Mahigpit ang hawak ni Liza sa manibela.
Ramdam niya ang panginginig ng kanyang mga kamay, kahit pilit niyang pinipigilan. Hindi niya alam kung tama ba ang ginagawa niya.
Pero wala siyang choice.
Sa screen ng cellphone niya, naka-display ang location na ipinadala. Isang lugar na hindi niya kabisado. Ang isang lugar na malayo sa mata ng tao.
Huminga siya nang malalim.
“At kung bitag ‘to…” bulong niya.
Pero agad din niyang sinagot ang sarili, "Hindi ako pwedeng umatras.”
Nagpatuloy siya sa maingat na pagmamaneho at may kabilisan sa pagpapatakbo ng sasakyan. Hanggang sa biglang tumunog uli ang cellphone niya.
Agad nag flash sa screen, ang parehong numero.
Sinagot niya agad. "Papunta na ako,”
“Good,” sagot ng lalaki. “Pero tandaan mo.. mag-isa ka lang.”
“Nasaan si Leo?” sinabi niya sa may malamig na boses.
Pagkatapos ay biglang natahimik saglit ang palitan nang usapan.
“Humihinga pa.” malinaw na boses ng lalaki mula sa kabilang lenya, ngunit ramdam niyang natatawa ito sa sinabi.
Napapikit si Liza. “Kung sinaktan mo siya..”
"Saktan.. ano?" panghahamon nang lalaki..
Ngunit hindi na niya hinintay na makapagsalita pa uli si Liza.
“Hindi pa,” putol ng lalaki. “Ikaw ang magdedesisyon kung mangyayari ‘yon.”
Napahigpit ang hawak niya sa manibela.
“Ano ba talaga ang gusto mo?”
May mahinang kaluskos na naririnig si Liza, bago paman nagsalita uli ang lalaki.
"...Makita kang pumili.”
“Pumili ng ano?” napabuntong hininga si Liza.
“Kung hanggang saan ang kaya mong isakripisyo.”
Pagkatapos ng mga salita ng lalaki, ay naputol ang tawag.
Mas bumilis ang t***k ng puso ni Liza. Mas Lalo siyang natataranta habang iniisip ang gagawin niya.
Pagdating niya sa lugar.. Isang abandonadong gusali ang bumungad sa kanya. Sira ang gate, na may kalawang ang bakal.
Masyadong tahimik ang paligid, matapos niyang patayin ang makina ng sasakyan. Lumabas siya at saka niya napag alamang mag isa lamang siya sa labas ng gate na iyon, walang ibang sasakyan o ibang tao. Pero ramdam niya na hindi siya nag iisa sa lugar na ito.
Dahan-dahan siyang naglakad. Bawat hakbang niya papasok ay may kasamang kaba.
Pagpasok niya sa loob, ay sumalubong agad ang amoy ng alikabok at kalumaan.
“Nandito na ako…” mahina niyang pagtawag. Hoping na may makakarinig sa kany, para matapos na ang lahat ng ito.
Hindi nga siya nagkamali sa kanyang kutob, dahil may biglang lumabas.
“Mas mabilis ka kaysa inaasahan ko.”
Napalingon siya nang marinig ang boses.
Mula sa kanyang likod ay lumabas ang lalaki. Kasama ng lalaki si Leo, ngunit ito ay nakatali at sugatan.
“Leo!” sigaw ni Liza, pilit na lalapit.
“Stop.” utos ng lalaki.
Tumigil si Liza. Napalunok na lamang nang makitang may hawak na baril ang lalaki, at diretso nakatutok kay Leo.
“Isang hakbang pa… at babarilin ko siya.”
Napahinto si Liza.
“Anong gusto mo…” nanginginig niyang tanong.
Ibinaba ng lalaki ang baril at lumapit kay Liza.
“Simple lang.”
Lumingon uli ang lalaki kay Leo. Pagkatapos ay ibinalik ang tingin niya kay Liza.
“May malalim na dahilan kung bakit ko ito ginagawa. Ngayon kailangan mo nang mamili..”
Napabuntong hininga si Liza at sinabing, “Hindi ko maintindihan..."
“Siya… o ako”
Napakunot ang noo ni Liza. “Ano’ng ibig mong sabihin?”
