Isang linggo na magmula ng huling nakita ko si Crisler sa personal. Hindi kami nagkita sa loob ng isang linggo, ako busy sa pagbabantay ko kay Mang Ronald at pagsunod ko kay Lorenz. Si Crisler naman busy sa girlfriend niya at sa isang buong linggo ay silang dalawa ang laman ng balita sa social medias. Natakpan na ang issue tungkol sa amin ni Crisler at pumalit doon ay issue naman ng girlfriend niya. Araw-araw yata trending ang dalawang iyong sa social medias, lagi rin sila magkasama kasi parang halos oras-oras ay may mga litrato silang magkasama. At dahil nawala na rin ng parang bula ang issue tungkol sa amin ni Crisler ay napagpasyahan na namin ni Allan na ako na ulit ang magbabantay kay Crisler. May mga gagawin din kasing ibang bagay si Allan, kaya simula ngayong araw ay balik na ako

