Ipapadala ako ng aking boss roon dahil sa trabaho. Kung hindi ako papayag ay mawawalan ako ng trabaho at wala na tayong kakainin.” “Ang ibig ba nitong sabihin ay iiwan na natin ang bahay ate?” Biglang sumimangot ang kapatid at namula ang buong mukha nito. Iyon ang hudyat na iiyak ang kapatid. Mabilis na niyakap ni Althea ang kapatid at hinalik-halikan ito sa noo. Ayaw niyang magwala ang kapatid niya ngayon dahil paniguradong iyon ang magiging kalalabasan ng kanyang pagsabi ng totoo. “Ate, ayokong umalis sa bahay. Doon lang ako, doon lang tayo dalawa,” iyak ng iyak ang kapatid. Kailangang mag-isip ng magiging dahilan si Althea. Kailangang mapatigil niya ito. Napatutok siya sa screen ng tevee. Biglang pumasok sa kanyang isipan si Homer at ang sinabi ni Peter. “Hindi ba gusto mong makita si Kuya Homer mo na modelo? Hindi ba sinabi ni Kuya Peter mo na uuwi at mamalagi si Homer sa Bohol? Bohol din ang ating pupuntahan kung kaya’t makikita mo siya roon palagi.” “Po?” Biglang natahimik si Brandon. “Nandoon si Kuya Homer?” Mabilis na tumango si Althea. Hindi pala ito nakinig sa sinabi ni Peter o baka nakalimutan lang nito. “Nandoon si Homer. At kapag nandoon na tayo ay makikita mo siya pati na ang kanyang pamilya. Hindi ba gusto mo iyon? At may mga kamag-anak din tayo roon.” “Hindi po ba ate doon nanggaling sina Mama noon  bago paman lumubog ang barko na kanilang sinakyan pauwi? At namatay sila?” “Oo, doon nga.” “Ate masa-sad ako na aalis tayo pero sige dahil nandoon si Kuya Homer. Baka makita ko siya katulad ni Kuya Peter kanina.” Hindi alam ni Althea kung maganda bang dahilan ang kanyang sinabi sa kapatid. Sa oras na makarating sila ng Bohol ay alam niyang si Homer ang magiging laman ng isipan nito. Dalangin niya lang na sana hindi sakit ng ulo. Baka magiging malala pa ito sa Bohol kung hindi napagbigyan ang gusto nitong mangyari. At paano niya makakausap si Homer para makita lang ito ni Brandon?” Tumahimik na ang kapatid sa pag-iyak at inayos na nito ang sarili dahil handa na itong matulog. Naunang natulog si Brandon sa kanya. Habang nakahiga ay nakatutok si Althea sa puting kisame. Habang tumatagal na magkasama sila ni Brandon ay mas lalong nagiging komplikado ang lahat. Kapag may nangyaring masama ulit sa kapatid at natatakot siya na baka kukunin ito ng kanilang Lolo at Lola. Ayaw iyong mangyari ni Althea. Dahil sa kanyang pagkakatanda, ayaw ng mga ito sa kanyang Mama noon at gustong ipahiwalayan ng abuelo at abuela ang mama nila sa kanilang papa. “Ate, gising ka pa ba?” biglang tanong ni Brandon. Ang buong akala niya ay tulog na ito kasi humihilik na ng mahina kanina. “Matutulog na rin ako, nagising ka ba bigla?” Tumango ang kapatid, “napaginipan ko sina mama at papa, e.” Ngumiti si Althea rito at niyakap si Brandon. “Na-miss ko rin sila Brandon. Miss na miss ko na sila.” “Ako rin ate. I love you ate.” “Mahal na mahal din kita Brandon. Hinding-hindi kita iiiwan. Ayokong mawala ka sa akin.” Sa oras na mayroong mangyaring masama kay Brandon ay kukunin ng kanyang lolo at lola ang kapatid upang ilipat sa kanilang pangangalaga. At ayaw iyong mangyari ni Althea. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD