Third Person’s POV Tumigil si Chandrea sa pagtakbo, pinunasan nya ang luhang dumadaloy sa pisngi nya. Kinuyom nya yung kamay nya “No one will own him except me! I’m the only one who can be with Rence. No one can beat me, no one! This is not the end Kelly soon you will regret everything. I will make sure that our plan will succeed.” At nagpatuloy na sya sa paglalakad nya na may halong galit at puot ang nadarama. Samantalang ang mga Prince ay hindi nakikinig sa seminar na pinuntahan nila. “Nakakapagtaka naman. Bakit kaya kumalat yung tungkol samin ni Chandrea?” tumingin yung tatlo sa kanya “Ewan nga eh kahit kami nagtataka. Diba tayo lang naman ang nakakaalam nung tungkol don?” umiling si Andrei at nagsalita “No, Ate know about that. Rence told her about Chandrea right?” tumango naman si R

