Pinagmamasdan ko si Crisler na kumakanta sa may stage, nasa mall show niya kami ngayon nagpo-promote siya ng movie niya. Okay na siya at magaling na ang sugat niya, nakakagalaw na rin siya ng maayos. Isang linggo na rin kasi ang nakalipas simula ng makalabas siya sa hospital. Ilang araw na rin simula ng bumalik siya sa trabaho niya, at ayan na nga ngayon nasa mall show na siya. Sobrang daming tao at lahat ng sinisigaw ang pangalan ni Crisler. Sumasakit na nga ang tainga ko sa kakasigaw nila kapag kinikindatan sila ni Crisler. Hindi ko talaga alam kung ano ba ang nakita nila sa lalaking iyan. Nagtagal-tagal pa kami sa mall show nila bago umalis at sa pag-alis ay maraming mga tao ang gusto makalapit kay Crisler kaya ako naman ay hinaharang ko ang sarili ko. B*bo pa naman ang lalaking i

