Isang malakas na pagsabog ng tunog ang bumasag sa katahimikan ng abandonadong gusali.
Ngunit, hindi si Leo ang tinamaan.
Bahagyang napaling ang ulo ng lalaki nang tumama ang bala sa sementong pader, ilang pulgada lamang ang layo mula sa kanyang ulo. Nagkalat ang alikabok at maliliit na piraso ng semento sa hangin.
Sandaling natahimik ang lahat.
Parang pati ang oras ay napahinto.
Nanlaki ang mata ng lalaki. Hindi sa takot, kundi sa pagkagulat. Hindi niya inaasahan na muntikan ng mapunta sa kanya ang bala ng baril. Nagagalit siya.
"Ang babaeng ito, talagang nakakapang init ng laman" - nagsalita ang ahas.
Dahan-dahang napatingin ang lalaki kay Liza.
At doon niya nakita. Ang nanginginig nitong kamay na may hawak ng baril. Ang luha sa mga mata nito.
At ang matinding takot… na piniling suungin.
“Hindi…” mahina ngunit matigas ang boses ni Liza.
Unti-unti niyang ibinaba ang baril. Parang nawalan ng lakas ang kanyang mga tuhod. At bigla, lumuhod siya sa harapan ng lalaki.
“Please…” umiiyak niyang sabi. “Palayain mo na kami…”
Ang basag na boses ni Liza. Halos hindi na niya mabuo ang mga salita.
“Wala kaming laban sa’yo… hindi namin alam ang nangyari noon… please…”
Tahimik lang ang lalaki. Ngunit ang kanyang mukha, ay unti-unting nagbabago. Hindi na ito ang malamig na kontroladong ekspresyon kanina.
Ito ay puno na ng galit.
“Hindi maaari,” malamig niyang sagot.
Humakbang siya sa gitna ng dalawa.
“Isa sa inyo… ang dapat mamatay.”
Parang hinigop ng lupa ang lakas ni Liza.
“Please…” ulit niya, halos gumagapang na ang boses sa desperasyon. “Gagawin ko ang lahat… kahit ano… kahit gaano kalaki ang gusto mong halaga… ibibigay namin…”
Napatingin ang lalaki sa kanya.At saka, ngumiti. Ngunit hindi iyon ngiti ng awa. Kundi ngiti iyon ng isang taong nasasaktan… at gustong ipasa ang sakit.
“Pera na naman?” mahinang tawa niya. “Hanggang ngayon… ‘yan pa rin ang iniisip ninyo.”
Napayuko si Liza.
Biglang sumeryoso ang lalaki. “Hindi…” sinabi niya. “Hindi pera ang kapalit… buhay ang hinihingi ko…”
Lumapit ang lalaki kay Liza. Sobrang lapit na halos maramdaman ni Liza ang kanyang hininga. Kung kanina ay napatitig si Liza sa lalaki ng may takot, ngayon naman ay biglang napatulala siya, sa mga tingin nito, parang inaakit siya nito dahilan para kumalma siya.
“Gusto kitang iligtas, pero mas pipiliin mo pa rin ba siya?" - isang tanong na sinabi ng ahas. Ang pangalawang tono...na bahagi sa kanyang pagkatao.
Dahan-dahang umiling si Liza.
“Pero ayokong mamili… ayokong pumatay... ” sagot ni Liza, na umiiyak na.
“Mahal ko siya.. . mahal ko ang lalaking pinapapatay mo?" dagdag pa niya.
“MAHAL?” biglang sigaw ng lalaki.
Napaatras si Liza sa lakas ng boses nito.
“Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng salitang ‘yan?” nanginginig ang boses nito, hindi na sa galit lang, kundi sa sakit.
“Alam mo ba kung paano mawalan ng lahat ng mahal mo sa isang iglap?!”
Walang sumagot, kundi tanging katahimikan lang sa pagitan nilang dalawa. Tanging hingal ng galit ang maririnig mula sa lalaki.
Samantala sa likod ng lalaki, ay kumikilos si Leo, pinilit ang sarili na makawala sa mahigpit na pagkatali. Kahit pa dumudugo na ang kanyang pulso sa kakapilit.
“Liza… wag ka makinig sa kanya” mahinang sigaw ni Leo, habang pilit pinipigilan ang sakit.
Napatingin si Liza sa kanya. At doon, mas lalo siyang nadurog nang makitang sugatan si Leo. Pero nakatingin pa rin sa kanya na parang siya ang tanging dahilan kung bakit siya lumalaban.
“Hindi mo nagawang iputok ang baril sa kanya…” muling nagsalita ang lalaki, mas malamig na ngayon ang tono.
“Siya ang gusto kong patayin ngayong araw."
Natahimik si Liza.
Hindi siya makasagot. Pero sapat na ang kanyang ginawa kanina para masagot ang kanyang tanong.
Napailing ang lalaki.
“Anong gusto mong gawin ko ngayon?” tanong niya, diretso sa mata ni Liza.
Dahan-dahang tumingala si Liza. Punong-puno ng luha ang kanyang mga mata. Ngunit sa kabila ng takot, may kakaibang katatagan.
“Kung kailangan may mamatay…” mahinang sinabi ni Liza.
Napahinto ang lalaki.
“…ako na lang.”
Parang tumigil ang hangin. Pati si Leo, ay nanlaki ang mata.
“Hindi!” sigaw ni Leo, pilit kumakawala. “Liza, wag!”
Ngunit hindi siya pinansin ni Liza. Hindi niya kayang lingunin si Leo. Dahil alam niyang kapag ginawa niya iyon. Baka magbago ang loob niya.
“At palayain mo siya…” dugtong niya, halos pabulong.
“Si Leo na lang ang pakawalan mo… Tapos manatili ka dito." sinabi ng lalaki.
Natahimik ang lalaki. At sa oras na ito, ay walang gumalaw o nagsasalita sa paligid. Hanggang sa bigla siyang tumawa.
Isang mababang tawa na unti-unting lumalakas. At halos naging baliw na.
“Ang galing…” sabi niya, nanginginig ang balikat sa pagtawa. “Ang galing-galing…” Bigla siyang tumigil, at tumingin kay Liza ng deretso.
“Handa kang mamatay para sa kanya?” tanong ng lalaki..
“Oo,” sagot ni Liza, walang pag-aalinlangan.
“Alam mo ba kung sino talaga siya?”
Sandaling natahimik si Liza.
Ngunit, tumango siya. "Kahit ano pa siya… mahal ko siya.”
Biglang sumeryoso ang lalaki. At muling
lumapit kay Liza. Dahan-dahang inilapit ang baril sa kanyang ulo.
Nakapikit ang mga mata ni Liza.
“Liza… please…” basag na ang boses ni Leo. “Wag mong gawin ‘to…”
Ngunit hindi gumalaw si Liza. Hindi siya umatras.
Isang patak ng luha ang dumaloy sa kanyang pisngi.
“Patawad…” bulong niya.
Tahimik ulit ang paligid. Ngunit ang baril ay nakatutok na sa ulo ni Liza.
Habang nagdilim, ang mga daliri ng lalaki ay nasa gatilyo.
Naputol lang ang katahimikan. Nang napalingon ang lalaki sa kanyang likod. Hindi na niya napigilan ang sitwasyon, dahil sa naputol na ang tali ni Leo sa paa, at kamay.
At sa isang iglap, sumugod si Leo. "LIZA!”