Part 6: "Alinlangan"

3258 Words
"Ang Dayo" (by: themintyheart) Fiction Disclaimer: Ang kwentong ito bagaman kathang isip lamang ay nabuo ayon sa mga tunay na karanasan ng mga totoong tao. Kung may kahalintulad man itong pangyayari, pangalan at lugar ay di sinasadya. Naglalaman din ito ng maseselang detalye ng p********k. Paumanhin po sa mga mambabasa. Ang “Ang Dayo” ay unang nailathala sa ilang blog sa ilalim ng luma kong account (thelustprince) mga taong 2012. Please practice safe s*x guys! All rights reserved. nicolo69@gmail.com ***** Kakalabas lang ni Caloy mula sa banyo. Nakasabit ang tuwalya sa kanang balikat nang mapalingon kay Dennis na kasalukuyang nagkakape sa maliit na lamesa sa kusina. Tumalon ang puso niya. Kakaiba ang umagang iyon. Mukha ng binata ang inabutan niya sa lamesa pagkatapos maligo. Karaniwan kasi ay ang kanyang misis. Inilalatag muna ang placemat saka ilalagay ng nakataob ang dalawang mug para sa kanilang dalawa. Magkaharap. Inaabangan siyang lumabas upang sabay na mag kape. Napatayo tuloy siya ng matagal sa tapat ng pinto ng banyo. Gamit ang laylayan ng tuwalya ay pinupunasan nito ang basa pang buhok. Napalunok si Dennis nang masilayan muli ang may kanipisang buhok nito sa kilili. Tumutulo-tulo pa ang basa na gumagapang sa kanyang balikat pababa sa maumbok na dibdib. Sa pagitan ng mga hiwa na naghihiwalay sa mga masel sa tiyan Hanggang sa mga buhok sa puson na tinutuyo lang ng boxer shorts na suot nito. Napakababa ng garter ng short dahilan upang laong lumabas ang v-line nito na nagtatampok sa malalim na pusod nito na pinapaligiran rin ng maninipis na balahibo. Lahat nang ito ay hindi nakawala sa paningin ni Dennis. Hawak lang ang coffee mug na nakaumang sa kanyang bibig. nakatukod ang dalawang siko sa lamesa. Umuusok pa ang kape sa sobrang init. Parang menthol ito na nalalanghap ng ilong ng binata. Dinadagdagan nito ang init na nararamdaman. umuusbong sa kanyang puson. Hindi niya namalayang nasa harapan na niya ang lalaki. Hinahaltak na nito ang bangko upang umupo katapat ng binata. "Masakit daw ang ulo ni ate Dang. Hihiga daw siya ulit para mawala. Nakulangan daw siya ng tulog..." Ang bungad ni Dennis. Nakarehistro sa sulok ng labi niya ang pilyong ngiti at titig na nang uusig. Sasagot si Caloy ngunit naunahan muli siya ng binata. "Pinagod mo yata masyado kabagi...?" nangingiting habol nito. Napakamot ng batok si Caloy habang pinamumulahan ng mukha kahit kulay moreno pa ang kanyang balat. Napatikhim naman si Dennis nang mag flex at namintog ang braso ng lalaki. Pinigilan nilang matawa ng malakas nang magkatitigan. “Kamusta ang tulog mo?” Inayos niya ang pagkakaupo. Lantad pa rin ang hindi natatabingang maskuladong dibdib. Nasa balikat pa rin ang basang tuwalya. Karaniwan ay kinukuha ito ng kanyang asawa at isasampay muna sa labas bago nila ituloy ang pagkakape. Hindi muna sumagot si Dennis bagkos ay ibinaba nito ang mug sa lamesa at biglang tumayo patungo sa kanya. Napailag naman si Caloy na inakalang dadakmain ng kamay ng binata ang kanyang maskuladong dibdib. Nagulat na lang siya ng biglang naginhawaan ang kanyang pakiramdam. Nawala ang tuwalya sa kanyang balikat. Nasa pinto na ng kusina si Dennis ng hinabol niya ito ng tingin. Lumabas at isinampay ang tuwalya. Muling bumalik sa lamesa. "A-ano nga ang tanong mo kanina...?" Hinihingal na saad agad ni Dennis pagkaupong pagka upo. Ang laki ng ngiti ni Caloy. Nagtatanong na ngiti. "A-ano yun...?" Tinuro niya ang pintuan sa likod. Nag flex na naman ang braso at lumitaw ang buhok sa ilalim nito. Na-disorient na naman ang binata. "Ah... iyon ba...? Ibinilin yan ni Ate Dang sakin..." tugon ni Dennis na may kasamang matamis na ngiti. " I mean nakiusap din siya na ako na daw magluto ng almusal natin... saka..." pagbibitin niya. "Saka ano...?" ang nabibiting pakikinig ni Caloy pero nangingiti. "Ako na daw ang bahala sayo ngayong umaga...! Hindi, biro lang" binawi niya agad ang pinagkadiinan niyang ang salitang bahala. Saka binitawan ang pilyong ngiti. Napatawa si Caloy ng mahina, sinipa niya ng mahina ang binti nito sa ilalim ng lamesa. Namula naman ang mukha ng binata ng maramdaman ang makapal na kayo ng hinlalaki ng lalaki. Namalagi kasi iyon ng bahagya sa kanyang binti ng sandali bago binawi. Natigilan naman si Caloy sa nakitang pamumula ng binata. Tumahimik ang ang paligid. "Kamusta kako ang tulog mo...?" Ulit na tanong ni Caloy at tinitigan ang mukha ng binata. Muling hinawakan ng dalawang kamay ni Dennis ang coffee mug. Muling nadama ang init nito sa kanyang mga palad. Inilapit ito sa kanyang bibig habang inaayos ang pagkakatukod ng mga siko sa lamesa. Tumikhim muna at tinitigan din ang lalaki. Ngunit binawi din it. Ibinaling ang tingin sa loob ng tasa. Tila doon hinahanap ang sagot. Hindi naman lumalapat ang labi ng mug sa kanyang naghihintay na mga labi. “Mas maganda sigurong itanong kung nakatulog ba ako...?” Hinipan na niya ang kape bago dahan-dahang humigop. HIndi din agad nakatugon si Caloy. Napalunok siya ng makitang bumilog ang mapupulang labi ng binata at napansin din ito ng huli. Ibinaling muna ni Caloy ang atensyon sa iba. Itinahaya ang walang lamang mug sa kanyang harap. Itinuro niya ang kutsaritang nakapatong sa platito ni Dennis. Iniabot naman ito ng huli sa kanya. Nagsimula na siyang maglagay ng asukal, kalahating kutsarita lang. nilagpasan ng kamay niya ang lalagalyan mg creamer. Sa halip ay kinuha niya ang lagayan ng kape, pinihit ang takip upang buksan. Halos mapuno ang kutsarita ng kape at inihulog ito sa mug. "Ang tapang magkape ni gago...!" Nangingiting isip ni Dennis. Inabot niya ang hawakan ng termos. Pumatong din ang kamay ni Dennis. Nagkatitigan ulit sila. "Ako na...nakakahiya naman sayo bisita kita..." kinindatan ang binata. "Sarap ng palad mo... mainit din... parang kape..." Habol na salita ni Caloy nang bawiin ng binata ang pagkakapatong nito sa malapad niyang kamay. Napatawa silang dalawa. Naramdaman ni Caloy ang napalakas na sipa ni Dennis sa kanyang binti. Nagbuhos na siya ng mainit na tubig sa mug. Halos lagpas kalahati lang ang taas ng tubig. Pinagmamasadan lang ni Dennis ang mga galaw ng lalaki. Naaliw siyang panoorin ang bawat kibot at galaw ng mga masel at kalaamam nito sa braso at dibdib. “Nakatulog ka nga ba ng maayos...?” Ang pagtatama niya sa inangalang tanong ng binata kanina. “May butas kaasi ang kulambo.” Walang emosyon na itong