CHAPTER 9

1608 Words
"Mahal kanina pa ako tawag ng tawag sayo ahhh di ka sumasagot pinatay mo pa ang cellphone mo may Problema ba?" Wika ko dito pagkapatay ko sa tugtugin nito agad naman itong lumingon sa akin. seryoso lamang ang mukha nito kaya nilapitan ko na ito. "Hoyy mahal ano ba talaga ang problema.may ginawa ba akong mali sabihin mo naman para alam ko" Tumingin ito sa akin "Umuwi ka na lang miggy inaantok na ako!" Akmang tatalikod ito sa akin ng yakapin ko ito at inilagay ko ang baba ko sa Balikat niya inamoy amoy ko pa ito amoy baby ito.at gustong gusto ko ang amoy nitong yon. "Ano ba miggy umalis ka nga diyan amoy ka ng amoy diyan alis!" lalo ko pang isiniksik ang mukha ko sa leeg nito at alam kong nakikiliti ito sa ginagawa ko kaya lalo ko pa itong kiniliti. "Hoyyyy ano ba sinabing alis ehh tama na nga!" Napangiti ako alam kong malapit ko na itong mapatawa. "Hmm di ako titigil hanggang di mo sinasabi kung bakit ka ganyan sa akin?" Inalis nito ang braso kong nakayakap sa kanya saka lumapit sa kama niya ay umupo. "Tinatanong mo pa ako akala mo ba di ko malalaman na ikaw ang kumuha kay Trisha para maging muse niyo sa dami daming magagandang babae sa campus natin siya pa talaga ang pinili mong maging muse ng team niyo. tingin mo ba nakakatuwa yon huh Hindi hindi nakakatuwa yon!" di ko alam kong matatawa ako o maiinis o tamang sabihin na lamang na kinikilig ako dahil nagseselos pala ito. tumabi ako dito saka ko ulit ito niyakap. "Hahaha mahal nagseselos kaba?" Lumingon ito sa akin habang nakataas ang isang kilay kaya lalo akong natawa. "anong tinatawa tawa mo diyan huh.. " Hinalikan ko ito sa pisngi lalo itong nagiging cute pag nagsuaungit. "Ang cute cute talaga ng mahal ko pag nagseselos haha i love Mahal" wika ko dito.umikot ikot ang mata nito kaya lalo akong natawa kinurot naman ako nito kaya napa ngiwi ako. "Aray mahal masakit yon huh ikaw kaya ang kurutin ko sa ano-" kinurot kasi ako nito sa may u***g kaya naman akmang gagantihan ko din sana ito ng bigla nitong iharang ang kamay sa dibdib niya. kaya napatigil din ako. "Hmmmm sarili ko na nga lang ang kukurutin koo aray masakit din pala hahaha" maya maya pa narinig kung tumawa na ito ang ganda nito pag tumatawa kaya napangiti ako habang pinagmamasdan itong tumatawa. "Hahahaha ano kaba mahal sino bang nagsabi sayong kurutin mo sarili mo hahaha patawa ka huh" "Ayan tumatawa kana ganyan lang dapat mahal wag kana magtampo sa akin okey!" Wika ko muli dito humalokipkip ito habang nakanguso na kinangiti ko nanaman ewan ko pero gandang ganda ano sa mukha ni Gretam mataba lang ito pero maganda ang mukha nito. mas maganda pa ito kay Trisha o kahit sa kaninong babae sa campus. "Hmmm bakit kasi si trisha pa talaga ang kinuha mong muse ng team niyo marami namang pwede kunin bakit iyon pa isa pa di mo man lang ako tinanong." Nakasimangot nitong sagot sa akin niyakap ko muli ito habang nakapatong muli ang aking baba sa balikat nito at inaamoy amoy ko nanaman ang mabango nitong leeg.na amoy baby bagong ligo "Ano kaba mahal una tumatawag ako sayo noon para ipaalam at ipaliwanag kung bakit si Trisha ang kinuha kong maging muse kaso di mo sinasagot lagi ang mga tawag ko. pangalawa ok ako ang kumuha sakanya pero kasi dahil yon sa kagustuhan ni Mama nagkausap kasi ang mommy ni Trisha at mama ko na kung may kukunin kaming muse sa team si Trisha na lamang daw. isa pa mahal wala kang dapat na ikaselos kasi para sa akin ikaw lang ang maganda at di na ako titingin pa sa kahit na sinong babae diyan ikaw lang sapat na..... oiiii kinikilig na yarnn!!" nilingon ako nito na bahagyang nakangiti na din pero nakataas pa rin ang isang kilay nito. "Hmmmm talaga lang huh ikaw pag nalaman ko lamang na nilalandi ka ng trisha na yan naku baka daganan ko siya!" Natawa ako sa sinabi nito mukhang palaban na din ito ahhh. "thats my Girl!! yan dapat lagi kang palaban di lang dahil sa akin dapat lumalaban ka din para sa sarili mo mahal.. " bigla itong tumawa ng malakas na pinagtaka ko. "Hahahaha mahal as if naman gawin ko nga yon di na kickout pa ako sa school niyo hehe,,, but wait pero di naman ibig sabihin nun ay di kita kayang ipaglaban nohh pero in a good way kita ipaglalaban yung di na kailangan pang umabot sa bulbugan o kaya pahiyaan hehe." Hinila ko ito para mas mapalapit pa sa akin saka ko ito binigyan ng halik sa pisngi. "Ikaw huh kanina kapa halik ng halik diyan ohhh!" Kinurot ulit ako nito kaya naman kiniliti ko na lamang ito na kinahalakhak niya. maya maya bigla bumukas ang pinto ng kwarto at inilabas noon si Lola Fely na nakangiti habang pinagmamasdan kami dalawa. "Mga Apo halina kayo at kakain na tayo,maigi naman at okey na kayo dalawa. hala hala baba na at ng makakain!" Wika nito kaya naman sumunod na din kami bumababa. "Ohhh Migs ginagabi ka nanaman saan ka nanaman ba galing bata ka huh" Nakangiti akong pumasok ng bahay ng bigla sumulbot si Mama sa harapan ko.mukhang badmood ata ito kaya naman inakbayan ko ito at hinalikan sa pisngi. "Naku ikaw na bata ka di mo ako madadaan sa mga paganyan mo huh. ano ba itong nababalitaan kong may babae ka daw na laging kasama huh!" "Mama saan mo naman yan narinig siyaka sinong babae ba yang sinasabi mo ma!" alam ko na kung sino ang tinutukoy ni mama alam kong si Gretaly ang sinasabi nito. ayaw kong mapahamak ito kailangan kong protektahan ito. "Kanino pa di kay Trisha nagkita kami kanina sa Salon ano kaba naman miggy isang matabang babae at di naman maganda at isa pa scholar ng school lang natin iyon. di kaba nag iisip alam mong ikaw ang susunod sa yapak ng daddy mo ikaw ang hahawak ng mga negosyo natin pagdating ng panahon kaya kung maari pumili ka naman ng babaeng mamahalin!" Nalungkot ako bigla ngayon palang nakikita ko nang di magugustuhan ng pamilya ko si Gretaly.alam kong si Trisha ang gusto ng mga ito para sa akin pero ni katiting wala ako makitang maganda sa babaeng yon.saksakan ng sama ng ugali nito.isa pa napakaarte din nito.ewan ko ba kung bakit madami ang nagkakagusto rito ganung ibang iba ang ugali nito kay Gretaly. "Ano Miggy Di ka na nakasagot sino ang babaeng iyon.kung di mo kayang layuan ang babaeng yon papatalsikin ko siya sa ating school. tatanggalan ko ito ng scholarship!" inawat ko na agad si Mama alam kong kaya nitong gawin ang ganung bagay at ayaw kung mangyari iyon paano na lamang ang pangarap ni Greatly kung di ito makakapagtapos. "Ma kung ano man ang sinabi ni Trisha sayo gawa gawa lang niya yon ang totoo sila ang nangbubully sa kaklase kung yon and yes ma nakakasama ko ito dahil kaklase ko siya sa ibang mga subject namin. masama na ba ma makipagkaigan sa aking mga kaklase di niyo tinuro sa akin ang maging masama ang ugali. sige na ma maaga pa po ang pasok ko bukas Goodnight!" humalik ako sa pisngi nito di naman ito nakapagsalita sa mga sinabi ko.di ganun kasama ang mga magulang ko katunayan matulungin ang mga sa mahihirap kaya nga may mga scholar na binibigay ang school namin para sa mga studyante wala kakayahang mag enrol sa school namin. masyado lamang itong binubulag ni trisha.nasa kahulihang baytang na ako ng hagdan namin ng magsalita ulit si Mama. "Miggy gusto kung si Trisha ang maging kapareho mo sa dadating na JS Prom niyo." Di na ako nagsalita at tuluyan na akong pumasok ng aking kwarto. di ko tuloy. alam kong ano gagawin ko ngayon malapit na ang Js Prom namin at sinabi ko na kay Gretaly na siya ang gusto kung makaPareha.paano na ngayon ang gagawin ko nagulo ko ang aking buhok.sa pag iisip ng paraan baka magtampo sa akin si Gretaly at magselos nanaman ito pag nalaman nitong si Trisha ang gusto ipareha sa akin ng aking magulang. *are you okey mahal* nagpadala ako ng message kay Miggy kanina pa kasi ito seryoso at mukhang di ito nakikinig sa teacher namin mukha malalim ang iniisip nito.nakita kung binuksan nito ang cellphone niya. at nagtype kaya inintay ko ang reply nito. *Yes mahal okey lang ako why?* Sagot nito sa tanong ko dalian ako sa pagreply dito. *Eh kasi kanina kapa nakatulala eh baka kako may problema ka okey ka lang ba talaga* sagot ko dito lumingon ito saglit sa akin saka binasa ang mensahe ko dito.maya maya sumagot na din ito. *Mahal may sasabihin sana ako sayo mamaya eh magkita tayo sa favorite place natin okey I love you mahal* napakunot noo ako saan ba ang sinasabu nitong favorite place namin. dalian ako sa pagreply dito. *mahal saan ba yong favorite place natin na yon* sagot ko dito kita ko namang kumunot din ang noo nito. *Mahal ano kaba noong isang araw lamang ay nandon tayo diba* napaisip ako saglit at napangiti ako tama doon sa isang building ang sinasabi nito wala masyadong natambay doon.nilingon ulit ako nito kaya naman binigyan ko ito ng matamis na ngiti. nakita ko naman nagtatype nanaman ito sa kanyang cellphone. *Mahal nakakaakit naman ang ngiti mong yon. I love you so much mahal* lalo ako napangiti kinikilig nanaman ako sa boy friend kong gwapo. di ko na nagawang mag reply pa dito dahil nag umpisa nanaman kaming mag quiz.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD