HERA Kung hindi ako sinasampal ni Amanda ay ginugunting niya ang suot kong damit. Hindi ako makalaban dahil mahigpit akong hinahawakan ng bruha niyang kaibigan. "Ano ba, wala naman akong masamang ginawa sa 'yo." "Anong wala? Pinahiya mo ako sa harapan ng maraming tao, lalong-lalo na sa harapan ni Ate Christine at Constantine." Damn, 'yan lang ba ang dahilan niya para pahirapan ako? Tsk… Kasalanan niya kung bakit siya napahiya sa harapan nila dahil nagsinungaling silang magkakaibigan. Ilang beses na akong kinalmot ni Amanda at ang hapdi na rin ng pisngi ko. Hindi niya natuloy ang pagsampal sa akin dahil sinipa ko siya bigla. "You, b***h!" galit na sigaw niya at sinugod ako. Kung hindi ako lalaban ay magiging kawawa ako at baka ang ending ay umuwi akong walang saplot. "Aray, ano

