Kumagat na ang kadiliman ngunit buhay na buhay padin ang lansangan ng Vespral. Nakakapanibago ito sa akin dahil sa tanang buhay ko sa palasyo lamang ako namamalagi at walang ganito. Isa pang nakakapanibago ang naramdaman kong gutom, ngayon ko lang naranasan ang ganitong sitwasyon. Wala din akong matutuloyan at wala akong malalapitan. Kung nandito lang sana kamay ko ang mga dyamenteng aking isinilid sa supot na iyon!
Nagpagala-gala ako hanggang sa may nahanap akong espasyo nasa tingin ko'y sigurado akong ligtas, malayo ito sa karamihan. Inalis ko ang ilang dahong naroon ay walang pag-iinarteng humiga.
"Mukhang dito matutulog ang isang Princessang tulad ko."
Kahit hindi komportable ay itiniis ko ito, desisyon kong umalis sa malambot kong kama. Wala akong magagawa kundi maghanap ng trabaho bukas, hindi naman kakayanin ng dignidad kong magmalimos. Itinulog ko nalang ang aking gutom kahit mahirap lalo nasa malamig na sahig.
Dumating ang umaga, ang una kong ginawa ay maghanap ng mapapasokan. Hindi naman ako nabigo dahil nakahanap ako ng karatula sa isang tindahang nagbebenta ng kape't iba't-ibang uri ng tinapay. Hindi ako nagdalawang-isip na pumasok dahil wala pa namang tao sa loob.
"Good morning! Anong order niyo po?" Nakangiting tanong sa akin ng babaeng nagbabantay sa may kahera.
"Bakit ka ganyan magsalita? Ganito ba ang lengguahe niyo?"
"Ha? Ganito naman talaga dito, taga ibang lugar kaba?"
"Kalimutan mo na ang sinabi ko. Maari ko bang makausap ang may-ari ng gusaling ito? Balak kong maging trabahante ng establishimentong ito." Napataas ang kilay niya kaya gano'on din ginawa mo.
"Ang pormal mo naman bagay sa ganda mo! Waits, tawagin ko si Manager." Umalis siya't naiwan akong mag-isa, ang tangi kong ginawa ay pagmasdan ang magandang pagkakagawa ng lugar.
Walang minuto ang lumipas lumabas ang naka-unipormeng babae kasama ang isang lalaking halos nandoon na sa kanyang katandaan. Nakangiti akong lumapit kahit hindi iyon gawain.
"Tama ba ang aking narinig? Balak mong kunin ang bakanteng puwesto?" Tanong ng matanda habang nakahawak sa kanyang barbas.
"Oo, nais kong magtrabaho dito."
"Sigurado ka bang kaya mong magtrabaho dito?" Pag-uulit nito.
"Sigurado ako."
"Hindi kita maaring tanggapin iha." Agad siyang tumalikod pero pursigido ako lalo na ang kumakalam kong sikmura.
"May kailangan ba akong patunayan? Mabilis akong gumalaw, makakaya kong gawin ang gusto ng mamimili ng walang kahihirap. Malakas ako kaya kong protektahan ang iyong negosyo. Hindi ba't pareho tayong magbebenipisyo kapag naging empleyado niyo ako?" Mahaba kong lintanya.
"Marami na akong narinig na ganyan Iha, umalis kana't marami pa akong aasikasohin."
"Hindi ka naniniwala? Kung mapatunayan ko ang aking lakas magiging ganap na ba ako na empleyado dito?" Hindi siya tumugon sa tanong ko pero alam kong binibigyan niya ako ng pagkakataon.
Saktong may dumating na lalaking nasa kwarenta ang edad. Nakasuot siya ng unipormeng alam ko magbibigay sa akin ng lalong mas malaking chansang makuha. Mahihin akong lumapit dito bago ngumiti.
"Ginoo, maari ba kitang maanyaya sa larangan ng palakasan?" Magalang na pagtanong ko dito.
"Ha? Ano itong kahibangan mo babae, kay aga-aga pero sige." Hindi ko pinansin ang kayabangan niya. Nakatingin lamang sa amin ang tagapangasiwa ng establishimentong ito.
"Simple lang ho ang gagawin niyo, kailangan niyo akong mapatumba gamit ang enerhiyang napaloob sa inyo."
"Ano naman ang makukuha kong gantimpala kung magagawa ko iyon? Maari mo ba akong samahang gumala?"
"Walang problema Ginoo."
"Paano naman kung ako ang matatalo?" Tanong nito't mahinang tumawa.
"Walang karampatang parusa sa inyo Ginoo, may gusto lamang akong patunayan." Tumingin muna ako sa kanya ng huling pagkakataon, "Simulan na natin, ikaw ang mauna Ginoo."
"Hindi ko na ito patatagalin pa." Naramdaman ko agad ang enerhiyang ginagamit ng matanda pero wala itong silbi. Masyado siyang mahina. Hindi man lang ako nahirapang huminga.
"Go girl! Yaaas!"
"Hindi maari! Alam kong hindi pangkaraniwang kawal si Parton!"
"A-ano't?! Bakit nakatayo ka p-." Bago pa man niya matapos ang kanyang sasabihin ay natumba na siya sa sahig. Nauna pa ang ulo nito't nawalan ng malay, mukhang masyado akong nawili.
"Sapat na ba iyon?" Nakangiti kong tanong.
"T-tanggap kana."
--
"Galing mo ha, natanggap ka agad! Ako kulang nalang ilabas ang perlas ng silangana! Gulat talaga ako noong naihambalos mo si guy! Like grabe!" Bulalas ng babaeng kahera sa akin.
Pinasama ako ni Ginoong Gilbert upang maturoan ako sa pangunahing bagay. Kanina pa siya paliko-liko sa kanyang mga itinuturo dahil panay puri siya sa akin, hindi ko nakakaya ang kanyang posibitong enerhiyang tinataglay.
"Maraming salamat sa iyong papuri..." Hinintay ko ang kasagotan niya bagkus may itinuro siya, "Pia."
"Pi-yuh. Ganyan ang pronunciation, okay?"
"Piyuh, hindi Pia?"
"Oo, it's Piyuh. Alam kong magkakasundo tayo Liza." Napataas ang kilay ko sa naging pagbigkas niya sa pangalan.
"Liza? Lisa ang tamang pagkakabigkas ng pangalan ko."
"Ah, Lisa? Ah okay, Liza." Sagot niya at bumalik sa kanyang pwesto. "Sandali, may customer balikan kita dyan!"
Tiningnan ko siya ng may pagtataka. May ganitong klaseng nilalang sa mundong ito, mukhang kailangan kong sanayin ang sarili ko sa kanya.
--
Halos tatlong linggong nagtratrabaho na din ako dito pero hindi ko pa nakukuha ang aking karampatang salapi. Ganito pala ang sistema nila, kada isang buwan dapat ang lumipas at napatagal no'n! Mabuti nalang talaga't madiskarte ako't sa bodega na ako natutulog at kinakain ko ang mga tirang tinapay, binibigyan din ako ng salapi ni Piyuh. Nabanggit niya ngang dumadami ang bumibili simula noong dumating ako. Hindi nakakapagtakang dahil ito sa akin, ako'y kaakit-akit talaga.
"Piyuh, may mas madali bang paraan para kumita ako ng pera?" Bagot na tanonh ko sa kanya. Kasalukuyang nasa pahinga kami
ngayon.
"Meron pero kailangan mong ibenta ang kaluluwa mo, ang dignidad mo, ang kataw-."
"Wala na bang iba?"
"Ay! Pwede kang magtake ng missions para doon sa Guild. Malaki bayad nila don, marangal pa!" Bulalas niya't niya't nabuhayan ako ng dugo.
"Magandang balita kung gano'on! Ano ang kadalasang misyon ang inaalok nila don?"
"Mostly pagpatay ng mga monstrous beast sa forest side or maging bodyguard ng malalaking big people."
"Iyon lamang? Kung gano'on mas magiging madali ang pamumuhay ko dito." Sambit ko'y may ngiting tagumpay. Agad na kong naisip ang mga bagay na mabibili ko sa salaping meron ako. Pagkain, pagkain, pagka-.
"Magqu-quit kana sa job mo dito?" Malungkot niyang tanong, "Feeling ko naman strong ka kaya hindi ka mahihirapan."
"Hindi ko pa alam." Napakamot ako. Gaya niya, nalulungkot ako kung agad akong aalis, napalapit na ako sa kanya. "Hindi pa naman tayo sigurado pero maari mo ba akong samahan sa araw ng sadabo?"
"Sure, basta may kapalit ha!"
Madaling lumipas ang oras at alas otso ng gabi, ang oras ng pagsara. Naunang umalis ang ibang empleyado habang namalagi muna si Piyuh ng ilang sandali. Madali akong nakatulog dahil sa katotohanang maalis na akong sa bodegang ito.