nakatitig sa kaharap. Napahigop bigla ng kape si Caloy. Napaso ang dila. Nalimutan niyang hihipan muna. Natulala naman si Dennis ng ilabas-masok ni Caloy ang kanyang dila sa kanyang bibig. Ikinikiskis ang dila ng paulit ulit sa kanyang mga labi tuwing pumupuslit palabas. Pinapagpag ang sakit ng paso sa dila. Napadako tuloy ang tingin ni Caloy sa binata. Sabay silang napatawa ng mahina. Katahimikan ulit. “Pasensya na, di ko napansin. Iyung may butas na kulambo ang naibigay ko sayo.” Sabay higop muli ng kape matapos hipan. “Ako dapat ang humingi ng dispensa. Hindi ko dapat hinayaang lumaki ang butas ng kulambo...” Seryosong nakatitig sa kausap si Dennis habang nakadikit lang labi sa tasa ng kape. "Ha...!" Naguguluhang tanong ni Caloy. “Kinagat ka ba ng lamok?” Idinampi muli ang mga labi sa tasa ng kape. “Baka nagpakagat ang ibig mong sabihin?” si Dennis habang ibinababa ang tasa at nakatitig sa kawalan. Nasakyan na ni Caloy ang tinutukoy ng binata... “Sinipsip ba ang dugo mo?” habang muling inaabot ni Caloy ng paa nya sa ilalim ng lamesa ang isang binti ni Dennis. Hindi upang sipain. Inilapat lang ito sa ibabaw. Napakislot sa upuan si Dennis. “Shit... Hindi lang ang dugo... Pati puso ko... Hindi din pinatawad ang mga buto ko... Tinusok din ng kamandag nito ang mga buto ko... Tunaw na tunaw...” Naramdamang humaplos-haplos na sa kanyang binti ang nakakakiliting kalyo ng mga daliri sa paa ni Caloy. “Nagsisisi ka ba?” Tanong ni Caloy habang nararamdaman nyang inaabot na din sya sa hita ng mga daliri sa paa ni Dennis. Napapikit. Dinama ang maliliit na diin ng mga daliring iyon sa kanyang hita. Makinis at mainit sa pakiramdam. “Mas natatakot dahil kasamang nasipsip ang buong pagkatao ko” Garalgal na ang tinig sa nararamdamang paglilikot ng mga daliri sa paa ni Caloy sa pagitan ng kanyang mga hita. “Ibig sabihin ba nyan ay nagapi ka ng lamok?” Tila biglang namaos ang tinig ni Caloy. Naging halos pabulong habang umakyat din ang paa ni Dennis sa kanyang harapang nagsisimula ng tumigas. “Pati kaluluwa ko ay naisuko ko na?” Ngatal ang tinig habang nakapikit. Ninanamnam ang matigas na b***t ni Caloy. Nilalaro ito ng mga daliri ng kanyang malikot na paa. “Kaya ba nag I love you k-ka sa la...lamok ka-kagabi...?” Nauutal na sagot ulit ni Caloy. Naalala niya iyon. Ngunit bago nakasagot ay mapapikit ng mariin si Dennis. Napahigop ng kape. Nakasuot na kasi sa laylayan ng shorts niya ang mga daliri sa paa ni Caloy at dinadama na rin ang katigasan ng laman na nasa loob pa ng brief ni Dennis. (Poooot! Potpoooooot! Poooooot!) Ang malakas na potpot sa labasan. “Liiiing habulin mo ang pandesaaal...!” Sigaw ni Dang sa loob ng kwarto. Halata pa din ang antok at pagod sa boses. "Ha...? Oo ling...!" Napasigaw sa gulat si Caloy na may kasamang balikwas. "Baka gusto ni Dennis... para di na din siya mapagod magluto ng almusal..." habol pa ni Dang. Natigilan din bigla si Dennis. Nakita niya na lang na nagtatakbo na ang lalaki palabas upang habulin ang potpot! "Ma-magluluto po ako ate, may nakita naman akong bahaw na kanin para isangag... At may tira pang ulam kagabi..." Nauutal sa hingal na sagot ni Dennis. Nilaksan niya din ang boses. Hindi na ulit sumagot si