Napapikit si Liza, mariing hinawakan ang gilid ng salamin na parang doon siya huhugot ng lakas. Ngunit sa halip na katiyakan, mas lalo lamang lumalim ang bitak ng kanyang paniniwala.
Isang marahang katok ang gumambala sa katahimikan.
“Ma’am, may ipinapabigay po sa inyo,” sabi ng isang katulong mula sa labas.
Hindi agad sumagot si Liza. Ilang segundo muna siyang nanatiling nakatayo, tila nag-aalinlangan kung bubuksan ang pinto o hahayaang manatiling sarado ang lahat, kasama na ang mga tanong.
Ngunit nanaig ang kuryosidad.
Pagbukas niya, iniabot ng katulong ang isang maliit na kahon. Walang marka at walang pangalan.
“Ipinabigay po ni Boss sa inyo" sinabi nito bago tuluyang umalis.
Muling nagsara ang pinto.
Dahan-dahang umupo si Liza sa kama, hawak ang kahon na tila may sariling t***k. Parang may bigat na hindi niya maipaliwanag.
“Leo…” bulong niya.
Maingat niyang binuksan ang takip.
Sa loob, isang lumang relo. Gasgas ang gilid, tila matagal nang ginamit. Ngunit hindi iyon ang nagpahinto sa kanyang paghinga.
Sa likod ng kahon ay may nakasulat "para kay Liza."
"Ito na ang oras para malaman mo ang totoo."
Nanlamig ang kanyang mga kamay.
“Hindi… hindi puwede…” nanginginig niyang sabi.
Sobrang pamilyar ang relo na ito kay Liza. Ito ang relo na matagal nang sinasabi ni Leo na nawala noong bata pa siya. Isang bagay na hindi niya kailanman naipakita kay Liza, in actual. Kung kaya larawan lang ang kanyang nakita at ginawa pa itong profile picture sa social media account ni Leo. Patunay na may isang bagay na nawala sa kanya, ngunit iyon ay tila napakahalaga at gusto nitong makita pa uli.
Pero heto, nasa mga kamay na ni Liza.
Pagkatapos ay biglang may pumutok sa loob ng isip niya, isang alaala.
Isang maulan na gabi. Si Leo ay umuwi ng bahay at basang-basa, hawak ang kanyang ulo.
“May mga bagay na hindi ko pa puwedeng sabihin sa’yo ngayon,” sabi nito noon. “Pero darating ang araw… mauunawaan mo rin.”
Akala niya noon, simpleng lihim lang iyon. Isang bagay na walang bigat. Ngunit ngayon, parang ang bawat salitang iyon ay may ibang kahulugan.
Napatingin siya muli sa relo. Biglang umandar ito, yik… tik… tik… kahit kanina’y tila patay.
Kasabay ng bawat pagtunog, ay parang may bumubulong sa kanya. "Hindi mo siya kilala"
Napalunok si Liza.
Sa unang pagkakataon, hindi niya sigurado kung ang mas kinatatakutan niya ay ang posibilidad na nagsinungaling si Leo, o ang katotohanang baka hindi pa niya talaga siya nakilala kailanman.
At sa labas ng silid, sa madilim na pasilyo, may isang pares ng matang tahimik na nakamasid.
Naghihintay.
Para sa sandaling handa na si Liza na harapin ang katotohanan.
Pagkalipas ng ilang oras, nakatulog si Liza sa gilid ng kama, pagod sa kakaisip, hanggang sa maramdaman niya ang biglang paglamig ng hangin sa silid.
May pumasok.
Dahan-dahan siyang napadilat.
Nakatayo ang lalaki sa may pintuan, tahimik… ngunit mabigat ang presensya.
“Samahan mo akong kumain.” Boses na walang.lambing, o pakiusap. Isang pag uutos lang.
Umangat ang kilay ni Liza, pilit tinatabunan ang kaba. “Hindi ako gutom.”
Halos kasabay ng kanyang pagtanggi, malakas na kumulo ang kanyang tiyan.
Napapikit siya sa inis.
Bahagyang napangiti ang lalaki, isang ngiting tila may alam na hindi niya sinasabi.
“Sigurado ka?”
Hindi sumagot si Liza. Ngunit ilang segundo pa, ay tumayo na rin siya, mabigat ang bawat hakbang, pero wala siyang pagpipilian.
Pagdating nila sa dining area, bahagyang natigilan si Liza.
Nasa gitna iyon ng hardin.