Biglang tumawa ang lalaki.
“At eto na nga… ang pinaka-interesanteng bahagi.”
Lumapit siya kay Leo at hinawakan ang buhok nito, pilit itinaas ang mukha.
“Ang lalaking mahal mo… hindi siya kasing inosente ng iniisip mo.”
“Wag kang maniwala sa kanya..." mahina ngunit desperadong sabi ni Leo.
“Tumahimik ka!” sigaw ng lalaki, sabay suntok sa kanya.
Napahiyaw si Liza. “Tama na!”
Biglang lumapit ang katahimikan sa paligid.
Pagkatapos ay lumapit ang lalaki kay Liza. Sa abusadong paraan, biglang hinila ng lalaki si Liza at napasubsob ang s*s* ni Liza sa mala-bakal na dibdib nito.
Magkalapit na ang kanilang mga mukha. Halos magdikit ang kanilang mga hininga, at sa pagitan nila ay may katahimikang puno ng damdamin, at panganib.
Sa loob ng lalaki, may init na unti-unting kumalat, parang apoy na nagmumula sa kanyang puso. Ngunit kasabay nito’y gumagapang ang isang malamig na presensya, marahan ngunit makapangyarihan, na tila yumayakap sa kanyang buong pagkatao.
Hindi siya nag-iisa.
May isa pang kamalayang naninirahan sa kanyang isipan, isang berdeng ahas na marahang bumubulong sa kanya. Hindi ito naririnig ng iba. Tanging siya lamang. Ang ahas ay nagsasalita, minsan ay parang gabay… minsan nama’y parang tukso.
Ngunit sa kabila ng lahat, siya pa rin ang kumikilos. Siya pa rin ang pumipili, dahil siya ang tao.
Dahan-dahan niyang hinawakan si Liza, parang may pag-iingat, na tila ba natatakot siyang masaktan itoo ang sarili niya.
Sa sandaling iyon, ang anyo ng ahas ay parang aninong dumaan sa kanyang katawan, nagbibigay sa kanya ng mas malinaw na paningin, at mas matinding damdamin. Sumunod ay nagliwanag ang kanyang mga mata, kumikislap sa kulay berdeng tila may buhay.
Ngunit ang titig na iyon, hindi lang puno ng kapangyarihan. Kundi may halong pagnanasa. Pag-aalala. At isang damdaming pilit niyang pinipigilan.
Habang tinitigan niya si Liza, parang ang mundo ay tumigil, at silang dalawa na lang ang natira.
"Bakit kakaiba sa babaeng ito? Hindi ko siya magawang saktan. Kakaibang init ito, Anong nangyari sa akin? sino ba siya? Anong kapangyarihang taglay mayroon siya?" - isang malandi.. ngunit mapanganib ang taglay na boses. Ito ang pangalawang boses na nagsasalita para sa lalaki.
Sa hindi alam ni Liza at Leo. Ang lalaki na ito na kumidnap kay Leo ay may kakaibang kapangyarihan. Hindi siya mortal at hindi din immortal. Isinilang siya sa mundo, na taglay na may presensya ng isang makapangyarihang ahas na nabubuhay sa kanyang katawan. Kapag namatay ang lalaki, mamatay din ang ahas na ito.
Ang makapangyarihang ahas na ito, ay siyang nagbigay sa kanya ng lakas at kapangyarihan. At ang taong makadiskubre ng sekretong ito ay ang taong nakatadhana lamang.
“Gusto mong mabuhay siya?” tanong ng lalaki kay Liza.
“Oo!” sagot ni Liza.
“Then prove it.”
“Ano’ng gagawin ko?” kunot noong tanong ni Liza.
Inilabas ng lalaki ang isang maliit at mahiwaga na box na gawa sa kahoy, at inilapag sa sahig.
“Buksan mo.”
Dahan-dahan itong nilapitan ni Liza, at binuksan.
Sa loob ng box ay may isang baril. Takot na takot si Liza ng makita ito. Nanlaki ang mata niya sa kung ano ang susunod na sasabihin ng lalaki.
"Ngayon… patunayan mo.” sinabi ng lalaki.
“Hindi ko...”
Hindi pa man tapos si Liza sa sasabihin, ngunit nagsalita na ang lalaki.
“Barilin mo siya..”