Matapos namin mag-sparring ni Crisler ay nagpahinga na kami pero nagka-blackeye siya sa mata. Kaya naman asar na asar siya sa akin. Nagpalagay siya ng concealer kay Corrine para matakpan ang blackeye niya, ako naman ay nakangisi lang sa kaniya. Habang si Corrine ay dada nang dada habang nilalagyan ng concealer ang kuya niya. At sa shooting naman ni Crisler ay halos matawa talaga ako noong biglang umulan tapos natanggal ang make-up niya, kitang-kita tuloy ang pasa niya. Kaya naman takang-taka ang ilang tao roon kung saan daw galing ang pasa niya. Habang nasa byahe kami pauwi tuloy ay tahimik lang siya habang ako naman nagpipigil ng tawa. Mukha kasing hiyang-hiya siya kanina sa nangyari. Puro masasamang tingin lang binibigay sa akin ni Crisler samantalang ako ay nagpipigil naman ng tawa k

