Chapter 35

2071 Words

Kampanting nakahiga sa kama ko si Crisler habang nanonood ng teleserye niya. Ako naman ay pabalik-balik ang lakad, sisilip ako sa may sliding door tapos ilalagay ko ang tainga ko sa may pintuan ng kwarto ko at pakikiramdaman ko ang mga tao sa labas, paulit-ulit na ginagawa ko iyon tapos uupo ako sa paahan ng kama ko at titingin sa alarm clock ko bago tatayo ulit ako ay gagawin ang mga iyon. Hindi ako makampante na narito si Crisler. Paano kung mahuli siya ni Papa? E 'di, lalo nang napasama. Bakit naman kasi pumunta pa siya rito sa bahay? Nakakainis talaga ang lalaking ito problema lang ang dala niya sa akin. "Ano ba ang pinoproblema mo?" Tanong sa akin ni Crisler habang nakatingin siya sa tv. "Ikaw!" Medyo pasigaw na sagot ko sa kaniya. Umupo naman siya sa pagkakahiga at tumingin sa ak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD