Rence's POV Wala namang mga nangyaring kakaiba samin nitong nagdaang araw. Hindi na kami ginulo ni Zayne at mas lalong parang umiiwas na si Chandrea. Hindi ko alam kung dapat ko itong ikasiya o ikatakot. Ewan ko, sa mga nagdaang araw na parang nanatiling walang gulong ginagawa si Zayne nakakapanibago. Valentines Special ngayon at maghahantay lang kami ng konting oras para sa activities na gagawin ngayon. Hindi namin kasama yung apat na babae kasi may kaylangan daw silang gawin. Madilim na ngayon at oo Feb 14 na. Ang bilis ng araw noh? Hindi ko nga alam kung bakit ako pumunta eh siguro dahil sa pangungulit sakin ni Kelly. "Nakakatamad naman, sana pala hindi nalang tayo pumunta" naandito kami, nakaupo. Wala naman kasi kaming ginagawa eh. Ano bang aasahan nyo samin? Makikitulong sa prepara

