"A-ano?" Na-utal kong tanong kay Crisler. "Sabi ko nagseselos ako!" May diin na sagot niya sa akin. Magsasalita na sana ako ng biglang may pumasok sa isang staff sa loob ng tent kaya naman mabilis kong tinulak si Crisler palayo sa akin at patay malisya akong tumingin sa pagkain na nasa table. "A-ay sorry po," sabi noong staff na mukhang nagulat sa nakita niya. "Okay lang po, pasensya na rin po," sabi ko bago ako nakayuko na lumabas ng tent. Ay jusko! Katatapos lang ng issue namin ni Crisler tapos ngayon mukhang ma-i-issue na naman. Huwag naman na sana bi-bingo na ako sa tatay ko. Matagal-tagal din bago lumabas si Crisler at nang lumabas na siya ay kasabay niyang lumabas iyong babaing staff na nakakita sa amin. Tumatawa pa silang dalawa, nang mapatingin sa akin si Crisler ay kinin