Dang. Muli sigurong nakatulog sa isip-isip ni Dennis. ***** Nasa loob na ng banyo si Dennis upang maligo. Ikalawang araw na ito nung huling mangyari ang pagsalisihan sila ni Caloy ng kanyang ate Dang. Hindi pa rin halos bumabalik ang kanyang katinuan. Litongllito at balisa sa bilis ng mga pangyayari. Magkakahalong emosyon ang kanyang nararamdamang takot, alinlangan, at galak ang bumabalot sa kanyang puso. Takot dahil ayaw nya na muling umibig at masaktan. Ngayon ay tiyak syang masasaktang muli kahit umpisa pa lang. May asawa ang lalaking bumibihag sa kanya ngayon. Alinlangan dahil parang hindi nya kayang bumalik ng Maynila at maiwan ang kanyang puso sa bahay na iyon. Galak dahil muli ay nakadama sya ng pag-ibig sa puso. Pagkatapos kasi ng mapapait na karanasan sa pag-ibig ay ipinangako nya sa sariling hindi na iibig kundi makikipaglaro na lang upang hindi na muli masaktan. Dalawang taon na niyang ginagawa ito. Ngayon ay nakukunsensya pa syang nalihis ang kanyang layunin sa pagpunta sa probinsyang iyon. Bigla nyang naalala ang inang may kanser. Bakit nga ba sya nagpapaka gaga ngayon gayong ang dapat nyang asikasuhin ay mapasaya kung sakaling mahanap ang taong matagal nang nawalay sa kanyang ina. Hinawakan nya ang tabo at nagsimulang magbuhos ng tubig. Sapat na ang lamig na dumaloy sa kanyang hubad na katawan upang manumbalik sa kanyang katinuan. “Dennis iho, nakaluto na ako, tapusin mo na yan at tara nang kumain. Para maaga din kayong makalakad ni Caloy.” Si Dang habang kinakatok ang pintuan ng banyo. “Opo ate, tapos na po.” ***** Naghuhugas na ng pinggan si Dennis habang naliligo sa banyo. Si Dang naan ay gumagayak na sa kanyang pagpasok sa eskwelahan. Si Caloy naman ay kasaluukuyan ding nagbubukas na ng tindahan. Pagkatapos maghugas ay hinarap naman ni Dennis ang kanyang bag upang ayusin ang laman nito. Nakaupo sya sa mahaba at malapad na bangko na kanyang hinigaan sa gabi. Isa-isa niyang tinanggal ang laman ng bag at pinagpag. Nahulog ang larawan ng kanyang ina na kasama sya. Tiningnan nya ito ng matagal at napangiti sa kung ano mang alaala ang kalakip niyon. Nasa ganun syang sitwasyon ng maramdamang katabi nya na pala si Caloy na nakatitig din sa larawan. “Sya ba ang mama mo? Ngiti lang ang naisagot ni Dennis. Hinawakan ni Caloy ang kamay ni Dennis at itinapat ito sa kanyang matitipunong dibdib. Hubad baro pa din ang lalaki. Mainit na ang singaw ng bubong ng bahay. ksing init ng manipis na palad ng binata. Waring nabatobalani naman ang binata at inilapat ng tuluyan ang kanyang mga palad. Mariin. Dinama ang malasutlang balat at ang nakakapag init ng damdaming katigasan nito. “Mama’s boy ka din pala, may ganyan din akong larawan kasama ng nanay ko.” Mahinang kwento ni Caloy. Habang dinadama ni Dennis ang pintig ng puso ni Caloy ay hinawakan sya nito sa mukha ng kanyang malalapad at makalyong mga kamay. Pinihit niya paharap sa kanya ang mukha ng binata. “Mahal mo ba talaga ako gaya nung sinabi mo sakin nung isang gabi... I love you ang sabi mo...?” ulit na tanong ni Caloy. Napatitig lang si Dennis. Walang mahagilap na isasagot. Bumuka ang bibig ngunit walang salitang lumabas. Naghihintay parin si Caloy, nagtitigan lamang silang