Napapalibutan ng matatabang halaman, makukulay na bulaklak, at matatayog na puno ng prutas na tila sinadya para itago ang lugar mula sa mundo.
Sa kabila ng sitwasyon, hindi niya napigilang mapangiti.
Mabilis niya itong itinago, iniwas ang tingin sa lalaki.
Ngunit huli na.
“Nagustuhan mo,” mahinang sabi nito.
“Hindi,” mabilis niyang sagot.
Tahimik silang naupo.
Walang nagsasalita. Tanging tunog ng kubyertos at marahang ihip ng hangin ang namamayani.
Hanggang sa...
“Hmm… may kasama ka pala.”
Isang boses ang sumingit, malambing, ngunit may talim.
Napalingon si Liza.
Isang babae ang papalapit, maganda, bata, at may kumpiyansa sa bawat hakbang ng kanyang black high heels. Ang suot nitong dress ay may mataas na slit, sapat para ipakitang wala itong pakialam kung sino ang makakita.
Diretso itong lumapit sa lalaki, at umupo sa kanyang kandungan na parang wala lang.
Parang siya ang may-ari ng eksenang iyon.
Napahigpit ang hawak ni Liza sa kubyertos.
“May bisita ka pala,” sabi ng babae, matapos mapalingon kay Liza.
Hindi agad sumagot ang lalaki.
Sa halip, marahan nitong inilapag ang baso bago nagsalita. "Hindi siya bisita.”
Bahagyang natawa ang babae. “Ah? Eh ano siya?”
Saglit na tumigil ang lalaki.. saka tumingin kay Liza.
Parang sinusubok niya ito.
“Narito siya dahil kailangan ko ang tulong niya,” malamig niyang sagot. “Magtatrabaho siya sa akin bilang personal assistant.”
Parang may sumabog sa dibdib ni Liza.
Personal assistant?
Napayuko si Liza, pilit kinokontrol ang galit. Nagkulong ang kanyang mga kamay, halos mamuti ang mga daliri sa higpit.
Sinungaling!!
“Gano’n ba…” mahinang sabi ng babae, pero hindi nawala ang ngiti nito. “Hindi ko alam na kailangan mo ng personal assistant.”
Dahan-dahan nitong inangat ang kamay, at hinaplos ang pisngi ng lalaki. "Pwede naman ako…” malambing na sinabi ng babae.
Napangiti ang babae na may binabalak, halatang gusto din niya ang position na iyon.
Hindi gumalaw ang lalaki. Hindi rin siya umiwas sa tinginan nilang dalawa ni Liza. Habang si Liza Naman ay pasulyap kung tumingin sa dalawa, at doon na siya tuluyang napuno.
“Ang kapal mo,” sinabi niya.
Hanggang sa tumigil ang dalawa at natahimik ang hangin.
Unti-unting ibinaling ng lalaki ang tingin sa kanya. “Ano’ng sinabi mo?”
Tumayo si Liza, nanginginig ngunit matapang ang boses.
“Personal assistant?” ulit niya. “Yan ang kwento mo?”
Bahagyang napangisi ang lalaki, pero walang saya.
“Mas gusto mo bang sabihin ko sa kanya na kinidnap kita?” malamig nitong tanong.
Parang sinakal ang lalamunan ni Liza. Hindi siya nakasagot.
Napatingin ang babae sa dalawa, halatang naguguluhan, pero mas nangingibabaw ang interes.
“Kidnap?” ulit nito, tila aliw. “Mukhang mas interesting ‘to ah.”
Tumayo ang lalaki matapos kargahin niya paalis ang babae na nakaupo sa kanyang kandjngan. Lumapit ang lalaki kay Liza, dahan-dahan at kontrolado.
“Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo, Hindi ka pa handa.” mahinang bulong ng lalaki.
Napatingin si Liza sa kanya, galit siya pero natatakot. Nangingibabaw ang pagdududa sa kanyang mga mata.
“Hindi ako natatakot sa’yo,” sabi niya, kahit hindi siya sigurado kung totoo iyon.
Saglit na natahimik ang lalaki.
“Hindi ako ang dapat mong katakutan.”
Bumilis ang t***k ng puso ni Liza. "Kung hindi ikaw… sino?”
Sandaling tumingin ang lalaki sa babae sa kanyang likuran, bago muling ibinalik ang tingin kay Liza.
“Yung lalaking pinagtitiwalaan mo.”
Tuluyang nanlumo si Liza. At sa unang pagkakataon, mas mabigat pa sa galit ang naramdaman niya, Kay sa pagdududa.