“Hindi… hindi siya ‘yon…” bulong niya, pero wala nang kumpiyansa ang boses niya.
Tahimik lang ang lalaki.
Pinapanood siya.
Hinahayaan siyang maramdaman ang lahat.
“Bakit?” biglang tanong ni Liza, napatingin sa kanya.
“Bakit mo ginagawa ‘to? Ano’ng pakialam mo sa’kin?”
Sandaling hindi sumagot ang lalaki.
Pagkatapos, marahan siyang lumapit... hindi agresibo, kundi parang may dinadalang bigat.
“Dahil kung hindi ko gagawin, ikaw ang susunod na mawawala.”
Napahinto si Liza.
“Mawawala?”
“May hinahanap sila,” dugtong ng lalaki. “At iniisip nilang nasa’yo.”
Nagulo ang isip ni Liza. “Ano’ng sinasabi mo? Wala akong alam!"
“Totoo,” agad na sagot ng lalaki. “Pero naniniwala sila na meron kang tinatago."
Napatingin si Liza sa cellphone.
Sa video, at sa larawan ni Leo na kasama ang babaeng si Cassandra.
“Hindi siya ‘yung taong minahal mo,” mahina ngunit malinaw na sabi ng lalaki.
"At kung mananatili kang bulag… gagamitin ka lang nila hanggang sa wala ka nang pakinabang.”
Umabot ng labing limang kilo ang bigat na nararamdaman ni Liza. Tila hindi na kayang ipagtanggol ni Liza si Leo.
Napaupo siya sa damuhan, tuluyang nawalan ng lakas. Habang mahigpit niyang hawak ang cellphone, parang iyon na lang ang koneksyon niya sa realidad.
“Anong… gagawin ko?” pabulong niyang tanong.
Hindi agad sumagot ang lalaki.
Ngunit nang magsalita siya, wala na ang panunuya sa boses niya.
“Manatili ka muna sa’kin.”
Napatawa si Liza ngunit may pait sa tono.
“Ikaw? Ang kumidnap sa’kin, ano pa bang magagawa ko?"
Tumitig ang lalaki sa kanya.
“Hindi kita kinidnap,” sabi niya. “Iniligtas kita.”
Nagkatinginan sila.
At sa gitna ng takot, galit, at pagkawasak, isang bagong tanong ang sumibol sa isip ni Liza.
Kung hindi si Leo ang kakampi ko.. at hindi ko rin lubos na mapagkatiwalaan ang lalaking nasa harap ko... sino na lang ang kakapitan ko ngayon?
Sa di kalayuan, may sanga ng puno ang marahang gumalaw. Parang may nakamasid. Dahil hindi lang sila ang nasa laro.
"Inumin mo to.."
Inabot ng lalaki ang isang baso na may wine habang abala sa maraming bagay na iniisip si Liza. Agad itong tinanggap ni Liza dahil iyon ang kailangan niya, ang pakalmahin ang sarili para makapag isip ng tama.
Ngunit sa kanyang unang paglagok ay napapikit siya. Sobrang pait ng lasa nito, ngunit humahagod ang tamis sa kanyang lalamunan. Para siyang sinsakal sa una, ngunit sarap na ang kanyang nararanasan sa huli.
"Dayhan dahang lang... Hindi tayo nagmamadali" sinabi ng lalaki at binuhusan niya uli ng wine ang baso ni Liza.
"Ang dami naman... wag mo na ako painumin!" reaksyon ni Liza na sinisisi ang lalaki.
"Sure.." sagot ng lalaki.
Sa pangalawang paglagok at pangatlong paglagok, biglang nakaramdam ng pagkahilo si Liza. Tila alak na ang iniinom niya at hindi lang wine.
"Lagyan mo pa please..." utos ni Liza.
Sinunod bg lalaki ang sinabi ni Liza.
Sa pag anim na lagok finally. Gusto na niyang humiga at matulog. Wala nang pakialam sa bukas na maaring mangyayari.
Pagkatapos ay nakaramdam si Liza nang pagka init sa sariling katawan. Ang paligid ay dumuduyan na sa kanyang paningin.
"Gusto ko na pumunta sa aking kwarto.."
"Sure.. hayaan mong tingnan kita habang naglalakad" offer pa ng lalaki.
"Hindi na kailangan!"
Ngunit sa hindi inaasahan ay bigla siyang natapilok. Mabuti na lang at nasagip siya ng lalaki.
Nagkakatitigan pa ang dalawa, ayaw aminin na nagiinit na sila sa isa't isa
"Kinidnap mo ako, pagkatapos ngayon sinasagip mo ako.?" sinabi ni Liza.
Tumuwid ng tayo ang lalaki dala ang katawan ni Liza, Saka sinabing, "Ayaw kong masisisi oras na mabagok ang ulo mo"
"Fine.. Tama ka. Pero may isang tanong ako.."
"Ano iyon?"
"Anong pangalan mo?" Naitanong din ni Liza sa wakas, kung ano ang pangalan nito.
Napakunot ng noo ang lalaki. "Kailangan ko bang sagutin yan o matutulog ka na?"
"Hindi!" sigaw ni Liza.
"Sabihin mo sa akin. Gusto ko malaman kung anong pangalan mong... hayop ka?!"
"Are you challenging me?" kalmadong boses ng lalaki pero matulis ang tono nito.
"Of course not, papatayin mo lang din naman ako at least alam ko kung sino pumatay sa akin."
"Alright."
Mabilis umabante ng paglalakad ang lalaki at lumapit sa kanyang harapan.
Napaatras naman si Liza. Natigil lang siya dahil may mesang humarang sa likod niya.
"Yayariin kita ngayon... at habang may hininga ka pa. ebubulong ko sayo ang pangalan ko..." hamon ng lalaki.
"Kitams? masama ka talagang tao..!!" halos maisigaw ni Liza ang mga salitang nakakapikon sa lalaki.
Napangiti lang ang lalaki. "Now you decide..."
Sa dami ng isipin at labis na pagkamuhi, ang nararamdaman ni Liza. Matapos malaman na nagloko sa kanya ang fiancee niya.. parang gusto na lamang niyang mamahinga.
"Do it.." bulong ni Liza.
"Are you sure?... madali akong mag init.." sinabi ng lalaki.
"Wala akong pakialam. Pero pinapangako ko, isusumpa kita bago ako mawalan ng hininga." malamig na boses ni Liza. Tila handa na siyang wakasan ang bigat na kanyang nararamdaman.
Napalunok ang lalaki. Sobrang init na ang dumadaloy sa kanyang katawan. Unti unting lumalabas ang aura ng ahas na siyang nagtutulak na gawin na ang nais nito. Hanggang sa naging berde ang mga mata ng lalaki, at iyon ay nananatiling nakatingin kay Liza.
Tila isang halimaw na handa na siyang tuklawin.
Nakita ito ni Liza, pero hindi siya sigurado kung tama ba ang kanyang nakita.
"Ang mata mo...berde?" tanong ni Liza.
Inaalog niya ang kanyang ulo, iniisip na baka epekto ito dahil sa matapang na wine na ini-inum niya, o malik-mata lang.
Ngayon ay lumapit ang lalaki, at sa pangalawang pagkakataon ay nagdikit muli ang kanilang mga katawan... ngunit may kakaibang lamig na sumingit sa pagitan nila, na para bang may ikatlong presensyang nakisabay sa kanilang paglapit.
"Your wish is granted my dear.." sinabi ng lalaki.
Ngunit ang tono niya ay kakaiba, hindi katulad kanina, ngayon ay tila may aninong sumisingit sa pagitan ng bawat salita.
Sapagkat ang kanyang boses ay hindi na iisa, may kasabay itong bulong na hindi matukoy kung saan nagmumula. Pumapatong sa orihinal na boses na parang boses ng matanda.
O marahil guni guni lang ito ni Liza.
Kasunod ng sandaling iyon, naramdaman din ni Liza ang dibdib ng lalaki na tumitibok nang kalmado.
Pagkatapos ay nagsalita ang lalaki malapit sa kanyang taenga.
"Are you sure that we're going to end this tonight?”