Prologo

900 Words
Lumapit si Tiyong sa isang lalaki na magaspang ang mukha at may kaitiman at iniwan akong nakatayo roon. "Ito na! Ito na ang ipinangako kong bayad kaya tumupad kayo sa usapan!" sabi niya sa lalaki at itinuro ako. Tinignan ako ng lalaki mula ulo hanggang paa na parang hinuhubaran at mariing sinuri pagkatapos ay napangisi. "Tamang-tama ang dating niyo. Akala ko ay ang mga lamang-loob mo na ang ipambabayad mo." Nakangisi niyang saad at nakita ko namang natakot si Tiyong sa banta. Pinalapit ng lalaki ang tatlong babae at itinuro ako. "Paliguan niyo iyan, pabanguhin at dalhin agad sa arena. Bilisan ninyo!" bulyaw niya sa kanila at agad naman akong ibinigay ni Tiyong sa mga babae. Sa kaniyang mga mata ay may pagbabanta na huwag akong gagawa ng kalokohan. Dinala nila ako sa isang banyo at doon ay sapilitang hinubaran at pinaliguan na parang isang bata. Kahit anong pakiusap ko na ako na lang ang maliligo ay hindi nila ako pinapkinggan kaya naman hinayaan ko na silang gawin ang gusto nila. Matapos nito ay sinuotan nila ako ng isang pulang lingerie na para bang wala na ring itinago kahit pa nakasuot din ako ng ternong puting panloob. Inisip ko na lang na mas ayos na rin na ako ang naririto at hindi si Skye dahil kung nagkataon ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko kailanman. Nang matapos ay hinila nila ako at dumaan kami sa isang madilim na parte ng lugar at hinawi ang nakatabing na pulang kurtina. Nasilaw ako sa liwanag at napatakip sa mukha habang patuloy nila akong hinila at pinatayo sa gitna ng malaking stage na para bang isa akong singer na nakatakdang kumanta. Napasinghap ako nang makita ko ang mga tao sa harap ko. Karamihan ay mga lalaki at iba't-ibang lahi at edad. Marami ang nakatingin sa akin na para ba akong isang mamahaling karne na nakatakda nilang isalang at kainin. Napukaw ng host ang pansin ko nang mgsalita siya. "Bagong-bago siya. Kitang-kita niyo naman, 'di ba? Sexy, maganda at makinis. Hindi na siya ganoon kabata, ngunit sinisiguro namin sa inyo na kasing-sariwa siya ng isa. Bidding will start at one hundred thousand pesos!" ani ng lalaking kausap ni Tiyong kanina kasabay ng nakakalokong ngisi. Napasinghap ako sa narinig at nakaramdam ng takot. Iniyakap ko ang mga braso ko sa sarili ko dahil pakiramdam ko ay exposed na exposed ang kabuoan ko. Kahit man lang sa paraang iyon ay ma-protektahan ko ang sarili ko mula sa nakakasuklam nilang mga tingin. Saan ba ako ibinenta ni Tiyong? Sa brothel? "Two hundred thousand pesos!" "Two hundred thousand for number 25!" "Three hundred thousand!" Napapikit ako nang mariin at hindi na inintindi pa ang sinasabi nila. Bumabaliktad ang sikmura ko sa nakakalulang mga presyong binibitwan nila at dahil na rin sa kadahilanang pinag-aagawan nila ako na parang isang display lang at hindi isang buhay na tao. "This slave is sold to... Mr. Zeus Scott for fifteen million!" Napapikit na lang ako nang mai-anunsiyo na ang hatol sa akin. Wala na. Lahat ng pag-asa kong makalaya ay nawalang parang bula. Ngayon ay mapapasakamay ako ng isang taong hindi ko naman kilala. God knows kung ano ang sasapitin ko sa piling niya. Ma, Pa, kayo na ang bahala sa akin. Suot ang isang manipis na lingerie ay marahas nila akong inupo sa loob ng isang kwarto habang hinihintay ang taong nakabili sa akin. Madilim ang paligid at tanging ilaw lang ng buwan ang nagbibigay liwanag sa kwartong kinaroroonan ko. Sa kabila ng lamig na nagmumula sa aircon ay namamawis ako dahil sa kaba. Gusto kong umiyak, gusto ko na lang kitilin ang sarili kong buhay para matapos na ang lahat nito, pero hindi. Hindi pwede dahil para sa kapatid ko ay kakayanin ko ito. Napapiksi ako nang bumukas ang pinto at nang makarinig ako ng mga yabag ay napaatras ako hanggang sa headboard. Pabilis nang pabilis ang t***k ng puso ko habang naglalakad siya palapit sa kamang kinauupuan ko. Kalmado at walang pagmamadali ang bawat hakbang niya. Bakit nga naman niya kailangan magmadali gayung nabili na niya ako? Mahigpit ang pagkakakapit ko sa sapin na tila ba roon kumukuha ng lakas. Napasinghap ako nang yumuko siya at tumambad sa akin ang isang lalaking naka-maskara. Nakasuot siya ng isang gintong maskara at ang tanging makikita lang ay ang mga mata at bibig niya. "P-Please, huwag mo akong sasaktan." I pleaded and whimpered before scooting away from him. I trembled in fear when he said nothing and climbed up the bed instead. Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa akin at napapikit na lang ako at hinintay ang sunod niyang gagawin. Ang inaakala kong gagawin niyang paghalik o pananakit ay naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa tenga ko. "There's one rule that you have to remember from now on." He said huskily that made me shiver and I'm not sure if it's from fear or from pleasure at gusto kong murahin ang sarili ko dahil doon. Bakit ka naman makakaramdam ng pleasure dahil lang sa boses niya, Elizabeth? Inilayo niya ang mukha niya sa akin at tinitigan ako nang mariin. His brown eyes staring back at me. Something about them feels familiar, but unfamiliar at the same time. Itinaas niya ang isa niyang kamay at marahang hinaplos ang pisngi ko. "You are mine to please, mine to f*ck. Your body, face, heart and soul. They are all mine. You. Are. Mine." *
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD