Pilit pinipigilan ni Liza ang sarili na magreact. Ramdam niya ang init ng dugo sa kanyang mukha, ngunit pinili niyang manatiling tahimik.
Bahagyang ngumiti ang lalaki, tila aliw na aliw sa sitwasyon.
“Hindi ito basta-basta trabaho,” sagot niya sa babae, marahang inaalis ang kamay nito sa kanyang pisngi. “May mga bagay na siya lang ang makakatulong.”
Napataas ang kilay ng babae.
“Talaga? Ano bang meron sa kanya na wala sa’kin?” may halong lambing at hamon ang tono nito.
Hindi agad sumagot ang lalaki. Sa halip, ang tingin niya ay kay Liza naka-direkta, matalim, tila may gustong ipahiwatig na siya lang ang nakakaintindi.
“Katotohanan sa likod ng marupok na kasakiman"
Napatigil ang babae. “Ano?”
Ngunit hindi na ito pinansin ng lalaki. Tumayo siya at inayos ang manggas ng kanyang polo.
“Tapos na tayo kumain. May kailangan pa kaming pag-usapan.”
Napahigpit ang hawak ni Liza sa kubyertos. Hindi pa siya handa. Hindi pa niya kayang harapin ang kahit anong “katotohanan” na sinasabi ng lalaki.
Ngunit tumayo na ito at bahagyang tumango sa kanya.
“Sumama ka.”
Wala siyang nagawa kundi sundin ito.
Habang naglalakad sila palayo sa mesa, ramdam ni Liza ang titig ng babae sa kanyang likuran, matulis, puno ng pagdududa… at selos.
Pagdating nila sa isang bahagi ng hardin na mas tahimik, huminto ang lalaki. Nakaharap siya ngayon kay Liza, ilang hakbang lang ang pagitan.
“Galit ka?” diretsong tanong nito.
Hindi na napigilan ni Liza.
“Sinungaling ka!" mariin niyang sagot. “Hindi ako nagaapply bilang assistant mo. Kinidnap mo 'ko!.”
Hindi nagbago ang ekspresyon ng lalaki.
“Kung hindi kita kinuha, baka ngayon patay ka na" sagot ng lalaki.
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Liza.
“Ano’ng ibig mong sabihin?”
Huminga nang malalim ang lalaki, tila sinusukat ang mga susunod niyang sasabihin.
“Yung lalaking kilala mo bilang Leo…” sandali siyang tumigil, “hindi siya ang iniisip mong siya.”
Muling bumilis ang t***k ng puso ni Liza.
“Tumigil ka na,” pabulong niyang sabi. “Sinasaktan mo lang ako.”
“Mas masasaktan ka kung hindi mo malalaman,” matigas na sagot ng lalaki.
Ilang segundo silang nagtitigan. Pagkatapos, dahan-dahang inilabas ng lalaki ang isang lumang cellphone.
“Ingat kong itinago ‘to, Dahil dito magsisimula ang lahat.” Sabi ng lalaki.
Iniabot niya ito kay Liza.
“Buksan mo.” utos ng lalaki.
Nanginginig ang kamay ni Liza habang tinatanggap ang cellphone. Parang kabisado niya ang ganitong brand, kaya binuksan niya ito, nang walang pagaalinlangan.
Dahan-dahan niyang pinindot ang power button. Umilaw ang screen. At ang unang bumungad sa kanya, ay isang larawan.
Si Leo.
Pero hindi siya nag-iisa, may kasama siyang babae.
"Siya? paano nangyari ito? at bakit magkasama sila?" napatanong si Liza nang hndi sinasadya.
Iyon ay si Leo at ang babae na dumating kanina bago matapos ang kanilang dinner. Masaya, at sweet sila sa photo.
Nanghina ang tuhod ni Liza.
“H-hindi…” bulong niya.
"Cassandra Napoles ang pangalan ng babae" sinabi ng lalaki habang naglalakad palayo sa kanya na parang may hinahanap.
Ngunit mas masakit pa, dahil may date ang larawan. At iyon ay ang araw na sinabi ni Leo na nasa probinsya siya, para sa kanyang pamilya.
Tuluyan nang gumuho ang mundo ni Liza.
At sa tabi niya, tahimik na nakamasid ang lalaki. Sa isip niya ay nagsimula pa lang siya, para tuluyan nang makapaghiganti. Nais niyang pahirapan si Leo, pagapangin sa sarili nitong mga braso, habang nakagapos ang mga kamay sa likod at paa. Pagkatapos ay makiusap ito, na iligtas ang buhay niya. Hindi pa ito nangyayari, dahil sa kakaibang nararamdaman ng lalaki para kay Liza.
“Hindi lang ‘yan,” malamig na sabi ng lalaki.
Parang hindi na marinig ni Liza ang paligid. Naka-focus lang ang mata niya sa screen, sa larawan na paulit-ulit na sumasaksak sa puso niya.
“Peke ‘to…” pilit niyang sabi, kahit nanginginig ang boses. “Kaya mong gumawa ng kahit ano, edited to o baka nga AI lang para lokohin mo ako.”
“Talaga?” mahinang sagot ng lalaki.
Lumapit ng bahagya ang lalaki sa kanya.
“Swipe.”
Ngunit hindi gumalaw si Liza.
“Liza,” mas mababa na ang boses ng lalaki, pero may bigat.
"Kung magsisinungaling ako… hindi ako magpapakita ng ebidensya na kaya mong suriin.”
Mabilis na napalunok si Liza.
At sa kabila ng takot, sinunod niya ang kanyang sinabi.
Sumunod na larawan.
Si Leo uli, kausap ang parehong babae, ngunit ngayon, hindi na masaya ang mukha nito. Parang may pinagtatalunan.
Swipe.
Ngunit ngayon ang sumunod ay isang video. Nanginginig ang daliri ni Liza habang pinindot niya iyon.
Umalingawngaw ang boses ni Leo.
“…sigurado ka bang hindi siya naghihinala?”
Nanigas si Liza. Hindi niya agad nakita ang kausap, nakatalikod ito sa camera.
Pero pamilyar ang boses.
“Hindi pa,” sagot ng babae. “Pero matalino siya. Kailangan nating bilisan.”
Parang tumigil ang mundo, Anong sinasabi ng babaeng ito?
“Anong plano?” tanong ni Leo sa video.
Sandaling dumaan ang katahimikan.
Pagkatapos ay nagsalita ang babae na nasa video.
“Kapag nakuha na natin ang lahat ng kailangan… wala na siyang silbi.”
Biglang pinatay ni Liza ang video.
Hindi niya kinaya.
Napaatras siya, halos matumba, pero nahawakan siya ng lalaki sa braso.
“Ayos ka lang?” tanong nito.
“‘Wag mo akong hawakan!” sigaw ni Liza, agad inaalis ang kamay nito.
Humihingal siya, na parang nauubusan ng hangin.