Pagkababa namin ni Veron at Dara sa yatch ay nakatayo kami habang hinihintay ang apat na lalaki na makababa na rin, nakasuot kami ng sunglasses sa mata namin, alas dose na kasi ng tanghali ang tirik na tirik na ang araw. Nang maunang makababa si Henson ay pigil na tumatawa ang dalawa sa tabi ko. Nang maabutan ko kasi sila kanina ay si Henson ang una kong nahuli at sinapak ko sa may mata kaya may black eye siya sa kaliwang mata niya, may suot siyang sunglasses para natakpan. Actually si Zeus at Aldrich din ay may mga pasa sa kaliwang mata niya at mga naka-sunglasses sila. Mga nakanguso ang tatlong lalaki habang pababa ng yatch. Si Dara at Veron nang maabutan ko ay naki-usap sa amin sabi nila ay huwag daw sila dahil may photoshoot pa sila kailangan maganda pa sila, sa apat na lang daw

