Ilang araw na rin nang matapos ang bakasyon namin sa Batangas ay nakabalik na kami sa Manila, wala na masyadong trabaho si Crisler, iyong teleserye niya na lang ang shino-shoot niya, mga pictorials, at commercial na lang. Hindi na ganoon ka-busy. Tahimik na rin sa ilang araw, walang nagpaparamdam na banta. "Kumusta ang bakasyon ninyo?" Tanong sa akin ni Papa habang nasa hapag kami ng kainan. Nag-uumagahan kami ngayon at ngayon ko lang nakasabay ulit sila kumain kasi madalas ay umiinom na lang ako ng kape at kumakain ng tinapay dahil minamadali ako ng p*nyetang Crisler na iyon tapos wala naman pa lang gagawin. "Okay naman po, wala naman nangyari," sagot ko bago ko isubo ang fried rice at kumagat ng kalahati sa isang hotdog. "May lead na ba?" Tanong naman ni Mama. Nilunok ko muna ang kin

