HERA
"Hija, ano ba ang nangyari bakit ka umalis sa mansion n'yo ng ganitong oras?"
"Manong Jerry," mahina kong bigkas sa kan'yang pangalan.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon. Aalis ba ako o hahanapin ko ang pumaslang sa aking ama? Pero ano ang mangyayari sa akin kapag hindi ako umalis dito sa Bukidnon? Papatayin rin ba nila ako tulad nang ginawa nila kay Daddy?
"Pinatay nila si daddy, Manong Jerry." Sumbong ko sa matandang lalaki habang ako ay nakatulala.
Nagulat siya sa aking sinabi at agad niya akong niyakap.
"Sino ang pumatay sa daddy mo hija? Bakit hindi mo tinawagan ang mga pulis kung gano'n?" naguguluhang sabi niya sa akin.
Mapait akong ngumiti. "Tumawag ako ng mga pulis manong, pero nakapagtataka dahil nag-isang oras na lang ay hindi pa sila dumarating."
May kutob akong si Estrella ang nag-utos sa dalawang lalaki na patayin si daddy. Kung tama ang hinala ko na siya nga ang boss na tinutukoy nila ay hindi ako magdadalawang-isip na patayin siya.
That witch is a gold digger! Kumukulo ang dugo ko sa tuwing sumasagi siya sa aking isipan.
"Ano ang gagawin natin ngayon? Nakita mo ba ang pumatay kay Don Alberto?"
"Hindi po," ayokong madamay si Manong Jerry kaya nagsinungaling ako sa kan'ya.
Tandang-tanda ko ang pagmumukha ng lalaking humablot sa akin. Hinding-hindi ko makakalimutan ang kan'yang mukha.
Nagulat kaming dalawa ni Manong Jerry ng may biglang kumatok sa kan'yang pintuan. Sinilip namin kung sino ang nasa labas ng bahay niya. Mabilis akong pumasok sa loob ng kwarto ng anak niya at nagtago ako sa ilalim ng kama.
"Hinahanap ka ng mga pulis, hija. Pero sinabi kong hindi ka pumunta dito sa bahay." nag-aalalang sabi ni Manong Jerry sa akin.
Mabilis akong lumabas sa pinagtataguan ko ng marinig ko ang kan'yang sinabi.
"Hindi ba nila nabanggit kung bakit nila ako hinahanap?" Tang ina, bakit ako ang hinahanap nila? Hindi ba dapat ang una nilang hanapin ay ang mga suspek? Don't tell me... Ako ang pinagbibintangan nilang pumatay sa sarili kong ama?
Napakuyom ang aking kamao dahil sa ideyang iyon. Siguro ako ang tinuro ni Estrella kaya hinahanap na nila ako ngayon.
"Wala silang nabanggit hija, nagdududa nga ako sa kanila dahil parang hindi sila totoong pulis."
"Manong, kailangan ko ng umalis ngayon." Nagmamadaling kinuha ko ang bag ko at nilabas ko ang gagamitin kong damit.
Nang may nakita akong gunting sa ibabaw ng lamesa ay kinuha ko ito. Pinutol ko ang mahaba kong buhok hanggang sa aking leeg. Madali lang nila akong mahahanap kung hindi ko babaguhin ang aking postura.
"Saan ka pupunta hija? Matulog ka kaya muna?"
"Sa airport po, kailangan ko ng umalis ngayon dahil kung hindi ako aalis ay ako ang susunod nilang papatayin. Huwag na huwag mong babanggitin sa iba na nagkita tayo Manong Jerry, maasahan ba kita?"
Tumutulo ang kan'yang luha ng tumango siya sa akin. Naglagay ako ng fake pimples at nagsuot rin ako ng nerdy glasses. Buti na lang at may fake ID ako, hindi nila malalaman kung saan ako pupunta dahil iba ang pangalan at apelyidong ginamit ko.
"Ihahatid na kita sa Cagayan de Oro, hija." mabilis na sabi niya sa akin.
Umiling ako, sasakay na lang ako ng bus at magpapahatid lang ako sa kan'ya sa terminal.
"Sa terminal n'yo na lang po ako ihatid, Manong Jerry. Salamat po dahil sinundo n'yo ako kanina at pasensya na po sa abala." Wala na akong malalapitan pa kun'di siya lang. Kaya habangbuhay kong tatanawin na utang na loob ang pagtulong niya sa akin.
"Nako, hindi ka nakakaabala sa akin hija." malungkot na sabi niya.
"May malaki po ba kayong bag? Kailangan ko kasing palitan ang gamit kong bag ngayon dahil nakita nila ako kanina na bitbit ito." Ayokong mabisto nila ako dahil kailangan kong umalis ng Bukidnon at pumunta sa Ilocos Sur.
Binuksan niya ang maliit na cabinet sa gilid ko at kinuha ang isang kulay itim na malaking handbag. Nilabas ko lahat ng mga gamit ko at inilipat ang mga ito sa bag na ibinigay sa akin ni Manong Jerry.
"Tara na po, manong."
Bago kami lumabas ay sinilip muna namin kung may taong nagmamanman sa labas. Nang masigurado naming walang taong umaaligid sa harap ng bahay nila ay pumasok na ako sa loob ng kan'yang sasakyan.
"Mag-ingat ka sa pupuntahan mo hija. Kung may kailangan ka ay huwag kang mahiyang tawagin ako," sabi niya at niyakap niya ulit ako ng mahigpit.
"Salamat, Manong Jerry. Kayo din po, mag-ingat po kayo." Bago ako sumakay sa bus ay tinignan ko muna ang buong paligid kung nandito ba ang mga lalaking naghahanap sa akin.
Pagdating ng tamang panahon ay babalik ako dito at hahanapin ko ang mga taong pumatay kay daddy. I will avenge my father's death. Ipapatikim ko sa kanila ang bagsik ng isang Hera Valeria. Ibabalik ko sa kanila ang sakit na ipinaramdam nila sa akin at ipapagapang ko sila sa putikan habang sila ay nagmamakaawa sa akin.
Sinadya ko talagang maaga akong aalis ngayon para maiwasan ko ang checkpoint sa Malaybalay. Bumilis ang t***k ng puso ko ng biglang tumigil ang bus sa Manolo Fortich. May tatlong lalaking pumasok at inisa-isa nilang tignan ang mukha ng bawat pasahero.
"Patingin ng ID mo, binibini." sabi ng isang lalaki.
Nanginginig ang aking kamay ng inabot ko sa kan'ya ang peke kong ID. Ibabalik na sana niya ang ID ko ng bigla siyang tumingin sa aking mukha. Lord, sana ay hindi niya ako namukhaan. Nakahinga ako ng maluwag ng umalis na siya sa aking harapan.
Muntik na akong mabisto. Thank you Lord at hindi mo ako pinabayaan.
Nang makarating kami sa Agora Bus Terminal ay hinanap ko ang van na papuntang Laguindingan Airport.
Shit, pati ba naman dito sa airport ay may naghahanap sa akin. Gano'n na ba talaga ako gustong patayin ng boss nila?
"Excuse me ma'am, nakita n'yo ba ang babaeng ito?" tanong sa akin ng lalaki.
Gusto kong suntukin ang lalaking ito pero pinigilan ko lang ang aking sarili. Ang sarap sabihin sa kan'yang pagmumukha na ako ang babaeng hinahanap nila.
"Hindi po eh," walang emosyon kong sabi at umalis na ako sa kan'yang harapan.
I'm sorry daddy if aalis ako sa araw ng pagkamatay mo. Pangako, hahabulin ko hanggang kamatayan ang taong pumatay sa 'yo at ang kanilang boss.
Gabi na ng makarating ako sa Candon, Ilocos Sur. Hindi ko alam kung saan ako matutulog ngayon. Gutom na ako dahil buong araw akong hindi kumain.
"Ahh, excuse me po, may alam po ba kayong apartment na malapit lang dito?" tanong ko sa dalagang halos kaedad ko lang.
"Naglayas ka ba sa bahay n'yo?"
Pinigilan ko ang aking sarili na huwag siyang sungitan dahil baka mag-away pa kami.
"Hindi, wala na akong magulang kaya naghahanap ako ng apartment na pwedeng rentahan," kalmadong sabi ko.
"I'm sorry, wala kasi akong alam na apartment. Wala ka bang matutuluyan ngayon? Pwede kang makitulog sa amin." nakangiting sabi niya.
Natigilan ako sa kan'yang sinabi dahil hindi naman niya ako kilala tapos dadalhin niya ako sa bahay nila. Palihim ko siyang tinignan mula ulo hanggang paa. Mukhang mayaman ang babaeng ito dahil naka-hermès na bag at naka-dior na sandal.
"Ahh, pasensya na pero hindi ko matatanggap ang alok mo sa akin. Salamat sa pagmamalasakit," nakangiting sabi ko at umalis na ako sa kan'yang harapan.
"Wait, what is your name?"
"Hera," malamig kong sabi.
Kanina pa ako naglalakad at sumasakit na ang paa. Biglang tumunog ang tiyan ko kaya naman pumunta ako sa Mcdo para kumain. Kailangan kong magtipid dahil fifty thousand pesos lang ang dala kong pera. Hindi ko rin pwedeng gamitin ang ATM card ko dahil baka ma-trace nila kung nasaan ako.
Pagpasok ko sa loob ng fast food chain ay pinagtitinginan ako ng mga taong kumakain dito. Tsk, wala akong pakialam kung pangit ang itsura ko ngayon. Basta ang importante ay buhay ako.
"Miss, may kasama ka ba sa table na ito?" tanong sa akin ng gwapong lalaki.
"Wala," tipid kong sabi.
Biglang umingay ang paligid at ang mga babae ay parang tangang tumitili. Mukhang famous ang gwapong lalaking ka-table ko sa bayang ito.
Kanina pa ako tinitignan ng lalaking nasa harapan ko, ano kaya ang problema niya sa akin? Nakakainis, ang daming bakanteng table tapos naki-share pa siya sa akin.
"Bro, si Constantine oh, may bago na namang chix." sabi ng lalaking moreno at lumapit siya sa table namin.
Ang unique naman ng pangalan niya, Constantine. Bigla akong nakaramdam ng hiya dahil ang pangit ng itsura ko ngayon. Hmh, hindi naman nila ako kilala kaya bakit ako mahihiya.
"Gago, naki-share lang ako ng table dahil hindi ko feel kumain ng mag-isa."
Sinulyapan niya ulit ako kaya naman nailang ako bigla. Hindi ba siya nandidiri sa akin? Ang mga ibang lalaki kasi dito sa loob ay halos mawalan na sila ng ganang kumain dahil sa pangit kong mukha.
"Hello," sabi ng kaibigan niya sa akin at lalapit na sana siya sa akin ng bigla akong tumayo.
Shit, ano ba ang nakain ko at bakit bigla na lang akong nataranta ng lumapit ang kaibigan ni Constantine sa akin.
Damn, nakakahiya!
"Ahh, pasensya na kung nagulat ko kayo. Tapos na kasi akong kumain kaya aalis na ako," mahinang sabi ko at mabilis akong naglakad palabas ng Mcdo.
Naglalakad ako sa gilid ng daan ng biglang umulan ng malakas. Argh, ang malas naman ng araw ko ngayon. Sumilong ako sa harap ng nakasarang department store at nanghihinang napaupo ako sa isang sulok. Niyakap ko ang aking tuhod at humagulgol ako ng iyak.
Kumusta na kaya si daddy? Maayos ba ang burol niya? Sana ay walang nangyaring masama kay Nanay Belen.
Nang tumila ang ulan ay naglakad ulit ako at naghanap ng matutuluyan kong apartment. Pinagtitinginan ako ng mga taong nakakasalubong ko dahil tumutulo ang luha ko habang ako ay naglalakad sa gitna ng daan.
Parang kailan lang nung masaya kaming nag-uusap ni daddy. I wish there was a time machine so that I could turn back time.
Agad akong napatigil ng may mabasa akong apartment for rent. Agad kong nilapitan ang tarpaulin at binasa kung saan matatagpuan ang apartment na iyon. s**t, hindi ko pa naman kabisado ang pasikot-sikot dito.
Kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng aking bag at in-on ko ang location para maka-google map ako. Hala, malapit lang ako sa available na apartment na ito. Sinundan ko lang ang google map at ilang sandali ay nakarating na ako sa lugar na hinahanap ko.
"Tao po," sigaw ko sa labas ng gate.
May lumabas namang isang matandang babae at binuksan niya ang gate.
"Titingin ka ba ng apartment, hija?" tanong sa akin ng matandang babae.
"Opo, may bakante ba kayo ngayon?"
Lord, sana ay may bakante pa sila. Ayokong matulog sa gilid ng kalsada dahil baka kung ano pa ang mangyari sa akin.
"Pasok ka hija, may isang room pa kaming bakante. Taga saan ka ba?"
"Ahh, taga Cavite po ako," pagsisinungaling ko.
Kung maaari ay dapat walang makakaalam sa tunay kong pangalan at kung saan ako nagmula.
Sinundan ko lang siya at napatingin ako sa bakanteng room na sinasabi niya. Okay na ito kaysa sa wala akong matuluyan. Isa itong studio type na apartment. Maganda naman ang disenyo at may pintura rin ang dingding nito.
"Magkano po ang monthly nito, ma'am?" magalang kong tanong sa kan'ya.
"Nako hija, huwag mo na akong tawaging ma'am, lola na lang ang itawag mo sa akin. Ang monthly ng room na ito ay 3500 at hindi pa kasama ang tubig at kuryente."
Hmh, hindi naman masyadong mahal kaya okay na ito. Maghahanap na lang ako ng trabaho para may pagkukunan ako ng pang-araw-araw kong pangangailangan. Kung aasa ako sa fifty thousand pesos na dala ko ay baka next month ay mapalayas na ako dito dahil wala na akong pambayad ng renta.
"Ngayon na po ba ako magbabayad, lola?"
"Kung may pera ka na diyan ay pwede naman hija. Pero one month advance and one month deposit ang patakaran namin dito hija."
Tumango lang ako at kumuha ng seven thousand pesos sa loob ng bag ko. Ibinigay ko na kay lola ang bayad ng upa ko at kinuha niya naman agad ito.
"Salamat hija, matutulog ka na ba ngayon dito? Papalinisan ko pa ang room na ito sa apo ko."
"Ako na lang po ang maglilinis dito lola, pwede po bang makahiram ako ng walis tambo at dustpan sa inyo?"
"Hala apow, nagsingpet met datuy nga ubing ngen." biglang sambit niya.
[Translation: Hala diyos ko, ang bait naman ng batang ito.]
Ngumiti na lang ako sa kan'ya dahil hindi ko maintindihan ang sinabi niya.
"Punta muna ako sa bahay hija, kukuha lang ako ng gagamitin mong panlinis dito sa room mo." paalam niya sa akin.
"Sige po, lola."
Nilibot ko ang aking paningin sa apartment na inuupahan ko. Sila na pala ang nag-provide ng kama at unan. May cabinet na rin akong paglalagyan ng mga damit ko. Mukhang kagamitan lang sa kusina at mga pagkain ang bibilhin ko bukas.
Agad kong tinulungan si lola ng makita kong marami siyang dala.
"Salamat hija, nagdala na rin ako ng bedsheet, punda ng unan, kumot at kurtina. Maalikabok na kasi ang mga iyan," turo niya sa kama na aking pagtutulugan.
"Nako, nag-abala pa po kayo. Maraming salamat po, ang bait n'yo naman po lola." Mababait pala ang mga Ilocano, akala ko kasi ay mga maldita sila.
"Salamat hija, kumain ka na ba?"
Parang si Nanay Belen lang si lola, na-miss ko tuloy siya.
"Opo, kumain na po ako kanina bago ako pumunta dito."
Nagsimula na akong maglinis. Kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng aking bag at chinarge ito.
Matapos kong walisan ang sahig ay nag-mop na rin ako. Pinalitan ko na rin ng bagong punda ang gagamitin kong unan, kurtina at bedsheet.
Pagod akong napaupo sa aking kama. Hindi ko akalaing magbabago na lang bigla ang takbo ng buhay ko. Hindi ako sanay sa ganitong buhay dahil lumaki akong mayaman. Pero kailangan kong lumaban para ako maka-survive ako. Lord, kayo na po ang bahala sa akin.
Bukas na bukas ay maghahanap ako ng mapapasukan kong trabaho. Kailangan kong magbanat ng buto para hindi ako magutom at may pangtustos ako sa aking pag-aaral.
Tinanggal ko na ang suot kong nerdy glasses at pumasok ako sa loob ng comfort room. Habang naliligo ako ay bumuhos ulit ang luha ko. Hindi ko man lang nasilayan si daddy bago siya ilibing.
The world is so cruel to me. Bakit kailangan pang mamatay si daddy? Bakit kinuha n'yo siya ng maaga?
Palabas na ako ng comfort room ng may kumatok sa aking pintuan. Binuksan ko naman ito at mabilis na pumasok ang nakasumbrerong lalaki sa loob ng apartment ko.
"Hoy, magnanakaw ka ba? Ahh..." Sisigaw na sana ako ng bigla niyang tinakpan ang bunganga ko.
"Hindi ako magnanakaw, may tinataguan lang ako." bulong niya sa akin.
Hindi ko akalaing makikita ko ulit siya. Sinusundan niya ba ako? Dahil sa pagpupumiglas ko ay biglang natanggal ang tuwalya na nakapulupot sa aking katawan.
Agad siyang natigilan at napanganga sa aking harapan. Mabilis kong pinulot ang tuwalyang nahulog sa sahig at tinakpan ko agad ang aking katawan.
"Bastos!"
"Damn, ang sexy mo." pilyong sabi niya sa akin.
Malakas kong sinuntok ang kan'yang tiyan. Sana ay hindi ko na lang siya pinagbuksan. Hindi ko alam na manyak pala ang lalaking ito.
"What the hell, bakit mo ako sinuntok?" mariing tanong niya sa akin.
Bigla niyang hinila ang kamay ko at natumba kaming dalawa sa sahig. s**t, nanlaki ang mata ko ng maglapat ang aming labi.