Elizabeth Cruz's POV Malapit na akong mag-isang buwan dito sa kumpanya at napagtanto ko na hindi ko pa man lamang nabibisita ang ibang field. Kaya naman habang walang ginagawa ay sinamantala ko ang pagkakataon para maglibot sa ibang floor. Pasimple akong sumisilip sa mga studio kung saan nagaganap ang ibang live shooting. Sa M&V kadalasang nagaganap ang mga shooting ng reality shows ng network, ngunit dito rin naman ay may photoshoots at taping. Ang V. E. C at M&V ay magkahawak kamay sa pagbibigay ng magaganda at dekalibreng mga palabas sa bansa. Sa pagkakaalam ko ay magkaibigan na ang mga magulang nila kaya naman ipinagpatuloy nilang dalawa ang partnership. High school pa lang din ay nakikita ko na noon si Jasper dahil lapitin siya ng mga babae. "What?! Napaka-unprofessional naman n

