🐍 ANG PAGKAWALA NI LEO

850 Words
Nagising si Liza sa kakaibang katahimikan ng bahay. Hindi na niya narinig ang karaniwang pagbukas ng pinto o ang paalam ni Leo tuwing umaalis ito. Sumulyap siya sa orasan..late na. “Leo?” mahina niyang tawag habang lumalabas ng kwarto. Walang sumagot. Napansin niyang bahagyang nakabukas ang pintuan sa harap. Kumabog ang dibdib niya. Dali-dali siyang lumapit at tinulak iyon. Sa labas, tahimik ang paligid. Walang kakaiba, maliban sa bakas ng kalat sa may hagdan. May nahulog na relo. Kinuha niya ito at agad nakilala... kay Leo iyon. Hindi lang basta relo. Ito ang regalong ibinigay niya rito noong ika-5 anibersaryo nila. “Hindi niya siguro napansin nawala sa kanya ito…” bulong niya sa sarili, habang unti-unting binabalot ng kaba ang kanyang dibdib. Mabilis niyang kinuha ang kanyang cellphone at tinawagan si Leo. Ngunit hindi ito sumasagot. Pero may isang mensahe ang pumasok mula sa unknown number: “Huwag kang makialam kung gusto mo pa siyang mabuhay.” Nanlamig ang kanyang katawan, na parang biglang binuhusan ng tubig na may yelo. Hindi na ito basta biro. May kumuha kay Leo? Hindi na siya nagdalawang-isip, tinawagan niya ang hindi kilalang numero. “Hello?! Sino ka?! Nasaan si Leo?!” sunod-sunod niyang tanong. Sandaling may katahimikan. Pagkatapos, isang malamig na boses ang nagsalita sa kabila. “Mas mabilis ka palang mag-isip kaysa inaasahan ko.” Napahigpit ang hawak ni Liza sa cellphone. “Ano’ng ginawa mo sa kanya?” “Hindi pa siya patay,” sagot ng lalaki. “Pero depende sa’yo kung magtatagal pa siya.” Napapikit si Liza, pilit kinokontrol ang sarili. “Ano’ng gusto mo?” “Wala ka munang gagawin. Hindi ka pupunta sa pulis. Hindi ka magsasabi kahit kanino.” “Paano kung hindi ko sundin?” Tahimik uli ang linya. Pagkatapos ay sumagot ang lalaki. “Subukan mo.” Agad naputol ang tawag. At malinaw na may banta at totoo ang sinasabi. Samantala, unti-unting nagkamalay si Leo sa loob ng umaandar na sasakyan. Mabigat ang kanyang ulo, at masakit ang kanyang leeg. “Nasaan ako…” mahina niyang tanong. Tumawa ang estrangherong lalaki habang nakatutok ang mga mata sa daan. “Gising ka na pala.” “Anong gusto mo?” pilit na sabi ni Leo habang sinusubukang umupo nang maayos. Sandaling natahimik ang lalaki bago ito nagsalita muli. “Gusto ko lang ipaalala sa’yo ang isang bagay… na matagal mo nang tinatakasan.” Napakunot ang noo ni Leo. “ Pero hindi kita kilala.” “Hindi mo ako kilala… o pinili mo lang kalimutan?” sagot ng lalaki, mas malamig ang tono. Huminto ang sasakyan sa isang abandonadong lugar. Madilim, tahimik, at tila walang buhay. Hinila ng lalaki si Leo palabas at itinulak papasok sa isang lumang gusali. Pagpasok nila, may mga lumang larawan na nakasabit sa dingding, mga lupain, bahay, at… isang pamilya. Napatingin si Leo sa isang larawan. Isang matandang lalaki… at isang batang lalaki na nakangiti. Bigla siyang napahinto. "Hindi… imposible…” Lumapit ang estranghero at tumabi sa kanya. “Naalala mo na ba?” Nanlaki ang mata ni Leo. “Ang lupang sinasabi mong sa lolo mo… hindi iyon kailanman naging sa inyo.” Napaatras si Leo. “Hindi totoo yan... ” “Sinunog ninyo ang bahay namin para maagaw iyon!” sigaw ng lalaki, puno ng galit ang boses. Tumahimik ang paligid. At sa unang pagkakataon… may bumalik na alaala. May malawak at malaking apoy.. may mga sumisigaw na humihinginng tulong, mga pag iyak. At may isang batang umiiyak. Habang nanginginig, napaupo si Leo sa sahig. “Hindi ko… hindi ko alam…” mahina niyang sabi. “Hindi mo alam?” mapait na tawa ng lalaki. “Convenient.” Lumapit ito at yumuko sa harap niya. “Ako yung batang iyon, Leo.” Parang gumuho ang mundo ni Leo. “Hindi… hindi pwede…” “Iniwan ninyo kaming mamatay. Ang pamilya ko… lahat nawala dahil sa kasakiman ng pamilya ninyo.” Napayuko si Leo. Hindi niya maitanggi ang mga alaala na unti-unting bumabalik. “Pero hindi ako ang gumawa noon…” “Hindi,” sagot ng lalaki. “Pero ikaw ang magbabayad ngayon.” Sa kabilang banda, si Liza ay desperadong naghahanap ng paraan. Hindi niya pinansin ang babala sa mensahe. Pumunta siya sa police station. Ngunit bago pa siya makapasok. May tumawag sa kanya. Ang parehong numero na nag send sa kanya ng unang mensahe nang jsang BABALA. “Kung gusto mong mabuhay si Leo… pumunta ka sa lugar na ipapadala ko, nang mag-isa.” Huminto si Liza. Kung magsusumbong siya sa pulis, gugulo ang sitwasyon at maaring mapahamak si Leo. Isang desisyon ang kailangan niyang gawin, ang sumunod, o mawala si Leo habambuhay? Sa loob ng abandonadong gusali, muling nagsalita ang lalaki habang nakatingin kay Leo. “Hindi pa ito ang katapusan.” Ngumiti siya. “Simula pa lang ito.” Agad nag lumabas si Liza ng bahay, patakbo ito at taranta kung kumilos. Umandar ang itim na sasakyan, at nagbukas ang automatic na gate. Naiwan si Liza, mag-isa, nanginginig, at puno ng tanong ang isipan. Pero isa lang ang malinaw: Nagsimula na ang kanyang masamang bangungot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD