HERA Sa pananatili ko dito sa Ilocos Sur ng anim na buwan ay maraming nangyari. Biglang nagbago si Constantine at hindi na niya ako pinapansin. Kaya sa tuwing nakakasalubong ko siya ay ako na mismo ang lumilihis ng daan. Binu-bully rin ako dito sa Antonio University at tinatawag nila akong pokpok. Kung kani-kanino daw ako nagpapagalaw, kaya minsan ay binabastos ako ng mga schoolmate kong lalaki. "Oh, andiyan na naman ang malandi. Baka nga may HIV na ang babaeng iyan dahil kung kani-kanino na lang nagpapatira." Narinig kong bulungan ng apat na babae sa gilid ko. Sanay na akong marinig ang mga walang kwentang pinaparatang nila sa akin. Nahiya naman ang virgin kong perlas sa losyang nilang mga katawan. "Nakita nga namin siya noong isang gabi sa loob ng sasakyan ni Osvaldo." sabi ng ba

