Hindi kumukurap si Franco habang hawak ang kanyang cellphone. Bahagyang nakasilip siya sa pagitan ng gate at ng mababang halaman sa bakuran, pilit na itinatago ang sarili sa dilim. Sa malayo, dahan-dahang umuusad ang isang itim na kotse, parehong hugis, parehong tindig, at parehong lamig ng presensiyang unang nakita sa CCTV ng village.
Tumibok nang mabilis ang puso ni Franco. Ito na iyon.
Maingat niyang iniangat ang cellphone at tahimik na pinindot ang camera. Ito ay nag click ng tatlong beses.
Sinigurado niyang malinaw ang kuha, ang harapan ng sasakyan, ang side mirror, at kahit ang bahagyang bakas ng plaka na tinatamaan ng ilaw sa kalsada. Hindi man buo ang numero, sapat na iyon para magsilbing simula.
Huminto sandali ang kotse, para bang may pinagmamasdan. Sa loob ng ilang segundo, nagtagpo ang katahimikan at tensyon. Pakiramdam ni Franco ay alam ng sasakyan na may nakatingin dito. Ngunit makalipas ang ilang sandali, muling umandar ang kotse at tuluyang nawala sa liko ng kalsada.
Ibinalik ni Franco ang cellphone sa bulsa at dahan-dahang huminga. Sa wakas, may hawak na siyang konkretong lead, isang bagay na matagal na nilang hinahanap. Ang larawang iyon ang maaaring magbukas ng pinto patungo sa katotohanan, kung sino ang nagmamaneho, kung kanino nakarehistro ang sasakyan, at kung bakit paulit-ulit itong umiikot sa village.
Pagpasok niya sa loob ng bahay, nadatnan niya si Liza sa sala. Nakaupo ito sa sofa, yakap ang isang unan at nakaharap sa TV. Dilat pa rin ang mga mata niya. Napatulala si Franco, ngayon lang niya napapansin ang nakakabighani niyang ganda. May mahabang buhok at maputing balat, para siyang half- chinese sa sobrang nipis ng balat nito, na parang pinakintab sa mantika. May hinaharap din itong malulusog na dibdib.
Napalunok si Franco. Pinigilan ang maduming pagiisip. Si Liza ay bahagi lang ng kanyang trabaho, ngunit ngayon lang siya nakaranas na matukso sa kanyang kleyenti.
Sino ba namang lalaki ang hindi manglalagkit ang tingin kung nakakita ng isang napakaganda at seksing babae na parang bang nang aakit.
Nakasoot ito nang pampatulog, sa sobrang nipis ng kanyang night dress ay kitang kita ang kurba ng kanyang katawan, lalo na ang n*****s nito sa harap.
“May kailangan ka ba?” tanong ni Liza, nang mapalingon ito kay Franco. Hindi niya agad napansin na kanina pa tulala si Franco at nakatitig sa kanya.
Habang si Franco naman ay tila biglang nagising.
Tumango si Franco. “Nakuhanan ko ng larawan ang itim na kotse. Hindi malinaw ang buong plaka, pero sapat na ito para ma-trace.”
Nagliwanag ang mga mata ni Liza, ngunit kasabay nito ang pag-igting ng kanyang mga balikat. “Ibig sabihin… may pag-asa pa.”
“Meron,” mariin na sagot ni Franco, “At hindi na ito basta hula, atleast makapagsimula na tayo.."
Ngunit bago pa sila makapag-usap nang mas malalim, naramdaman ni Franco ang biglang kirot sa kanyang pantog. Sa buong magdamag na pagmamasid at pag-inom ng kape, ngayon lang niya naramdaman kung gaano na siya naiihi.
“Ma'am Liza,” sabi niya, bahagyang naiilang, “pasensya na, pero… pwede ba akong gumamit ng banyo?”
“Oo naman,” sagot ni Liza. “Nasa dulo lang ng hallway.”
Napabuntong hininga si Liza na parang lumuwag kahit papaano ang kanyang nararamdaman ngayon.
Habang si Franco naman ay agad tumungo sa kabilang way na itinuro ni Liza para magbawas.
Sumunod ay nakipagwentohan si Franco kay Liza habang tumulong ito sa pagluluto ng almusal sa kusina. Fried rice at pritong talong ang inihanda niya, simpleng pagkain pero ito ang paboritong almusal niya. Nagdagdag na rin si Liza ng ilang pirasong chicken sandwich spread.
Dalawang oras matapos ang kanilang agahan ay naisipang maligo ni Liza sa banyo, sa wakas ay parang bumalik sa gana ang kanyang katawan, ang kumain ng maayos at alagaan ang sarili. Bawat patak ng tubig sa ulo niya ay naaalala niya ang nobyong si Leo. Tuwing naliligo siya sa umaga ay si Leo parati ang gumugulo sa kanya para pabulain ang bath soap sa kanyang buong katawan. Bukod pa rito ay gustong gusto ni Leo ang madulas at mabasang pamamaraan ng kanilang pagtatalik, na parati nilang ginagawa tuwing umaga. Namimiss na niya ang nobyo, ang presensya nito at bawat matatamis na salitang binubulong nito sa kanyang taenga, ang mga yakap at haplos nito, na kasing init ng apoy.
Iniiangat ni Liza ang kanyang ulo at napanganga, na parang hinahayaang pumatak ang tubig sa kanyang bibig. At siya ay umuungol sa mahinang tunog.
Gumagapang ang sarili nitong mga kamay sa kanyang hita, habang ini-imagine ang mga haplos ni Leo. Ang mga halik ni Leo na nagpapainit sa kanyang buong katawan. Though, they are not married yet pero matagal na silang magka-live in partner, kaya di maiwasang sabihin na nasanay na siya sa ganitong gawi.
Hanggang bumaba ang mga haplos ng kanyang mga kamay, at naabot nito ang kanyang private part. Umabot sa sukdulan, ito ang pagmasahe niya sa kanyang private part at habang iniisip pa rin si Leo na bumabayo sa kanya, mula sa kanyang likuran. Ang kanyang buong imahinasyon ay naging dahilan ng kanyang malakas na pagungol sa kabila ng kanyang abalang pagisip ng mga imahinasyon.
Hanggang sa..
"BoinggKK!!"
May narinig siyang tila isang bagay na nahulog sa sahig, at nabasag. Mabilis niyang inikot ang host para bumilis ang pag agas ng tubig, dito na naaanlawan ang kanyang buong katawan, habang inaabot ng kanyang kanang kamay ang tuwalyang nakatupi sa gilid.
Ngunit sa parehong sandali, si Liza na lumalabas ng banyo, ay nakasalubong si Franco sa may makitid na espasyo.
At isang iglap ng katahimikan ang dumaan, na hindi maiwasang muling mapatitig si Franco kay Liza, na tanging tuwalya lang ang bumabalot sa kanyang katawan.
Napahinto si Franco, nanlaki ang mga mata, at agad na napalingon sa kabilang direksyon. “Ay... pasensya na! Hindi ko po sinasadya!” mabilis niyang sabi, ramdam ang pag-init ng kanyang mukha.
Si Liza naman ay napaatras, napahigpit ang kapit sa tuwalya. “A-ako rin… pasensya na,” nanginginig niyang tugon. Hindi niya inaasahang may makakasalubong siya.. lalo na sa ganitong ayos.
Para sa isang iglap, tila huminto ang oras. Hindi lang dahil sa awkward na sitwasyon, kundi dahil sa bigat ng emosyon na kapwa nila dala. Si Liza, pagod, puyat, at sugatan ang damdamin. Si Franco, may hawak na delikadong katotohanan at responsibilidad na protektahan ang isang taong halos hindi pa niya kilala.
“Ako na lang ang lalabas,” magkasabay nilang nasabi.
Napangiti si Liza, kahit bahagya lang. “Sige… ako na lang muna.”
Agad siyang bumalik sa loob ng kwarto, isinara ang pinto, at doon niya naramdaman ang biglang pagbagsak ng kanyang emosyon. Napasandal siya sa pinto, pumikit, at tuluyang pumatak ang mga luha na kanina pa niya pinipigilan.
Leo… nasaan ka na ba? bulong niya sa sarili.
Sa labas, si Franco naman ay nanatiling nakatayo sa hallway, pilit kinakalma ang sarili. Hindi siya sanay sa ganitong sitwasyon, hindi sa pagiging malapit sa isang babaeng dumaraan sa matinding pagkawala. Ngunit may kung anong humaplos sa kanyang konsensya. Hindi lang ito isang kaso. Isa itong buhay na unti-unting nadudurog.
Makalipas ang ilang minuto, lumabas si Liza, nakasuot na ng simpleng pajama. Namumula pa ang mga mata, ngunit pilit niyang inaayos ang sarili.
“Pasensya na talaga,” unang sabi ni Franco. “Hindi ko po intensyon... ”
“Okay lang,” putol ni Liza, mahinang ngumiti. “Pareho naman tayong nagulat.”
Tumango si Franco. “Kung gusto mo, aalis muna ako bukas ng maaga. Kailangan kong dalhin ang mga larawang ito sa opisina para ma-verify.”
“Oo,” sagot ni Liza. “Gawin mo kung ano ang kailangan. Basta… sabihan mo lang ako.”
Naglakad sila pabalik sa sala at naupo. Tahimik ang paligid, ngunit sa katahimikang iyon ay may namumuong bagong tensyon, hindi na lang takot, kundi pag-asang may kasamang pangamba.
“Franco,” biglang sabi ni Liza, mahina ngunit matatag, “sa tingin mo ba… buhay pa si Leo?”
Napatingin si Franco sa kanya. Sa dami ng kasong hinawakan niya, natutunan na niyang maging maingat sa sagot. Ngunit sa mga mata ni Liza, nakita niya ang desperadong pangangailangan ng katotohanan, o kahit kaunting pag-asa.
“Hindi pa natin alam,” tapat niyang sagot. “Pero hangga’t walang ebidensiyang nagsasabing hindi na… ipaglalaban natin ang posibilidad na buhay pa siya.”
Tumango si Liza, at muling pumatak ang luha sa kanyang pisngi. “Salamat. Kahit ’yan lang… sapat na sa ngayon.”
Sa gabing iyon, muling umupo si Franco sa labas ng bakuran, may hawak na kape, ngunit ngayon ay may mas malinaw na direksyon. Sa kanyang cellphone, paulit-ulit niyang tinitingnan ang larawan ng itim na kotse. Ang simpleng imaheng iyon ay maaaring maging susi sa pagbubunyag ng isang madilim na lihim.
Sa loob ng bahay, si Liza ay nakahiga ngunit gising pa rin. Sa pagitan ng takot at pag-asa, isang bagay ang malinaw sa kanyang puso: hindi siya nag-iisa. At sa gitna ng mga anino at katahimikan, unti-unti nang gumagalaw ang katotohanan, kahit pa masakit, kahit pa mapanganib.
Sa labas, humangin nang malamig. At sa dilim nitong gabi, may isang kotse sa malayo na muling umandar, tila ba may inaabangang tamang oras ito.