May mga dumating sa lamay ni Tatay Manuel na hindi kilala ng mag-inang Bea at Tina. Mga dati palang nakasama ni Manuel Rubio sa pelikula. Dumating din sa lamay ang ibang staff ng Golden Homes at sina Ems at mga kapatid nito. Nagkaroon ng pagkakataon na mag-usap ng sarilinan ang magkaibigan. “Tin, nalulungkot at nanghihinayang talaga ako sa nangyari. Sayang talaga at huli mo ng nakilala ang iyong ama. But don’t worry, siguro may ibang plano si God para sa’yo.” Nais ni Ems tumaas ang moral ni Tina at kalamayin ang kalooban nito. “Tanggap ko naman, Ems. Ganoon naman ang buhay ng tao di ba? May mga bagay na ayaw man nating mangyari ay nangyayari.” Malungkot na humilig si Tina sa balikat ng kaibigan. Payakap na umakbay din si Ems sa kaibigan. "Pumunta na ba rito si Sir MK?" “Hindi pa kas

