Sakay ng SUV sina MK at Tina na minamaneho ng driver ng binata. Patungo silang dalawa sa Golden Homes at ayon sa binata ay birthday ng Administrator ng nasabing institusyon. Naka-convoy sa kanila ang delivery van ng Deliziozo Restaurant na puno ng pre-cooked foods at mga groceries. Habang binabaybay ng mga sasakyan ang daan patungo sa kanilang sadya ay nakikinig silang dalawa sa music sa cellphone ni MK. Pinagtig-isa nila ang earphone at kasalukuyang pinapatugtog ang isang sikat na kanta. ‘Take me into your loving arms. Kiss me under the light of a thousand stars. Place you head on my beating heart.’ Naramdaman ni Tina ang paghawak ni MK sa kanyang palad at pinagsalikop ang kanilang kamay. ‘Because honey your soul. Could never grow old. It’s evergreen. Baby, your smile, Forev