dalawa. Hanggang naglapat nalang ang kanilang mga labi. Napapikit si Dennis, naglalaban ang isip. Aayaw nya na parang gusto nya. Ngunit mapusok ang halik na iyon ni Caloy. Tumutunaw ng pagkatao. Ito naman ang kahinaan ni Dennis. Niyakap na sya ng tuluyan ni Caloy. Gumaganti na din si Dennis. Nag laro ang kanilang mga dila sa kanilang bibig. Nag uumapaw sa pagnanasa. Nag-aalab. Malaway. Maririin. Matagal… matagal na matagal… “Pabili nga po ng dalawang yelo!” sigaw ng isang paslit sa tindahan Hindi sila natinag. Waring ito na ang huli. “Caloy, liiing! Nalimutan ko ang tuwalya, pakiabot naman!” sigaw ni Dang mula sa banyo. *** “Ling, antayin nyo muna dumating si nanay Choleng bago kayo lumakad. Sayang ang araw kung isasara natin ang tindahan, marami pa namang bumibili pag gantong araw ng lunes.” Mahabang bilin ni Dang habang handa na itong umalis para pumasok sa eskwela. “Sige ling, gusto mo ba daanan ka namin ni dennis mamayang uwian nyo para may makasabay kang umuwi?" Lambing ni Caloy. “Wag na ling kasi baka sumama ako kina mareng Aurella, dadalawin naming ang burol ng nanay ng estudyante nya. Pero hindi naman kami magpapagabi.” Paniniguro ni Dang. “Sige, mamalengke na din ba kami ng panghapunan natin ni Dennis bago umuwi...?” Ang tila nasaasanay nang pagkakasali ng pangalan ng binata sa usapan sa pagitan nilang mag-asawa. “Ay ako na ling, kasi malapit na sa palengke ang pupuntahan namin. O Dennis, talaga bang ngayong araw din na to ang balik mo ng Maynila?” “Ay opo ate, baka kasi nag-aalala na din ako para kay mama... Miss ko na din sya eh...” Nagsisinungaling ni Dennis. Ang pagmamadali nyang umuwi ay bunsod ng kanyang takot na tuluyang matupok sa apoy na idinudulot ni Caloy sa kanyang pagnanasa. Damdaming nagaalinlangan tinutupok ng maalinsangang panahon. Hindi nya kasi kayang tagalan ang mga mapanuksong titig ng lalaking tumutunaw sa kanyang katinuan. “O sige kungdi ka na mapipigilan, pero antayin mo muna ako umuwi bago ka umalis ha?” “Sige po ate.” Ang simpleng tugon ni Dennis. “O gudluck sa lakad nyo dalawa ni Caloy lalo na sayo.” Sabay pisil ni Dang sa pisngi ni Dennis. “O sya, aalis na ko.” Sabay halik kay Caloy. “Ingat po kayo.” Sabat ni Dennis. “Lalo kayong dalawa... Mab-ingat kayo...” At tumalikod na ito. Nagktinginan ang dalawang lalaki sa huling tinuran ng babae. “O ayan na pala si nanay Choleng Caloooy. Nay kayo na po ang bahala dito sa tindahan. Papasok na po ako...” Nag mano muna sa matanda at tuluyan nang umalis si Dang. “Ingat ka sa daan ineng...” ang pahabol na salita ng matandang babae. “Sino sya” inosentng tanong ni Dennis na nasa likod ni Caloy. “Si nanay Choleng, sya ang yaya ng buong barangay” sabay ngiting nilingon si Dennis. "Binubuska mo na naman ba ako damuho ka...!" Nakaduro ito sa mukha ni Caloy at pinandidilatan. "Si nanay Choleng hindi na nasanay sakin...!" Bawi naman ni Caloy. "Magandang umaga po nana Choleng...!" Masiglang bati naman ng binata sa matanda na tinanguan nito. "Napakabait na bata nito bukod sa napakguwapo ay makinis at napakaputi. Kay puula ng mga labi at napakatamis ngumiti. Kamusta na ba si mareng Vicky Belo...?" Ang malanding biro naman ng matanda at nagtawanan silang tatlo. Tumalikod na ang matanda at nagsimulang magkakaklikot ng kung ano-anong abubot na paninda. Nag ayos. Nagsalansan. “Mabait yan si nanay, Isa syang kumadrona, matandang dalaga, nagiisa sa buhay at pinagkakatiwalaan dahil sa kanyang pagiging matulungin at likas na kabaitan... All around service provider... Dermatologist din iyan, tingnan mo at napakakinis at napakaputi pa din...” Ang pagbibiro sa huli naman ni Caloy. Muli silang nagkatawanan. "Tumigil ka nang damuho ka...!!!" Binato si Caloy ng supot ng instant noodles sabay balik muli sa kanyang ginagawa. Inihagis naman muli ni Caloy ang nasaong pouch ng instant noodles sa pinanggaling basket. Parang basket ball. Umarko ang matikas na bisig nito at napa flex ng muscles. "Three-points... yeah...!" Ang sigaw ni Caloy. Nabighani na naman si Dennis. Napakalakas ng epekto ng lalaki sa kanyang kamalayan. Simula kanina pang pabuusap nilang tatlo ng matanda. Palaging napapatitig lang si Dennis sa pag galaw ng mga may kakapalang labi ng lalaki. Nasa likod niya kasi si Caloy. Nakasungawang ulo sa itaas ng balikat ng binata habang nagsasalita ito. Nakahawak ng madiin ang isa nitong kamay sa kanyang bewang. Paminsan-minsan kasi ay nararamdaman niyang nangigigil ito ng papaisil. Ikinakikiliti niya ito. “Si nanay Choleng din ang unang nakahawak sa b***t ko.” Pabulong sa tenga ni Dennis si Caloy. Amoy niya ang nakakalibog na hininga nito at ang mainit na buga sa kanyang pisngi. “Ha...!?” ang natauhang pagtataka ni Dennis, ngunit tila nakiliti sya sa ibinulong ni Caloy. “Sya din kasi ang tumuli sakin….” Pabulong na may kasamang dampi ng dila sa tenga ni Dennis si Caloy. Ngunit mas higit na nagulat si Caloy dahil sinabayan ni Dennis ng dakma ang kanyang tarugo na nasa loob ng kanyang short na kanina pa naninigas dahil sa kanilang titigan. ***** Nagpaalam si Caloy kay nanay Choleng para maligo at makapaghanda na din sa lakad nilang dalawa ni Dennis. Si Dennis naman ay itinuloy ang pag-aayos ng gamit sa kanyang bag. “Dennis, paabot naman ng sabon pampaligo, hingi ka kay nanay Choleng please....?” Sigaw ni Caloy mula sa lbanyo. Hindi na sumagot si Dennis bagkos ay tumungo ito ng tindahan. Marami ngang bumibili at sa pagmamasid ni Dennis ay hindi naman natataranta ang matanda. Dahil sa abala ito sa pagtitinda, sya nalang ang kumuha ng sabon pagkataposna magsabi kay nanay Choleng. tinanguuan naman siya ng huli. Naiisip naman ni Dennis na palusot lamang ito ni Caloy. Malaki pa kasi ang sabong ginamit nya nung sya ay sumunod na naligo sa babae kani-kanina lamang. Si Dang naman ay may sariling sabon na kanyang nakita nung pumasok din ito ng banyo. Kulay orange ito. Sa kanyang balintataw ay sigurado syang may binabalak si Caloy sa kanya. May pananabik naman syang alamin kung ano man yun. Tutal hindi nya maaangkin ng lubusan si Caloy. Ituturing nya nalang ito na isang laro. Upang hindi sya masyadong masaktan dahil nararamdaman nyang mahal nya na ang lalaking ito. “Kuya Caloy ito na ang sabon.” Hindi na sya kumatok. Sabay sa pagbukas ng pintuan ay ang paghatak naman ni Caloy sa kamay ni Dennis. Mabilis na naipasok ni Caloy sa banyo ang nabiglaanang binata... ***** Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD